14/07/2026
โ ๏ธ ๐๐ฆ๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐ช๐๐๐๐ก ๐ฃ๐๐ฅ๐ ๐ฆ๐ ๐๐๐๐๐๐ง๐๐ฆ๐๐ก ๐ก๐ ๐ง๐๐ง๐๐ฌ ๐ง๐ข๐
Hindi ko na sana ito ibabahagi, ngunit bilang anak, hindi ko kayang manahimik lalo na kung ang kaligtasan ng aming Ama, Tom P. Bongalonta Jr. ang nakataya.
Kahapon, July 13, bandang 10:30 AM, may tumawag sa cellphone ni Tatay mula sa isang unknown number. Isang lalaki ang humihingi umano ng tulong dahil nasa ospital ang kanyang anak. Tulad ng dati, hindi nagdalawang-isip si Tatay na makinig at tumulong. Humingi lamang siya ng kumpletong detalye, pangalan, tirahan, at ospital upang malaman kung paano siya makakaalalay.
Ngunit sa hindi namin maipaliwanag na dahilan, nagbago ang tono ng kausap. Tumaas ang boses nito at bigla na lamang naputol ang tawag.
Ilang sandali lamang ang lumipas, nakatanggap si Tatay Tom ng ๐๐ฒ๐
๐ ๐บ๐ฒ๐๐๐ฎ๐ด๐ฒ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฑ๐ถ๐ฟ๐ฒ๐ธ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐.
Bilang kanyang pamilya, hindi namin ito maaaring balewalain.
Kilala ng mga taga-Pili si Tatay bilang isang lingkod-bayan na sa loob ng maraming taon ay malayang nakakalakad sa ating bayan madalas ay walang kasamang bodyguard at kung minsan ay wala pang driver. Iyon ang tiwala niya sa ating komunidad at ang paraan ng kanyang paglilingkod sa taumbayan.
Ngunit sa harap ng ganitong pangyayari, amin pong hinihiling ang inyong pakikiisa.
Maging mapagmatyag po tayo. Kung may mapansin kayong anumang kahina-hinalang kilos o impormasyon na may kaugnayan sa banta sa kanyang seguridad, huwag po nating ipagsawalang-bahala. Ang kaligtasan ng bawat isa ay responsibilidad nating lahat.
Hindi lamang ito usapin ng aming pamilya. Ito ay usapin ng kaligtasan ng isang taong buong buhay na naglaan ng kanyang oras at serbisyo para sa ating bayan.
Maraming salamat po sa inyong panalangin, suporta, at patuloy na pagbabantay.
๐ง๐๐น๐๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ผ ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ ๐๐ถ ๐ง๐ฎ๐๐ฎ๐ Tom. ๐ซถ๐ผ๐ค๐ผ