Municipality of Pateros

Municipality of Pateros

Share

Official page of the Municipal Government of Pateros.

Photos from Municipality of Pateros's post 05/06/2026

πŸ“’ NBI SATELLITE OFFICE NASA PATEROS NA PARA MAPALAPIT AT MAPADALI ANG SERBISYO SA MGA TAGA-PATEROS AT KARATIG-BAYAN!

Isang mahalagang hakbang tungo sa mabilis at maginhawang serbisyo publiko ang opisyal na pagbubukas ng NBI Satellite Office sa Pateros, na ginanap ngayong araw sa LTO Pateros.

Pinangunahan ang makasaysayang okasyong ito nina NBI Director Atty. Melvin Matibag, Mayor Gerald German, dating Mayor Ike Ponce, Vice Mayor Carlo Santos, at Tita Precy Ponce, kasama ang iba pang mga opisyal at panauhin na nagkaisa sa layuning mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa bawat mamamayan.

Sa pamamagitan ng bagong NBI Satellite Office, hindi na kinakailangang bumiyahe nang malayo ang mga residente para sa kanilang NBI clearance at iba pang kaugnay na serbisyo. Ito ay isang konkretong hakbang upang makatipid sa oras, gastos, at pagod ng ating mga kababayan habang pinapahusay ang access sa mahahalagang serbisyo ng gobyerno.

Patuloy nating suportahan ang mga programang naglalayong gawing mas episyente, mas accessible, at mas makatao ang serbisyo publiko para sa bawat taga-Pateros.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagbuo ng isang bayang may mabilis, maayos, at makabagong serbisyo para sa lahat.

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

Photos from Municipality of Pateros's post 05/06/2026

β™»οΈπŸŒ Sama-samang pagkilos para sa malinis, maayos, at luntiang kinabukasan ng Metro Manila!

Kahspon ay isinagawa ang Metro Manila Solid Waste Management Board Technical Working Group Alignment Meeting 2026 na ginanap sa Villa Monica at pinangunahan ng MMDA, kasama ang mga kinatawan mula sa iba't ibang lokal na pamahalaan sa NCR, World Bank, EMB-NCR, at iba pang katuwang na ahensya.

Dumalo rin sa mahalagang pagpupulong sina Mayor Gerald German, Vice Mayor Carlo Santos, at ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Pateros sa pangunguna ni MENRO Head Regina Legaspi upang makiisa sa pagbuo ng mga polisiya, programa, at estratehiyang magpapalakas sa solid waste management at environmental sustainability sa buong Metro Manila.

Sa pamamagitan ng ganitong mga pagtitipon, mas napapalakas ang koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya upang makahanap ng mas epektibo at pangmatagalang solusyon sa mga hamon sa pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan.

Patuloy nating suportahan ang mga programang naglalayong mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang ating komunidad para sa susunod na henerasyon.

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

Photos from Municipality of Pateros's post 05/06/2026

🩸❀️ Isang simpleng donasyon, maaaring maging dahilan ng panibagong buhay para sa iba.

Kahapon ay isinagawa ang Pateros Blood Donation Drive sa pakikipagtulungan ng Makati Medical Center at ng Pamahalaang Bayan ng Pateros sa pangunguna ng Pateros Clinical Laboratory sa ilalim ng supervision ni John Karl Jimenez at sa suporta ng ating mahal na Mayor Gerald German.

Layunin ng programang ito na palakasin ang suplay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan ng agarang tulong medikal at hikayatin ang mas marami pang mamamayan na maging bahagi ng isang makataong adhikain. Sa bawat bag ng dugo na naibibigay, may pagkakataong makapagligtas ng buhay at makapagbigay ng pag-asa sa mga pamilyang dumaraan sa pagsubok.

Nagpapasalamat tayo sa lahat ng mga boluntaryong donor, healthcare workers, at mga katuwang na organisasyon na naglaan ng oras at malasakit upang maging matagumpay ang gawaing ito. Ang inyong kabutihang-loob ay patunay na buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa ating komunidad.

Patuloy nating suportahan ang mga programang pangkalusugan at sama-sama nating itaguyod ang isang mas ligtas, mas malusog, at mas mapagmalasakit na Pateros.

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

Photos from Municipality of Pateros's post 05/06/2026

πŸŒ•πŸŽ“ Muling nabuhay ang masasayang alaala ng kabataan sa isang gabi ng saya, tawanan, at pagkakaisa!

Kahapon ay matagumpay na isinagawa ang 2nd Quarter Senior Citizens Fullmoon Festival 2026 na may temang β€œBack to School: Golden Years, High School Cheers.” Sa pamamagitan ng makulay na pagdiriwang na ito, muling binalikan ng ating mga senior citizens ang kanilang mga alaala noong panahon ng kanilang pag-aaral habang nagkakaroon ng pagkakataong magtipon, magsaya, at makibahagi sa iba't ibang aktibidad na inihanda para sa kanila.

Ang programa ay isinagawa sa pangunguna ng ating Pamahalaang Bayan sa pamumuno ng ating mahal na Mayor Gerald German at Vice Mayor Carlo Santos, katuwang ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pangunguna ni Chairperson Nora Macinas. Patuloy nilang pinatitibay ang mga programang nagbibigay-pugay at pagkilala sa mahalagang ambag ng ating mga nakatatanda sa ating komunidad.

Patunay ang pagdiriwang na ito na ang edad ay hindi hadlang upang magpatuloy sa paglikha ng masasayang alaala at pagpapatibay ng samahan sa ating bayan.

Patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay saya, pagkilala, at inspirasyon sa ating mga senior citizens.

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

Photos from Municipality of Pateros's post 03/06/2026

πŸ›‘οΈ Kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat taga-Pateros ang patuloy nating prayoridad!

Kahapon ay matagumpay na isinagawa ang 2nd Quarter Municipal Peace and Order Council (MPOC) Meeting sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Gerald German, Vice Mayor Carlo Santos, katuwang ang DILG sa pangunguna ni MLGOO/Director Charlotte Publico, kasama ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan, ahensya ng pamahalaan, at mga miyembro ng konseho.

Sa pagpupulong ay tinalakay ang mahahalagang usapin ukol sa peace and order situation ng ating bayan, mga programa para sa crime prevention, disaster preparedness, anti-illegal drugs campaign, at iba pang hakbang upang mapanatili ang isang ligtas, maayos, at maunlad na Pateros para sa lahat.

Patunay ito ng patuloy na pagkakaisa at koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya upang masig**o ang mabilis, epektibo, at responsableng paghahatid ng serbisyo publiko.

Sama-sama nating suportahan ang mga programang naglalayong mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa ating komunidad. Ang bawat mamamayan ay may mahalagang papel sa pagbuo ng isang mas ligtas at mas maunlad na Pateros.

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

03/06/2026

🎨 OPEN NA ANG REGISTRATION PARA SA GOGO PATEROS FREE ACRYLIC PAINTING WORKSHOP!

Inaanyayahan namin ang lahat na magparehistro para sa ating libreng Acrylic Painting Workshop na bukas para sa lahat ng edadβ€”mula sa mga kabataan hanggang sa ating mga senior citizen.

βœ… LIBRE ang workshop
βœ… LIBRE ang mga gagamiting materyales
βœ… Wala nang kailangang dalhin
βœ… May klase tuwing Sabado at Linggo
βœ… May hiwalay na session para sa ating mga Senior Citizens

πŸ“… Ang ating unang session ay magsisimula ngayong Sabado at Linggo, 1:00 PM onwards.


⚠️ Limitado lamang ang mga slot at ito ay FIRST COME, FIRST SERVED basis kaya mag-unahan na po sa pagpaparehistro.

Ang programang ito ay naging posible sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Pateros, sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Gerald German, at ng Atelier Betismo, sa pangunguna ni Roberto "Uncle Bob" Cruz Yumul.

Isang pagkakataon ito upang matuto ng pagpipinta, mapaunlad ang inyong talento, at makibahagi sa isang mas masigla at malikhaing komunidad dito sa Pateros.

Mag-register na ngayon at siguraduhing makakuha ng slot!

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

Photos from Municipality of Pateros's post 02/06/2026

πŸ† PAGPUPUGAY SA MGA KAMPEON NG PATEROS! πŸ†

Noong lunes, kasabay ng ating Flag Raising Ceremony, ay binigyang pagkilala at ginawaran ng parangal ng ating mahal na Mayor Gerald German ang mga natatanging kawani at koponan na nagbigay ng karangalan sa Pateros sa katatapos lamang na LGULYMPICS.

Sa pamamagitan ng kanilang sipag, dedikasyon, disiplina, at pagtutulungan, muli nilang ipinakita na kayang makipagsabayan at magtagumpay ng mga taga-Pateros sa iba't ibang larangan ng palakasan at kompetisyon.

Ang kanilang tagumpay ay hindi lamang personal na karangalan kundi inspirasyon din sa buong pamahalaang bayan upang patuloy na magsikap, maglingkod nang mahusay, at magkaisa para sa mas maunlad na Pateros.

Mula sa Pamahalaang Bayan ng Pateros, taos-pusong pagbati sa lahat ng mga kalahok at lalo na sa mga nagwagi. Kayo ang patunay na ang pagtitiyaga at pagkakaisa ay susi sa tagumpay.

πŸ‘ Sama-sama nating ipagdiwang ang kanilang tagumpay! Mag-iwan ng mensahe ng pagbati sa ating mga LGULYMPICS athletes sa comment section.

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

02/06/2026

🎨 OPEN NA ANG REGISTRATION PARA SA GOGO PATEROS FREE ACRYLIC PAINTING WORKSHOP!

Inaanyayahan namin ang lahat na magparehistro para sa ating libreng Acrylic Painting Workshop na bukas para sa lahat ng edadβ€”mula sa mga kabataan hanggang sa ating mga senior citizen.

βœ… LIBRE ang workshop
βœ… LIBRE ang mga gagamiting materyales
βœ… Wala nang kailangang dalhin
βœ… May klase tuwing Sabado at Linggo
βœ… May hiwalay na session para sa ating mga Senior Citizens

πŸ“… Ang ating unang session ay magsisimula ngayong Sabado at Linggo, 1:00 PM onwards.

πŸ“ PAANO MAG-REGISTER?

Magtungo lamang sa Anicia's Garden CafΓ© and Art, na matatagpuan sa 284 P. Rosales Street, Pateros, Metro Manila, sa pagitan ng Chapel at ng Bagong Sikat, at magpalista.

πŸ•“ Ang Anicia's Garden CafΓ© and Art ay bukas araw-araw mula 4:00 PM hanggang 11:30 PM para sa inyong registration.

⚠️ Limitado lamang ang mga slot at ito ay FIRST COME, FIRST SERVED basis kaya mag-unahan na po sa pagpaparehistro.

Ang programang ito ay naging posible sa pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan ng Pateros, sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Gerald German, at ng Atelier Betismo, sa pangunguna ni Roberto "Uncle Bob" Cruz Yumul.

Isang pagkakataon ito upang matuto ng pagpipinta, mapaunlad ang inyong talento, at makibahagi sa isang mas masigla at malikhaing komunidad dito sa Pateros.

Mag-register na ngayon at siguraduhing makakuha ng slot!

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

🎨✨ FREE Acrylic Painting Workshop sa Anicia's Garden Café and Art!

Inaanyayahan namin ang lahat na sumali sa aming FREE Acrylic Painting Workshop. Bukas ito para sa lahat ng edad, mula sa mga baguhan hanggang sa mga nais pang hasain ang kanilang kakayahan sa pagpipinta.

πŸ–ŒοΈ Mga Klase:
πŸ“… Tuwing Sabado at Linggo

🎨 Unang session ay magsisimula ngayong weekend!

πŸ“ First come, first served basis lamang kaya siguraduhing makapag-register agad upang makakuha ng slot.

πŸ“ Paano mag-register?
Magtungo lamang sa Anicia's Garden CafΓ© and Art at magpalista. Bukas kami araw-araw mula 4:00 PM hanggang 11:30 PM.

Sa pakikipagtulungan ng:

🎨 Atelier Betismo, sa pangunguna ni Roberto "Uncle Bob" Cruz Yumul

πŸ›οΈ Municipality of Pateros, sa pangunguna ng ating mahal na Mayor Gerald German

Sama-sama nating suportahan at palaganapin ang sining at pagkamalikhain sa ating komunidad.

Photos from Municipality of Pateros's post 02/06/2026

πŸ“š Sama-sama para sa maayos, malinis, at mas handang pagbubukas ng klase!

Kahapon, araw ng Lunes, ay nag-ikot ang ating Punong Bayan, Mayor Gerald German, sa iba't ibang pampublikong paaralan sa Pateros upang personal na makiisa at magbigay-suporta sa Brigada Eskwela 2026.

Bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagsuporta sa sektor ng edukasyon, nagkaloob din si Mayor Gerald German ng mga kagamitan sa paglilinis na magagamit ng mga g**o, magulang, at mga boluntaryo sa paghahanda ng mga silid-aralan at pasilidad ng paaralan para sa nalalapit na pagbubukas ng klase.

Ang Brigada Eskwela ay isang programa na nagpapakita ng tunay na diwa ng bayanihan, kung saan nagtutulungan ang mga g**o, magulang, estudyante, mga volunteer, at ang lokal na pamahalaan upang matiyak na ligtas, malinis, at maayos ang kapaligiran ng ating mga paaralan.

Sa kanyang pagbisita, personal ding pinasalamatan ni Mayor Gerald German ang lahat ng mga g**ong walang sawang naglilingkod, mga magulang na naglalaan ng kanilang oras, at mga boluntaryong tumutulong upang maging handa ang ating mga paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral.

Dinalaw nila Mayor Gerald German, Konsehal Don Ponce, Konsehal Allan Dela Cruz, at YSDO Bojic Raymundo ang Sto. Rosario Elementary School, Pateros Elementary School, Pateros National High School, at Paulina Manalo Elementary School. Ngayong araw ay nakatakda naman silang dumalaw sa iba pang mga paaralan para muling makiisa sa Brigada Eskwela.

Patunay ang gawaing ito na ang edukasyon ay nananatiling isa sa mga pangunahing prayoridad ng ating lokal na pamahalaan. Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, masisig**o nating magkakaroon ng mas magandang kapaligiran sa pag-aaral ang bawat batang taga-Pateros.

πŸ“’ Inaanyayahan natin ang lahat ng ating mga kababayan na patuloy na makiisa sa mga programang pang-edukasyon at sama-samang suportahan ang kinabukasan ng ating mga kabataan.

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

Photos from Municipality of Pateros's post 01/06/2026

πŸ›‘οΈ Kaligtasan at Kalusugan ng kabataan ang isa sa pinakamahalagang pundasyon ng isang malusog na komunidad.

Kahapon, Hunyo 1, 2026, ay pormal na idinaos ang programang Ligtas Tigas, isang mahalagang inisyatiba ng Pamahalaang Bayan ng Pateros sa pamamagitan ng Municipal.Health Office na naglalayong bigyang proteksyon ang ating mga kabataan na may edad 6 to 59 months laban sa tigdas.

Pinangunahan ito ng ating mahal na Punong Bayan, Mayor Gerald German, Vice Mayor Carlo Santos , MHO Dr. Menchie Ison, DOH Representative Dr. Hydee Palamo, kasama ang iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya na patuloy na nagtutulungan upang matiyak ang seguridad at kapakanan ng bawat batang Pateros.

πŸ“’ Inaanyayahan natin ang lahat ng taga-Pateros na makiisa at maging aktibong kabahagi sa mga programang naglalayong panatilihing ligtas, malusog, at handa ang ating bayan.

Mga minamahal naming mga magulang, magpunta na po sa ating mga health centers upang mabakunahan ang iyong mga anak.

Ligtas Tigdas: Basta Bakunado, Protektado!

Gobyernong Maayos
Gobyernong Bilis-Kilos

Want your business to be the top-listed Government Service in Pateros?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

841 G. De Borja
Pateros
1620