06/10/2026
IN PHOTOS | SURPRISE VISIT PARA SA KALUSUGAN!
Nagsagawa ng biglaang pagbisita ang ating barangay officials at Barangay Health Workers sa pangunguna ni Hon. Martin S. Banania, Chairperson, Committee on Health kasama si HRH NDP Ma. Theresa David, at staff mula sa City Health Office sa Purok 1A, 1B, 3, at 9B kung saan ito ang mga purok na may naitalang kaso ng dengue.
Layunin nito na magsagawa ng inspeksyon, magbigay ng impormasyon, at matiyak na naipatutupad ang tamang hakbang kontra dengue sa bawat tahanan.
Ang kalusugan ng bawat residente ay prayoridad natin!