09/10/2026
Dalawampu't isang magsasaka ng cacao ang lumahok sa isinagawang Training on Farm Diversification: Coffee and Cacao sa Shing Spa Resort, Brooke's Point Palawan, noong Oktubre 6-8, 2026.
Sa loob ng tatlong araw, sumailalim ang mga kalahok sa mga talakayan tungkol sa kahalagahan ng farm diversification upang magamit nang husto ang lugar na mayroon sa isang sakahan at madagdagan ang mga maaaring pagkakitaan. Maliban dito, natutunan din ng mga kalahok ang iba't ibang pamamaraan ng pagtatanim at pag-aalaga ng cacao at kape.
Bilang bahagi ng pagsasanay, iba't ibang hands-on activity ang isinagawa sa Cabasal Integrated Farm, isang Learning Site for Agriculture ng ATI-MIMAROPA. Kabilang sa mga gawaing ito ang farm lay-out and preparation, side grafting, double grafting, chupon grafting, and pruning.
Nagsilbing tagapagsalita sa gawain si G. Peter V. Cruz, Marketing Manager of CASS Agricultural Company mula sa Davao City.
Samantala, nagpaabot naman ng mensahe si Center Director Pat Andrew B. Barrientos, kung saan hinikayat niya ang bawat isa na gamitin ang kanilang mga natutunan mula sa pagsasanay upang mas mapalago ang kani-kanilang taniman at kabuhayan. Gayundin, ipinakilala rin niya ang iba't ibang programa na maaaring ma-avail ng mga kalahok, lalo na sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).
Para sa ibang impormasyon, bisitahin ang ati.da.gov.ph/ati-4b