08/10/2026
Inimbitahan ng Department of Trade and Industry (DTI) Albay Provincial Office ang National Meat Inspection Service - Regional Technical Operation Center 5 (NMIS - RTOC 5) bilang isa sa mga resource speaker sa Consumer Talks Year 3 noong Oktubre 5 - 6, 2026 sa LCC Event Center, Legazpi, Albay, na dinaluhan ng humigit-kumulang 150 na kalahok.
Sa naturang kaganapan, tinalakay ng tagapagsalita mula sa NMIS RTOC 5 ang mandato ng NMIS, mga regulatory program, mga programa at interbensyon ng NMIS, adbokasiya sa pampublikong kalusugan, mga pagsasanay, estratehikong pag-unlad, pagpapatupad o enforcement, at pagsubaybay o monitoring.
Layunin nito na pataasin ang kamalayan ng mga mamimili, kabilang ang mga nakatatanda at iba pang sektor, pati na rin ang pagpapalakas sa kasunod na henerasyon ng mga mamimili.