Jimbo Maristela

Jimbo Maristela Ang Kakampi ng Bayan, Atty. Jimbo Maristela!

PUERTO PRINCESA CITY- Pinangunahan ni Vice Mayor Jimbo Maristela ang panunumpa sa tungkulin ngayong araw (October 6, 202...
07/10/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Pinangunahan ni Vice Mayor Jimbo Maristela ang panunumpa sa tungkulin ngayong araw (October 6, 2026) ng mga bagong halal na opisyal ng Purok Malunggay sa Brgy. San Manuel.

Kabilang sa mga nanumpa sila Irene Abordo bilang Presidente, Vice President si Gireck Maling, Lina Nava bilang Secretary, Assistant Secretary, Icy Rachelle Cabrera, Treasurer naman si Rosaline Gan, Sheryl Arroyo bilang Auditor, Feneta Fonseca, Business Manager, Adviser/Spokesperson sina Metchel Asinas at Alberto Olid habang Chief Peace Officer si Lot Sumalbag.

Nanumpa rin sa harap ni Vice Mayor Maristela ang mga miyembro ng Board of Directors na sina Danny Fonseca, Angelica Lazaro, Ricardo Gabo, Alfredo Mahinay Jr., at Mirasol Urot.

PUERTO PRINCESA CITY — Isinusulong ngayon ng Sangguniang Panlungsod na mabigyan ng Provisional Authority ang mga PUJs, P...
06/10/2026

PUERTO PRINCESA CITY — Isinusulong ngayon ng Sangguniang Panlungsod na mabigyan ng Provisional Authority ang mga PUJs, PUVs, at UV Expresses na bumabiyahe mula PPC Poblacion area patungong Barangay Langogan, North-bound areas. Ito ay pinagtitibay ng Committee of the Whole (COW), na pinamumunuan ni Vice Mayor Jimbo Maristela na ginanap nitong October 5, 2026.

Napag-alaman mula kay Mr. Lemuel John Silva, OIC Director, Chief Transportation Dev’t. Operation ng LTFRB, na mayroong tatlong (3) PUJs ang nabigyan ng Provisional Authority. Ngunit, ayon kay Mr. Joseph Carpio, Manager ng PPC-Land Transportation Management Office (PPCLTMO), matagal nang hindi bumabiyahe ang tatlong may Provisional Authority na ito.

Dahil dito, isinusulong ng City Council na sila ay mapayagan at mabigyan ng Provisional Authority sa kadahilanang walang bumabiyahe sa rutang ito, na labis na nagdudulot ng paghihirap sa ating mga kababayan patungong Norte.

Kaya naman upang matugunan ang hiling, nagsulong ng isang Resolusyon ang nasabing Committee of the Whole (COW) na humihiling mula sa LTFRB Central at LTFRB MIMAROPA na mag isyu ng Provisional Authority para sa mga PUVs, PUBs, at UV Expresses na bumabiyahe mula PPC–Poblacion Area to Barangay Langogan habang hinihintay ang pag-apruba ng Puerto Princesa Local Public Transport Route Plan (PPLPTRP).

Napag-usapan din ang hinaing ng mga Transport Service Cooperatives patungkol sa panghuhuli, na kahit mayroong desisyon na inilatag ang LTFRB, ay patuloy pa rin silang hinuhuli ng mga miyembro ng Land Transportation Office (LTO) sa kadahilanang hindi pa na co-convert ang mga transport vehicle units mula sa category na “private” to “for-hire.” Napag-alaman din na ang rason ay dahil karamihan ng mga unit ng transport service operators ay nasailalim pa ng chattel mortgage sa mga bangko.

Samantala, naihayag sa Komite na ang pamimigay ng prangkisa o franchise sa PUV, PUB at UV Express ay naantala sa kadahilanang hindi pa naaaprubahan ang Puerto Princesa Local Public Transport Route Plan (PPLPTRP) na isinumite ng Sangguniang Panlungsod sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

Kaya naman sa susunod na pagpupulong ng komite na gaganapin sa ika-26 ng Oktubre, Lunes, ay muling pag-uusapan ang isyung ito at muling ipapatawag ang LTO, City Planning, pati na rin ang mga kinatawan ng mga bangko.

PUERTO PRINCESA CITY- Personal na ipinag-kaloob ni Vice Mayor Jimbo Maristela na siyang Chairman ng City Tricycle Franch...
02/10/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Personal na ipinag-kaloob ni Vice Mayor Jimbo Maristela na siyang Chairman ng City Tricycle Franchising and Regulatory Board (CTFRB) ang mga prangkisa ng mga miyembro ng Inagawan-Kamuning-Sub Tricycle Operators and Drivers Association (In-Ka-Sub TODA) ngayong araw (October 2, 2026) sa covered gymnasium ng Brgy. Inagawan.

Malugod namang tinanggap ng mga miyembro ng In-Ka-Sub TODA sa pangunguna ni Reden Magrata ang kanilang mga Certificate of Franchise mula sa CTFRB na sinaksihan nina Punong Barangay Ariel Lacao ng Brgy. Inagawan at mga miyembro ng Barangay Council, Rizaldo Rodriguez bilang Chairman ng ROTONDA Cooperative at Rodel Muñoz ng CTFRB Secretariat.

Sa kanyang mensahe, pinaalalahanan ni Vice Mayor Maristela ang mga miyembro ng In-Ka-Sub TODA na maging maingat sa pagmamaneho at laging isaalang-alang ang kaligtasan ng mga pasahero.

Nagpahayag ng labis na pasasalamat si Magrata Kay Vice Mayor Maristela at sa CTFRB dahil sa naipag-kaloob sa kanilang prangkisa na aniya'y matagal na nilang inaasam.

PUERTO PRINCESA CITY- Aarangkada na sa October 16, 2026 ang Inter-TODA Basketball Tournament na gaganapin sa Balayong Pe...
01/10/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Aarangkada na sa October 16, 2026 ang Inter-TODA Basketball Tournament na gaganapin sa Balayong People's Park sa Brgy. Santa Monica bilang bahagi ng pagdiriwang ng TODA Month sa Buwan ng Disyembre.

Sa isinagawang pagpupulong kahapon (September 30, 2026) ng City Franchising and Regulatory Board (CTFRB) sa pangunguna nina Vice Mayor Jimbo Maristela bilang Chairman at Konsehal Epitacio Jie Lao bilang Vice Chairman, napag-alaman na 23 koponan mula sa iba't-ibang TODA ang lalahok sa naturang basketball competition.

Kabilang sa iba pang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ang Tricycle Decor Contest, Zumba Dance Competition, Search for 10 Most Outstanding Tricycle Drivers at Orientation-Seminar para sa mga tricycle driver.

Magsisimula naman ang pagdiriwang ng TODA Month 2026 sa December 2.

PUERTO PRINCESA CITY- Tinanghal bilang Overall Champion sa katatapos na pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service An...
28/09/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Tinanghal bilang Overall Champion sa katatapos na pagdiriwang ng 126th Philippine Civil Service Anniversary ang Black Team na pinagsanib na pwersa ng Sangguniang Panlungsod, sa pamumuno ni Vice Mayor Jimbo Maristela, at ng City Engineering Department.

Kabilang sa mga event na pinangunahan ng Black Team ang Chess, Scrabble, Dama, Table Tennis, Basketball-Men and Women at CGPP Icons bilang Buzzer Be**er.

Tinanghal naman bilang Mr. CGPP si Vlandre Benedik Mozo habang 1st Runner Up si Jymmi Marie Labarosa kapwa ng Black Team.

Samantala sa overall ranking, 1st Place ang Green Team, 2nd Place ang Red Team at 3rd Place ang Violet Team.

PUERTO PRINCESA CITY- Dumalo si Vice Mayor Jimbo Maristela sa pormal na pagbubukas kahapon (September 24, 2026) ng bagon...
25/09/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Dumalo si Vice Mayor Jimbo Maristela sa pormal na pagbubukas kahapon (September 24, 2026) ng bagong Federation International De Football Association (FIFA) Arena na isang artificial football pitch sa Balayong Park sa Brgy. Santa Monica dito sa lungsod.

Pinangunahan nina FIFA Council Member Mariano Araneta Jr., at Philippine Football Federation (PFF) President John Gutierrez ang pagbubukas ng FIFA Arena kasama ang iba pang opisyal nito.

Ang naturang arena ay pinondohan ng FIFA at ipinagkaloob sa Puerto Princesa Palawan Football Association (PPPFA) sa pamumuno ni Dio De Guzman, sa pamamagitan ng Philippine Football Federation para sa mga batang manlalaro ng football sa Puerto Princesa at Palawan.

Layunin ng proyekto na mabigyan ng maayos at ligtas na lugar ang mga batang manlalaro ng football para sa kanilang pagsasanay.

Samantala, bahagi ng programang FIFA Boots for All, namahagi ang mga opisyal ng FIFA ng football boots sa 20 mga batang manlalaro.

PUERTO PRINCESA CITY- Pinangunahan ni Vice Mayor Jimbo Maristela ang oath taking ceremony ngayong araw (September 23, 20...
23/09/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Pinangunahan ni Vice Mayor Jimbo Maristela ang oath taking ceremony ngayong araw (September 23, 2026) ng mga bagong halal na opisyal ng "Bangon Pagkakaisa", isang grupo ng mga kababaihan mula sa Brgy. Pagkakaisa.

Kabilang sa mga nanumpa ang Presidente ng samahan na si Novilyn Camora, Helen Arreglo bilang Vice President, May Rosacena bilang Secretary, Treasurer naman si Dorina Racion, Brigilda Lebios, Auditor, Virgie Balatuna bilang Public Information Officer at Lourdes Pagadora bilang Business Manager.

Kasama ring nanumpa ang mga miyembro ng Board of Directors na sina Felinda Arreglo, Jocelyn Tejada, Amelia Manarang, Glenda Limuardo at Sally Aton.

PUERTO PRINCESA CITY- Nagpahayag ng lubos na pasasalamat, sa pamamagitan ng isang resolusyon, ang Sangguniang Panlungsod...
22/09/2026

PUERTO PRINCESA CITY- Nagpahayag ng lubos na pasasalamat, sa pamamagitan ng isang resolusyon, ang Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa sa pamumuno ni Vice Mayor Jimbo Maristela, kina Department of Transportation Secretary Giovanni Lopez at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Raul Del Rosario, dahil sa kanilang mabilis na aksiyon at pag-suspinde sa "No Tricycle Policy" sa Puerto Princesa International Airport.

Ito'y makaraang makarating sa kaalaman nina Secretary Lopez at Director General Del Rosario ang hinaing ng mga opisyal ng lungsod at ng ilang transport group hinggil sa umano'y "inconvenience" na dulot ng naturang polisiya.

Sa isang memorandum na inilabas ni Director General Del Rosario na may petsang September 15, 2026 para sa lahat ng Area Center Managers at lahat ng Airport Managers, nakasaad na ang suspensiyon ay mananatili hanggang makumpleto ang isang komprehensibong pag-aaral hinggil sa nabanggit na polisiya.

Kinumpirma ito ni Puerto Princesa International Airport Manager Christopher Enriquez ng dumalo ito kahapon (September 21, 2026) sa 60th Regular Session ng City Council.

Idinagdag pa ni Manager Enriquez na papayagan nilang maghatid sa airport ang mga pampubliko, maging pribadong tricycle, bagama't nilinaw nya na para sa kaayusan ng airport tanging miyembro ng AIRTODA ang papayagan na magsundo ng pasahero sa loob ng airpot. Ganon pa man papayagan din naman ang mga hindi miyembro ng AIRTODA, na magsundo ng pasahero basta't kamag-anak nila ang kanilang susunduin.

IPUERTO PRINCESA CITY- Nakiisa si Vice Mayor Jimbo Maristela sa pagdiriwang ng ika-10 taong selebrasyon ng Senior Citize...
19/09/2026

IPUERTO PRINCESA CITY- Nakiisa si Vice Mayor Jimbo Maristela sa pagdiriwang ng ika-10 taong selebrasyon ng Senior Citizen's Day ng Northeast Senior Citizen Association (Cluster 1) na ginanap ngayong araw (September 19, 2026) sa Covered Gymnasium ng Brgy. Manalo, dito sa lungsod na may temang "Nakatatandang Pilipino: May Halaga at Karapatan, may Boses at Ambag sa Bayan".

Sa mensahe ni Vice Mayor Maristela, nagpahayag ito ng taus-pusong suporta sa mga nakatatanda na aniya'y napakalapit sa kanyang puso.

Ang Northeast Senior Citizen Association ay binubuo ng mga Barangay ng Bacungan, Santa Cruz, Salvacion, Manalo, Maruyugon, Maoyon, Babuyan, San Rafael, Binduyan, Concepcion, Lucbuan, Tanabag at Brgy. Langogan at pinangungunahan ni Corazon J. Valones bilang Presidente.

18/09/2026

PUERTO PRINCESA CITY- "Sa kabila ng mga pagbabago at hamon sa paglipas ng mga taon, nananatili kayong tapat sa inyong tungkulin at may pusong handang maglingkod."

Ito ang mensahe ni Vice Mayor Jimbo Maristela sa mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Puerto Princesa na tumanggap ng pagkilala at parangal sa isinagawang "Gawad Parangal 2026" kahapon (September 17, 2026).

Ayon kay Vice Mayor Maristela, higit pa sa bilang ng panahong kanilang ipinaglingkod ang tunay na sukatan ng dedikasyon, bagkus ay ang mga taong natulungan at ang naihatid na serbisyo sa mga ito.

"Ipinakita po ninyo ang dedikasyon at katapatan sa tungkuling ipinagkatiwala sa inyo, at dahil sa dedikasyong iyon, tunay na naipadama ninyo ang serbisyo publiko sa ating mga kababayan " pahayag ni Vice Mayor Maristela.

Panghuli ay instasan ni Vice Mayor Maristela ang mga pinarangalan na paglingkuran ng tapat at buong husay ang mga mamamayan ng Puerto Princesa.

65 mga empleyado ng city government, kasama ang tatlong department/assistant department heads na nakapag-lingkod na ng 10 taon ang tumanggap ng Bronze Milestone Incentives Award, habang 27 naman ang tumanggap ng Silver Milestone Incentives Award dahil umabot sa 20 taon ang kanilang paglilingkod.

Pinarangalan din ang mga empleyadong pumasa sa licensure examination para sa iba't-ibang larangan.

Panghuli ay nagkaloob parangal para sa "Kahusayan at Kadalubhasaan Award", at Ang CGPP Award para sa "Bukod Tanging Kawani Award", "Natatanging Serbisyo at Dangal Award", Breakthrough Innovation Award"at "Cost Economy Measure Award".

Address

Puerto Princesa

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Jimbo Maristela posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share