09/10/2026
๐ DAY 3 | PSA Palawan, Patuloy na Naglalapit ng National ID Services sa mga Palaweรฑo!
Nagpatuloy ang Philippine Statistics Authority (PSA) Palawan sa pakikiisa sa Commission on Elections (COMELEC) para sa implementasyon ng Phase 2 ng โBakit Ako Boboto?โ at โWear Your RED (Redefining Equality and Diversity)โ campaigns noong 09 Oktubre 2026 sa Brgy. Napsan, Puerto Princesa City, Palawan.
Umabot sa 172 residente ang nag-avail ng National ID services sa isinagawang aktibidad. Kabilang dito ang:
๐ 42 bagong rehistro para sa National ID
๐ณ 7 indibidwal na matagumpay na nakakuha ng kanilang National ID sa PVC card format
๐ชช 103 indibidwal na matagumpay na nakakuha ng kanilang National ID sa paper format
๐ 11 indibidwal na nag-avail ng National ID updating services
Malaki ang maitutulong ng National ID, lalo na sa mga katutubong mamamayan, sapagkat nagsisilbi itong patunay ng kanilang legal na pagkakakilanlan at makatutulong sa mas madali nilang pag-access sa mga serbisyong pampamahalaan, mga programang panlipunan, at iba pang mahahalagang transaksiyon. Sa pamamagitan ng paglalapit ng serbisyong ito sa kanilang komunidad, mas nabibigyan sila ng pagkakataong makilala, mapabilang, at makinabang sa mga serbisyong nararapat para sa bawat mamamayan.
Serbisyo para sa lahat, pagkakakilanlan para sa bawat isa!