Local Youth Development Office of Polillo

Local Youth Development Office of Polillo The Objectives of this page are:
1. To connect the SK and LYDC with Polillians.
2. To highlight Programs and Events connected to SK and LYDC of Polillo.

𝐒𝐋𝐒𝐔-𝐒𝐒𝐂𝐏 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐃𝐎𝐊𝐔𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐑𝐄𝐍𝐄𝐖𝐀𝐋 𝐍𝐈𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐘𝐃𝐂 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏Noong Agosto 13, 2026, nagsumite ang SLSU-Suprem...
14/08/2026

𝐒𝐋𝐒𝐔-𝐒𝐒𝐂𝐏 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐔𝐌𝐈𝐓𝐄 𝐍𝐆 𝐃𝐎𝐊𝐔𝐌𝐄𝐍𝐓𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐑𝐄𝐍𝐄𝐖𝐀𝐋 𝐍𝐈𝐓𝐎 𝐒𝐀 𝐋𝐘𝐃𝐂 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏
Noong Agosto 13, 2026, nagsumite ang SLSU-Supreme Student Council Polillo (SLSU-SSCP) ng kinakailangang mga dokumento para sa 𝐫𝐞𝐧𝐞𝐰𝐚𝐥 𝐧𝐠 𝐦𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫𝐬𝐡𝐢𝐩 𝐧𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐋𝐨𝐜𝐚𝐥 𝐘𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐞𝐯𝐞𝐥𝐨𝐩𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐂𝐨𝐮𝐧𝐜𝐢𝐥 (𝐋𝐘𝐃𝐂) 𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐥𝐢𝐥𝐥𝐨. Layunin ng pagsusumite na mapanatili at mapalakas ang partnership at ugnayan ng SLSU-SSCP at LYDC sa pagsusulong ng mga programa para sa kapakanan at pag-unlad ng kabataan.
Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng patuloy na pakikiisa ng SLSU-SSCP sa mga inisyatiba ng LYDC para sa mas aktibong partisipasyon at kapakanan ng mga kabataan sa Polillo.

MGA LITTLE YOUTH OFFICIALS, GINAMPANAN ANG TUNGKULIN BILANG MGA KABATAANG KINATAWAN SA SANGGUNIANG BAYAN! 🏛️✨Isang makab...
10/08/2026

MGA LITTLE YOUTH OFFICIALS, GINAMPANAN ANG TUNGKULIN BILANG MGA KABATAANG KINATAWAN SA SANGGUNIANG BAYAN! 🏛️✨

Isang makabuluhang karanasan para sa ating mga Little Youth Officials ang aktuwal na pagganap sa kanilang mga tungkulin bilang mga kabataang miyembro ng Sangguniang Bayan.

Sa pamamagitan nito, nasasaksihan nila kung paano isinasagawa ang pamamahala, pagdedesisyon, pakikilahok, at paglilingkod sa komunidad—mga mahahalagang aral na humuhubog sa kanila bilang mga responsableng lider ng kabataan.

Kabataan ngayon, lider ng bayan bukas! 🇵🇭💙





🏛️ JUNIOR YOUTH OFFICIALS DEPLOYMENT 2026📅 August 10, 2026Isang makabuluhang araw para sa ating mga kabataan ang matagum...
10/08/2026

🏛️ JUNIOR YOUTH OFFICIALS DEPLOYMENT 2026
📅 August 10, 2026

Isang makabuluhang araw para sa ating mga kabataan ang matagumpay na isinagawang Junior Youth Officials Deployment 2026 bilang bahagi ng paghubog sa kanila bilang mga responsableng lider at katuwang sa pamamahala.

Sa ginanap na Flag Ceremony, pormal na ipinakilala ang mga nahalal na Junior Youth Officials. Bago nila gampanan ang kanilang mga tungkulin, sila ay nanumpa sa tungkulin, bilang pagpapakita ng kanilang pangako na isasagawa ang kanilang mga responsibilidad nang may integridad, disiplina, pananagutan, at malasakit sa kapwa kabataan.

👑 Little Municipal Mayor
• Kharl Joven I. Oxina

👑 Little Vice Mayor
• Valerie D. Azarias

🏛️ Little Municipal Councilors
• Ashly Kim Azores
• Princess Klarisse Mae Sayno
• Cathel Loraine T. Balut
• Roxzlei Myx G. Manalastas
• Fely Ann Anisah M. Malubay
• Mark Cielo G. Eranista
• Bea Abanica
• Eljay Vennerh I. Alarma

⚖️ Little PPLB
• Zoleen Angella D. Soltura

🤝 Little PPSK
• Wyn Chellian Tubice

🏢 Little Municipal Department Heads
• Little Municipal Administrator – Emmanuel C. Porcadilla
• Little Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC) – Mary Magginette F. Villabroza
• Little Municipal Treasurer – Rhoda Maya G. Yanzon
• Little Municipal Budget Officer – Jhenel Mary Lois J. Azul
• Little Municipal Accountant – Sherrol Dianne O. Abuy
• Little Municipal Assessor – Vhynice Camposagrado
• Little Municipal Agriculturist – Remelyn D. Rutaquio
• Little Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) – Valerie D. Azarias
• Little Municipal Health Officer – Rachel Ann Tan
• Little Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO) – Rubelyn Delara
• Little Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) – Dhea Alpuente
• Little Municipal Civil Registrar – Shaiya S. Postor






💰📚 FINANCIAL LITERACY SEMINAR | BRGY. BISLIAN📅 August 9, 2026Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (LNK) 20...
09/08/2026

💰📚 FINANCIAL LITERACY SEMINAR | BRGY. BISLIAN
📅 August 9, 2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2026, matagumpay na isinagawa ang Financial Literacy Seminar sa Barangay Bislian, Polillo, Quezon, na naglalayong bigyan ang kabataan ng sapat na kaalaman at praktikal na gabay tungkol sa wastong paghawak at pamamahala ng kanilang pera.

Naghatid ng mensahe sina PPSK/LYDC President Kgg. Khiara Shane Puchol at LYDO Laiza R. Calucin, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng financial literacy bilang mahalagang kasanayan ng kabataan sa pagbuo ng mas responsable at matatag na kinabukasan.

Samantala, naging resource speaker si G. Jerwin Sarmiento, na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman at praktikal na tips tungkol sa pagba-budget, pag-iimpok, tamang paggastos, at responsableng financial decision-making.

Isinagawa ang aktibidad sa pakikipagtulungan sa Rhudarda, bilang bahagi ng sama-samang pagsisikap na mapaunlad ang kaalaman at kakayahan ng ating kabataan sa aspetong pinansyal. 🤝💙

Matutong mag-ipon. Matutong mag-budget. Matutong magdesisyon.
💡 Financially literate youth, financially empowered future!

Linggo ng Kabataan 2026
“Different Context, Common Aspirations”





🏛️ JUNIOR YOUTH OFFICIALS ELECTION 2026📅 August 7, 2026🎉 Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2026Is...
09/08/2026

🏛️ JUNIOR YOUTH OFFICIALS ELECTION 2026
📅 August 7, 2026
🎉 Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2026

Isang makabuluhang araw para sa ating mga kabataang lider! 🇵🇭✨

Matagumpay na isinagawa ang Junior Youth Officials Election 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan (LNK) 2026, na nilahukan ng mga piling mag-aaral mula sa Polillo National High School (PNHS), Mount Carmel School of Polillo (MCSP), Polillo Adventist Learning Institute (PALI), Sabang National High School, Taluong National High School, at Bislian Integrated School (BIS), kasama ang mga miyembro ng Local Youth Development Council (LYDC).

Sa pamamagitan ng halalang ito, nabigyan ang ating mga kabataan ng pagkakataong maranasan ang proseso ng demokrasya, pamumuno, responsibilidad, at paglilingkod sa kapwa.

👑 Malugod nating binabati si Kharl Joven I. Oxina mula sa Sabang National High School, na nahirang bilang Little Municipal Mayor! 🎉👏

Ang mga nahalal na Junior Youth Officials ay magkakaroon ng pagkakataong mag-shadow sa mga pinuno ng Lokal na Pamahalaan sa August 10, 2026, upang masaksihan at matutunan ang aktuwal na proseso ng pamamahala, paggawa ng desisyon, at paglilingkod sa ating komunidad.

Sa pamamagitan ng ganitong programa, patuloy nating binibigyan ng pagkakataon ang kabataan na matuto, makilahok, mamuno, at maging bahagi ng pamamahala.

🌱 Kabataan ngayon, lider ng bayan bukas!

Linggo ng Kabataan 2026
“Different Context, Common Aspirations”





📚 SEMINAR ON GOOD GOVERNANCE | LINGGO NG KABATAAN 2026Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, matagumpa...
08/08/2026

📚 SEMINAR ON GOOD GOVERNANCE | LINGGO NG KABATAAN 2026

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, matagumpay na isinagawa ng Local Youth Development Office (LYDO), sa pangunguna nina LYDC President Khiara Shane Puchol at LYDO Officer Laiza R. Calucin, ang Seminar on Good Governance noong Agosto 7, 2026 sa Municipal Evacuation Center, Polillo, Quezon.

Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa iba’t ibang paaralang sekundarya sa bayan, kabilang ang Polillo National High School (PNHS), Polillo Adventist Learning Institute (PALI), Mount Carmel School of Polillo (MCSP), Taluong National High School (TNHS), Bislian Integrated School (BIS), at Sabang National High School (SNHS).

Nagbigay rin ng kanilang mensahe at suporta para sa mga kabataan sina Mayor Angelique E. Bosque Pico at Vice Mayor Ginalyn O. Flores, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng kabataan sa pamamahala at pagpapaunlad ng komunidad.

Samantala, naging Resource Speaker si Ms. Sheena M. Alegre, MLGOO ng Polillo, na nagbahagi ng kanyang kaalaman at mga makabuluhang pananaw tungkol sa Good Governance, kabilang ang kahalagahan ng integridad, transparency, accountability, responsibilidad, at makabuluhang paglilingkod sa kapwa.

Sa pamamagitan ng seminar na ito, layunin ng LYDO na patuloy na bigyang-kaalaman, palakasin, at ihanda ang kabataan bilang responsableng mamamayan at mga lider na may malasakit, integridad, at pananagutan sa kanilang komunidad.

Kabataan ngayon, lider ng mabuting pamamahala bukas! 💙










💰 FINANCIAL LITERACY SEMINAR SA BARANGAY BISLIAN! 📚✨📣 Mga kabataang Bislian, tara at matuto!Inaanyayahan ang lahat ng ka...
06/08/2026

💰 FINANCIAL LITERACY SEMINAR SA BARANGAY BISLIAN! 📚✨

📣 Mga kabataang Bislian, tara at matuto!

Inaanyayahan ang lahat ng kabataang edad 15–30 years old, kabilang ang students, working youth, at Out-of-School Youth (OSY), na makiisa sa ating Financial Literacy Seminar! 💵

Matuto tungkol sa tamang pagba-budget, pag-iimpok, responsible money management, at matalinong pagdedesisyon sa pananalapi—mga kaalamang makatutulong sa pagbuo ng mas matatag at financially responsible na kinabukasan. 🌱💚

🕘 Oras: 9:30 AM
📍 Lugar: Barangay Hall, Brgy. Bislian, Polillo, Quezon
👥 Para sa: Kabataang 15–30 years old

Ang aktibidad na ito ay isasagawa sa pakikipagtulungan ng Rhudarda Multi-Purpose Cooperative bilang bahagi ng ating patuloy na pagsusulong ng kaalaman, financial awareness, at empowerment ng kabataan.

Huwag palampasin! Tara, matuto at maging mas responsable sa pera! 💰✨










📣 PANAWAGAN SA MGA BATANG PINUNO NG POLILLO! 🌟Sa lahat ng mga Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) stude...
05/08/2026

📣 PANAWAGAN SA MGA BATANG PINUNO NG POLILLO! 🌟

Sa lahat ng mga Junior High School (JHS) at Senior High School (SHS) students sa buong Polillo, narito na muli ang taunang Junior Youth Officials ! 🎉

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 na may temang “Different Context, Common Aspirations,” magalang po naming inaanyayahan ang lahat ng paaralan sa Polillo na makilahok sa Halalan ng Junior Youth Officials.

Layunin ng gawaing ito na mabigyan ang ating mga kabataan ng pagkakataong maranasan ang pamumuno, pakikilahok sa pamahalaan, at paglilingkod sa kapwa, habang nahahasa ang kanilang kakayahan bilang mga batang lider. 🗳️✨

Kaugnay nito, hinihiling po namin sa bawat paaralan na mag-endorso ng apat (4) na kwalipikadong mag-aaral mula JHS o SHS upang maging kinatawan ng inyong paaralan sa nasabing halalan.

Hindi lamang ito isang halalan—ito ay isang pagkakataon para sa ating mga kabataan na magsalita, makilahok, mamuno, at maging bahagi ng pagbabago. 💙

Nasasabik na kaming makasama kayo sa masaya, at makabuluhang gawaing ito!

🗳️ Kita-kits, mga Kabataang Polillo!

Sino ang susunod na Junior Youth Officials? 👀✨





KK ASSEMBLY | BARANGAY BAÑADERO & BARANGAY KALUBAKISThe Local Youth Development Office (LYDO), together with the Sanggun...
02/08/2026

KK ASSEMBLY | BARANGAY BAÑADERO & BARANGAY KALUBAKIS

The Local Youth Development Office (LYDO), together with the Sangguniang Kabataan Federation of Polillo (SKMF), continues to strengthen youth participation and engagement at the grassroots level.

On August 2, 2026, LYDO Officer Laiza R. Calucin, LYDO Staff Marlou N. Pasoot, and PPSK Vice President Vincent Terry F. Turgo attended the Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly of Barangay Bañadero and Barangay Kalubakis.

The attendance of the LYDO and SK Federation representatives highlights the importance of youth participation, transparency, accountability, and active citizenship in advancing youth development at the barangay level.

We also extend our appreciation to SK Chairperson Hon. Honey L. Perol of Barangay Bañadero and SK Chairperson Hon. Ralph Palaya of Barangay Kalubakis, together with their respective SK Councils, for their continued commitment to providing meaningful platforms for the youth.

Sa bawat KK Assembly, boses ng kabataan ay mahalaga—at bawat boses ay may kakayahang maging simula ng pagbabago. 💙

Address

San Jose Cor. Mabini Street , Municipal Building, Brgy. Poblacion
Polillo
4339

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Youth Development Office of Polillo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share