Sangguniang Bayan ng Mariveles

Call Website Contact the organization

Sangguniang Bayan ng Mariveles The Official page of Sangguniang Bayan ng Mariveles

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก:Isinagawa ang Joint 1st Public Hearing ng Committee on Transportation, Public Utilities and Facilities at Commit...
07/10/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก:Isinagawa ang Joint 1st Public Hearing ng Committee on Transportation, Public Utilities and Facilities at Committee on Ways and Means na pinangunahan ni Konsehal Ronald Arcenal, upang talakayin ang Draft Municipal Ordinance No. 65.

Layunin ng panukalang ordinansa na magtakda ng mga alituntunin, regulasyon, bayarin at pamantayan sa paggamit, pamamahala, operasyon, pagpapanatili at pangangasiwa ng Mariveles Sports Complex at Mariveles Peopleโ€™s Park.

Kabilang din sa panukala ang pagtatakda ng Standard Facility Use Fee Matrix at paglikha ng Trust Fund para sa patuloy na maintenance, repair, improvement, at sustainable operation ng mga nasabing pasilidad, gayundin ang mga kaukulang parusa sa mga lalabag.

Patuloy ang pagsasagawa ng mga konsultasyon at pagdinig upang matiyak na ang ordinansa ay magiging kapaki-pakinabang at naaayon sa interes ng mamamayan ng Mariveles.

๐Ÿฒ๐Ÿฒ๐™ฉ๐™ ๐™๐™š๐™œ๐™ช๐™ก๐™–๐™ง ๐™Ž๐™š๐™จ๐™จ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™š ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐™ฉ๐™ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ค๐™› ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™ซ๐™š๐™ก๐™š๐™จ | October 5, 2026Matagumpay na isinagawa ang Ika-66 na ...
06/10/2026

๐Ÿฒ๐Ÿฒ๐™ฉ๐™ ๐™๐™š๐™œ๐™ช๐™ก๐™–๐™ง ๐™Ž๐™š๐™จ๐™จ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™ค๐™› ๐™ฉ๐™๐™š ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐™ฉ๐™ ๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™œ๐™œ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ค๐™› ๐™ˆ๐™–๐™ง๐™ž๐™ซ๐™š๐™ก๐™š๐™จ | October 5, 2026

Matagumpay na isinagawa ang Ika-66 na Regular na Sesyon ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Mariveles, na pinangunahan ng mga miyembro ng Sanggunian upang talakayin ang mga panukalang resolusyon, ordinansa, at iba pang mahahalagang usapin para sa kapakanan at patuloy na pag-unlad ng ating bayan.

Sa pamamagitan ng masusing deliberasyon, malalim na pagsusuri, at bukas na palitan ng mga pananaw, patuloy na sinisiguro ng Sangguniang Bayan na ang bawat panukala ay napag-aaralan nang mabuti at naiaayon sa pangangailangan at interes ng bawat Mariveleรฑo.

Kinilala rin ng Sangguniang Bayan ang bagong Acting Chief of Police ng Mariveles na si PLTCOL Virgilio D. Ramirez, bilang pagkilala sa kanyang bagong tungkulin at mahalagang responsibilidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan.

Binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagtutulungan at koordinasyon ng lokal na pamahalaan at kapulisan para sa isang ligtas at maayos na pamayanan.

Patuloy ang Sangguniang Bayan ng Mariveles sa pagsusulong ng pagkakaisa, responsableng pamamahala, at makabuluhang paglilingkod-bayan para sa kapakanan ng lahat.

๐Ÿฏ๐Ÿต๐˜๐—ต ๐—๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด | ๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒIsinagawa noong October 1, 2026 ang ika-39 na Joint Committee Meeting ng S...
05/10/2026

๐Ÿฏ๐Ÿต๐˜๐—ต ๐—๐—ผ๐—ถ๐—ป๐˜ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐— ๐—ฒ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐—ป๐—ด | ๐—ข๐—ฐ๐˜๐—ผ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Isinagawa noong October 1, 2026 ang ika-39 na Joint Committee Meeting ng Sangguniang Bayan, kung saan masusing pinag-aralan at tinalakay ang mga panukala at mahahalagang usaping nangangailangan ng masusing pagsusuri at pagtalakay.

Sa pamamagitan ng makabuluhang diskusyon, malayang pagpapalitan ng pananaw, at pagbibigay ng mga suhestiyon at rekomendasyon, patuloy na pinagbubuti ang bawat panukala upang matiyak na ang mga ito ay makabuluhan, napapanahon, at tunay na makatutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Ang patuloy na pagtutulungan at responsableng pagdedesisyon ng Sangguniang Bayan ay bahagi ng sama-samang layunin na maisulong ang mabuting pamamahala, kapakanan ng bawat Mariveleรฑo, at tuloy-tuloy na pag-unlad ng Bayan ng Mariveles.

๐Ÿฒ5๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐˜€ | ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ8, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒIsinagawa ang Ika-65 na Regular na S...
01/10/2026

๐Ÿฒ5๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐˜€ | ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ8, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Isinagawa ang Ika-65 na Regular na Sesyon ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Mariveles, kung saan muling nagsama-sama ang mga miyembro ng Sanggunian upang talakayin at pag-aralan ang mga panukalang resolusyon, ordinansa, at iba pang mahahalagang usaping may kaugnayan sa pamamahala at kapakanan ng ating bayan.

Sa pamamagitan ng masusing pagtalakay, palitan ng pananaw, at sama-samang pagsusuri, patuloy na pinagbabatayan ang bawat panukala upang makabuo ng mga hakbang na naaayon sa pangangailangan ng mga Mariveleรฑo at sa patuloy na pag-unlad ng ating komunidad.

Binigyang-pagbati at pagkilala rin ng Sangguniang Bayan ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Townsite para sa kanilang natamong parangal. Ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa kanilang dedikasyon at aktibong pakikilahok sa mga programang nagbibigay-halaga sa papel ng kabataan sa ating pamayanan.

Patuloy ang Sangguniang Bayan sa pagkakaisa, maayos na deliberasyon, at responsableng paggawa ng mga resolusyon at ordinansa tungo sa isang mas maayos, makabuluhan, at serbisyong tunay na nakatuon sa bawat Mariveleรฑo.

๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—จ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ & ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒPinangunahan ni Konseha...
24/09/2026

๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐˜€๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—จ๐˜๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—™๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€ & ๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ฑ๐˜‚๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—–๐˜‚๐—น๐˜๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ

Pinangunahan ni Konsehal Ronald Arcenal ang isang pagpupulong kaugnay ng liham mula kay Ms. Marquita A. Banal, School Head ng Ipag Elementary School, na humihiling ng agarang pamamagitan ng Sangguniang Bayan.

Layunin ng pagpupulong na mapag-usapan ang mga concerns ng Ipag Elementary School at mga tricycle driver na gumagamit ng terminal na katabi ng paaralan, partikular sa maayos at ligtas na pick-up at drop-off ng mga mag-aaral at school personnel.

Sa pamamagitan ng dayalogo at pagtutulungan ng magkabilang panig, layunin ng pagpupulong na makabuo ng malinaw at napagkasunduang guidelines upang mapanatili ang kaayusan at higit na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng buong school community.

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Ginanap ang Public Hearing na pinangunahan ni Konsehal Omar B. Cornejo kaugnay ng panukalang ordinansa na nagla...
24/09/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: Ginanap ang Public Hearing na pinangunahan ni Konsehal Omar B. Cornejo kaugnay ng panukalang ordinansa na naglalayong opisyal na tukuyin at itakda ang sakop ng Municipal Waters ng Bayan ng Mariveles, Bataan.

Layunin ng panukalang ordinansa na pagtibayin ang technical description na sertipikado ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) sa ilalim ng Certification No. NAMRIA-MW-BTN-008, at magtakda ng mga kaukulang probisyon para sa pamamahala, pangangalaga, proteksyon, wastong paggamit, at pagpapatupad ng mga batas at regulasyon para sa mga yamang pangisdaan at yamang tubig ng munisipalidad.

Sa pamamagitan ng Public Hearing, nabibigyan ng pagkakataon ang mga kinauukulan at mga stakeholder na maipahayag ang kanilang mga saloobin at mungkahi bilang bahagi ng masusing pag-aaral sa panukalang ordinansa.

๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ปPinangunahan ni Konsehal Omar Cornejo ang pagpupulong na ito para talakayin ang tun...
24/09/2026

๐—–๐—ผ๐—บ๐—บ๐—ถ๐˜๐˜๐—ฒ๐—ฒ ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐—ป๐˜ƒ๐—ถ๐—ฟ๐—ผ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป

Pinangunahan ni Konsehal Omar Cornejo ang pagpupulong na ito para talakayin ang tungkol sa verification, inspection, at investigation kaugnay ng mga quarrying at blasting activities ng Planters Aggregates, Inc. sa Sitio Agwawan, Barangay Sisiman.

Layunin ng pagpupulong na masuri ang pagsunod ng mga naturang aktibidad sa mga kinakailangang permit at umiiral na batas at regulasyon, gayundin ang mga usaping may kinalaman sa kaligtasan ng mga residente at pangangalaga sa kalikasan.

Patuloy ang Sangguniang Bayan sa masusing pag-aaral at pagsusuri sa mga usaping mahalaga sa kapakanan ng bawat Mariveleรฑo at sa pangangalaga ng ating kapaligiran.

๐™๐™„๐™‰๐™‚๐™‰๐˜ผ๐™‰: Sa isinagawang Ika-64 na Regular na Sesyon ng 12th Sangguniang Bayan ng Mariveles, muling ipinamalas ng Sanggun...
23/09/2026

๐™๐™„๐™‰๐™‚๐™‰๐˜ผ๐™‰: Sa isinagawang Ika-64 na Regular na Sesyon ng 12th Sangguniang Bayan ng Mariveles, muling ipinamalas ng Sangguniang Bayan ang patuloy nitong pagtupad sa tungkulin na bumalangkas at magpatibay ng mga batas, polisiya, at resolusyong naglalayong itaguyod ang kapakanan at interes ng bawat Mariveleรฑo.

Sa nasabing sesyon, tatlong (3) resolusyon ang pinagtibay at isang (1) ordinansa ang na-enact, matapos ang masusing pagtalakay at pagsusuri ng mga panukala.

Ang bawat panukalang inihaharap sa Sangguniang Bayan ay dumaraan sa maingat na pag-aaral, talakayan, at kaukulang konsultasyon upang matiyak na ang mga ito ay naaayon sa batas at tunay na makatutugon sa mga pangangailangan at kapakanan ng ating mga mamamayan.

Patuloy ang Sangguniang Bayan sa pagsusulong ng mahusay, responsable, at makabuluhang pamamahala, sa pamamagitan ng mga batas at resolusyong naglalayong mapanatili ang kaayusan, maisulong ang kaunlaran, at higit pang mapabuti ang serbisyo para sa bawat Mariveleรฑo.

Sama-sama nating isulong ang mga hakbang tungo sa mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na Mariveles.

๐Ÿฒ๐Ÿฐ๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐˜€ | ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒIsinagawa ang ika-64 na Regular na S...
22/09/2026

๐Ÿฒ๐Ÿฐ๐˜๐—ต ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐˜‚๐—น๐—ฎ๐—ฟ ๐—ฆ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐Ÿญ๐Ÿฎ๐˜๐—ต ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ถ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป ๐—ป๐—ด ๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜ƒ๐—ฒ๐—น๐—ฒ๐˜€ | ๐—ฆ๐—ฒ๐—ฝ๐˜๐—ฒ๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐—ฟ ๐Ÿฎ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Isinagawa ang ika-64 na Regular na Sesyon ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Mariveles upang talakayin, suriin, at pag-aralan ang mga panukalang ordinansa, resolusyon, at iba pang mahahalagang usaping nangangailangan ng nararapat na aksyon.

Masusing tinalakay ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang mga paksang iniharap sa sesyon, kalakip ang pakikinig sa mga mahahalagang usapin at pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan at kapakanan ng ating mga kababayan.

Kasabay nito, binigyang pagbati at pagkilala rin ng Sangguniang Bayan ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Townsite sa kanilang natamong parangal. Ang tagumpay na ito ay patunay ng kanilang pagsisikap, dedikasyon, at patuloy na pakikilahok sa mga gawaing naglalayong mapabuti ang kalagayan ng kabataan at ng ating pamayanan.

Patuloy ang Sangguniang Bayan sa masusing pag-aaral, maayos na deliberasyon, at responsableng paggawa ng mga hakbang at desisyon para sa patuloy na pag-unlad ng Mariveles at kapakanan ng bawat Mariveleรฑo.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ผ ๐—ง. ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น!Ang buong Sangguniang Bayan ng Mariveles ay taos-pusong bumabati sa inyong...
22/09/2026

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ž๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐˜„๐—ฎ๐—ป, ๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ถ๐—น๐—ผ ๐—ง. ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐—น!

Ang buong Sangguniang Bayan ng Mariveles ay taos-pusong bumabati sa inyong espesyal na araw. Nawaโ€™y mapuno ito ng saya, pasasalamat, at masasayang sandali kasama ang inyong pamilya at mga mahal sa buhay.

Hiling namin ang patuloy na mabuting kalusugan, lakas, karunungan, at mas marami pang biyaya upang maipagpatuloy ninyo ang inyong tapat na paglilingkod sa ating mga kababayan.

Address

National Road
Poblacion
2105

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan ng Mariveles posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Bayan ng Mariveles:

Shortcuts

Share