27/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Coordination with Pasig Peace and Order Action Line for Road Clearing Operation
Nakipagpulong tayo sa Pasig Peace and Order Department โ Action Line Division para sa mas maayos na koordinasyon kaugnay ng ating Transmitted Request for Road Clearing Operations.
Masusing napag-usapan ang mga hakbang at proseso upang masigurong maayos, patas, at organisado ang implementasyon ng clearing operations sa ating barangay.
Saklaw ng operasyon ang kahabaan ng Dr. Sixto Antonio Avenue, Rosario Boulevard, at Westbank Floodway. Layunin nito na mapanatili ang kaayusan, kaligtasan, at mas maayos na daloy ng trapiko sa ating mga pangunahing kalsada.
Bilang Punong Barangay, mahalaga sa akin na ang bawat hakbang ay dumaan sa tamang proseso at koordinasyon para sa kapakanan ng lahat.
Mangyaring abangan ang susunod na anunsyo para sa schedule ng operasyon matapos ang assessment at planning.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa. ๐๐ค
27/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Public Service Update
Ngayong February 23, 2026, nagsagawa ng flushing operation ang Fire and Rescue Team FT17 sa dumping sites ng Purok 2 at Purok 3 dito sa Barangay Rosario. ๐
Malaking tulong ang ganitong operasyon para mapanatiling maayos, malinis, at ligtas ang ating komunidad.
Maraming salamat sa Fire and Rescue Team FT17 sa mabilis at maaasahang serbisyo. ๐
27/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | APEC Students Community Program Proposal
Nagpresenta ng kanilang mga proposed community programs ang mga mag-aaral mula sa APEC Schools kina Kagawad Karen Cruz, Kagawad Benny Antonio, at SK Chairman Tyrone Jethro Monakil ngayong araw.
Ilan sa kanilang mga mungkahi ay nakatuon sa pagpapalakas ng youth engagement, community service, at mga proyektong makakatulong sa ating barangay.
Nananatiling bukas ang tanggapan ng Barangay Rosario sa mga ganitong inisyatibo na humuhubog sa kakayahan sa serbisyo at leadership ng ating mga kabataan.
Hinihikayat natin ang mas marami pang kabataan na makilahok at makiisa para sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.
Maraming salamat, APEC Students! ๐ค๐
26/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Pasig City BFP Courtesy Visit
Ngayong umaga, malugod naming pinaunlakan ang Courtesy Visit ng Bureau of Fire Protection โ Pasig City, sa pangunguna ng ating Punong Barangay Kap. Ely Dela Cruz, Sr., kasama si Kagawad Benny Antonio.
Kinatawan ni SFO4 Jaifer M. Talampas ang kanilang tanggapan at nakipag-ugnayan sa atin upang talakayin ang mga estratehiya bilang paghahanda sa nalalapit na Fire Prevention Month ngayong Marso.
Bilang komunidad, mahalagang tayo ay maging handa at mapagmatyag. Pinapaalalahanan ang lahat na siguraduhing fire-safe ang ating mga tahanan at kapaligiran.
Barangay Rosario, makiisa po tayo sa darating na Fire Prevention Campaign. Inaasahan ang pagsisimula ng mga aktibidad sa mga susunod na araw.
Manatiling ligtas, Rosario! ๐ฅ๐ค
26/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Community Partnership
Masaya akong ibahagi na may ilan pang mga mag-aaral mula sa Pamantasan ng Lungsod ng Pasig (PLP) ang bumisita at nakipag-ugnayan sa Barangay Rosario Government para sa kanilang community immersion under NSTP-CWTS.
Sa kanilang pagbisita, inilatag nila ang kanilang mga planong pangkalikasan at mga adbokasiya na nakatuon sa pangangalaga ng ating kapaligiran dito sa Barangay Rosario. ๐ฑ
Maraming salamat, PLP students, sa inyong malasakit at hangaring makapag-ambag sa pag-unlad ng ating bayan. Tuloy-tuloy lang ang pagtutulungan! ๐ค๐
23/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Courtesy Visit & Oath-Taking of Foundation of St. Joseph the Worker Officers
Ngayong February 20, 2026, pormal na nanumpa sa tungkulin ang mga bagong officers ng Foundation of St. Joseph the Worker.
Ang Barangay Rosario Government ay kaisa ninyo sa pagsusulong ng mga programang makatutulong sa ating mga ka-barangay. Bukas ang aming tanggapan para sa patuloy na koordinasyon at mas matibay na pagtutulungan.
Pagbati po sa inyong panunungkulan bilang ganap na officers. Nawaโy maging matagumpay ang bawat adhikain ng inyong foundation para sa ikabubuti ng ating komunidad. ๐
23/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Barangay Council Executive Session
Noong February 18, 2026, pormal kaming nagtipon para sa isang Executive Session ng Barangay Rosario Council.
Kasama ang ating mga Kagawad ng Sangguniang Barangay, Secretary, Treasurer, at SK Chairman, tinalakay namin ang mga mahahalagang agenda na nakatuon sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng ating komunidad. ๐
Mahalaga na maayos, malinaw, at may direksyon ang bawat hakbang ng ating pamahalaang barangay para sa mas epektibong serbisyo sa ating mga ka-barangay.
Tuloy-tuloy lang tayo sa pagtatrabaho para sa Barangay Rosario. ๐๐ค
23/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Holy Mass for Ash Wednesday
Noong Feb 18, sama-sama tayong nagkaroon ng Holy Mass bilang paggunita sa Ash Wednesdayโisang solemn na umaga ng panalangin at pagninilay.
Bilang Punong Barangay, dalangin ko na magsilbi itong panahon ng kataimtiman, pagpapakumbaba, at paglapit sa Panginoon para sa ating lahat.
Nawaโy patuloy na pagpalain ang ating Barangay Rosario at ang bawat pamilya sa ating komunidad. ๐๐
23/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ | Oplan Kaayusan (OK) sa Rosario
Nakiisa tayo sa Oplan Kaayusan (OK) na isinagawa sa Barrio Masikip, Jennyโs Ave., kasama si Mayor Vico Sotto, Coun. Angelu de Leon, at ibaโt ibang departments ng Pasig LGU.
Ang ating Barangay Council, personal din tayong nag-ikot sa area at nakipag-usap sa mga residente para masiguro ang kaayusan at agarang matugunan ang mga concerns sa ating lugar. ๐ค
Ang Oplan Kaayusan ay hindi lang simpleng pagbisitaโito ay direktang pakikipag-ugnayan sa komunidad para maihatid ang immediate assistance at mas mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan.
Para sa akin, ang tunay na serbisyo-publiko ay hindi lang ginagawa sa loob ng opisinaโkundi sa mismong komunidad, kasama ang mga tao.
Maraming salamat sa lahat ng ka-barangay na nakiisa at tumulong. Tuloy-tuloy lang tayo sa pag-aayos at pagpapabuti ng Barangay Rosario. ๐โค๏ธ
20/02/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐ญ๐๐ซ ๐๐ง๐ญ๐๐ซ๐ซ๐ฎ๐ฉ๐ญ๐ข๐จ๐ง - ๐๐๐ง๐ข๐ฅ๐ ๐๐๐ญ๐๐ซ ๐๐๐ข๐ง๐ญ๐๐ง๐๐ง๐๐
Date: Simula bukas, February 20, 2026 (FRIDAY) hanggang February 21, 2026 (SATURDAY)
Time: 10:00 PM to 4:00 AM
Location: In front of Caltex along Amang Rodriguez
May inaasahan pong water service interruption sa area bukas, bunsod ng maintenance activity (step testing) ng Manila Water. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, mga ka-barangay!