23/09/2026
ππ
PAHAYAG
September 23, 2026
Malinaw ang Article XI, Section 3(6) ng Saligang Batas. Ang botong kinakailangan for conviction sa impeachment ay 2/3 ng lahat ng miyembro ng Senado. Hindi lang 2/3 ng mga Senador na kayang makadalo sa pagdinig, lalo naβt tahasang pinipigilan ng administrasyong Marcos ang malayang pakikilahok ng mga Senador na tutol sa kanilang agenda, sa pamamagitan ng pananakot ng kaso at pagkakakulong.
24 ang ating mga Senador, kaya ang 2/3 nito ay 16. Ang desisyon ng Senado na pababain ito ay maliwanag na paglabag sa Saligang Batas, hindi lamang dahil walang kapangyarihan ang Senado na gawin ito, kundi dahil isa din itong pagyurak ng karapatan ni Vice President Sara Duterte sa due process, partikular na ang mahatulan ng isang patas at walang kinikilingang hukuman. Dahil dito, nawalan na ng ligal at moral na awtoridad ang Senate Impeachment Court na ipagpatuloy ang kaso.
Maliwanag din ang dahilan. Harap-harapan nilang binabaluktot ang batas dahil hindi nila kayang talunin si VP Sara sa patas na laban sa impeachment man, o sa halalan sa 2028. Pilit nilang ginagawa ito dahil umiiwas sila sa napipintong pananagutan sa mga kawalanghiyaan nila sa bayan, dahil alam nilang β1 million% hindi maaaregloβ si VP Sara.
Sa mga Senador na nagbubulag-bulagan sa mga realidad na ito, kasama kayo sa problema ng ating bansa. Nawaβy maging maawain sa inyo ang Diyos, ang taumbayan, at ang kasaysayan, sapagkat muling isinuko ninyo, para sa sariling kapakanan, ang kasarinlan ng Senado at ang demokrasya ng ating bansa sa panibagong diktaturyang Marcos.
Sa mga Senador na tumindig sa tama, nawaβy gaya ni VP Sara, ay maging payapa kayo sa isipan na isang karangalan ang unahin ang bayan bago ang sarili, at labanan ang mali. Talo man tayo sa ngayon, hinding hindi magwawaging tuluyan ang kasamaan, lalo naβt kasama natin ang taumbayan.
SALVADOR PAOLO A. PANELO, JR.
Spokesperson for Vice President Inday Sara Duterte
π¨ππ πππππ ππ πππππ ππππππππ ππ
βpara sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.β¨π΅π