Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Quezon City

Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Quezon City

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Quezon City, Quezon City.

19/04/2022

Swtich To Leni, Full Support Kiko!

Ilang linggo na lang ay eleksyon na. May panahon pa para magpasya. Sa bawat araw na magdadaan, pagisipan nating mabuti ang kinabukasan ng bayan at ng kabataan.

Kung may mga kapamilya, kamag-anak, kaibigan, kaklase, kapitbahay at kakilala na dapat pang hikayatin, kausapin natin puso sa puso.

May respetong pakikipag-usap sa tao, laman ay pusong naghananap ng resibo at tapat na gobyerno.

Tuloy tuloy ang kampanya para kay President Leni Robredo at Vice President Kiko Pangilinan!
Ipanalo na natin ito hanggang dulo!

Sa labang LENI-KIKO, Kinabukasan ay SIGURADO!


!


17/04/2022

PAGKAMPIHAN KA MAN NG PUWERSA NG KALABAN, HINDI MATITINAG ANG AMING PANININDIGAN!

Ang patuloy na paglakas, paglawak at pagyakap ng kabataan at taumbayan kay BusyPRESIDENTE LENI ROBREDO ay nagpapatunay lamang ng paghahangad ng mamamayan ng isang pangulong magdadala sa ating lahat sa landas tungo sa isang matapat, mapagkalinga at matatag na gobyerno.

Hindi si Marcos Jr ang isyu ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo, kung hindi ang usapin ng pagnanakaw, pang-aabuso sa kapangyarihan at pagpapayaman gamit ang posisyon sa gobyerno. Kung ikaw ay nakikinabang o nakinabang dito tama lamang na ikaw ay mahigpit na tutulan, labanan at panagutin!

Ang korapsyon ang isang pangunahing dahilan kung bakit patuloy na lumalala ang kahirapan sa isang bansa. Alam nating lahat dahil sa matapang na pagpapahayag ni busyPresidente Leni Robredo laban sa korapsyon ay may tatamaan at may gagawa ng mga paninira sa kanyang kredibilidad upang maging pangulo ng ating bansa. Hindi bulag ang kabataan at taumbayan dito! Patuloy kaming titindig hanggang mailuklok namin siya sa Malacanang.

Si busyPresidente Leni Robredo ay may malinaw na platapormang tutugon sa napapanahong pangangailangan ng mamamayan, handang humarap sa lahat ng mga debate at diskurso upang masuri natin ang kanyang pangarap para sa mga Pilipino at higit sa lahat may resibong kayang ipakita ukol sa kanyang nagawa at gagawin pa, tanda ng isang pinunong naiintindihan ang salitang katapatan, responsibilidad at pananagutan sa taumbayan. Iyan ang uri ng lider na kailangan ng ating bansa!

PAGKAMPIHAN KA MAN NG PUWERSA NG KALABAN, HINDI MATITINAG ANG AMING PANININDIGAN!

President Maria Leonor Gerona Robredo!
Ipanalo natin ito hanggang dulo!


!

01/04/2022

TINIG NG KABATAAN, INYONG PAKINGGAN!

Narito si Neicole Donio isang mag aaral at aktibong miyembro ng Youth Network For Leni Robredo-MMMLR para sa kanyang pahayag.

Sa nagdaang dalawang taon, isa ang sektor ng mga kabataan ang lubos na naapektuhan ng pandemya. Nagsara ang mga eskwelahan, at marami sa kanila ang nahinto rin sa pag-aaral, mga estudyante na biglang kinalampag ng makabagong sistema ng edukasyon.

Kaya't narito sila ngayon ang mga kabataan, tumitindig at lumalaban para sa magandang kinabukasan. Ihinahayag ang kanilang karapatan, Ipinapakipaglaban ang bawat isa.

SAMAHAN NATIN SILA SA LABAN NA ITO AT IPAGLABAN ANG SUSUNOD PA NA MGA HENERASYON.

TARA, IPANALO NA NATIN ITO!

-MMMLR




29/03/2022

TINIG NG KABATAAN, INYONG PAKINGGAN!

Narito si MARK GIAN MARALIT isang mag aaral at aktibong miyembro ng Youth Network For Leni Robredo-MMMLR para sa kanyang pahayag.

Sa nagdaang dalawang taon, isa ang sektor ng mga kabataan ang lubos na naapektuhan ng pandemya. Nagsara ang mga eskwelahan, at marami sa kanila ang nahinto rin sa pag-aaral, mga estudyante na biglang kinalampag ng makabagong sistema ng edukasyon.

Kaya't narito sila ngayon ang mga kabataan, tumitindig at lumalaban para sa magandang kinabukasan. Ihinahayag ang kanilang karapatan, Ipinapakipaglaban ang bawat isa.

SAMAHAN NATIN SILA SA LABAN NA ITO AT IPAGLABAN ANG SUSUNOD PA NA MGA HENERASYON.

TARA, IPANALO NA NATIN ITO!

-MMMLR




Photos from Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Navotas City's post 28/03/2022

CAMANAVA IS PINK!

PAHAYAG NG SUPORTA PARA KAY LENI ROBREDO AT KIKO PANGILINAN

Lumahok ang mga volunteers ng Youth Network For Leni Robredo-MMMLR Navotas, Malabon, Caloocan, at Valenzuela ginanap na CARAVAN Rock and Rosas na ginanap sa Notre Dame at St. Mary Academy bilang pagpapakita ng suporta sa kandidatura nila Leni-Kiko at mga kasamang senatoriables!

SAMAHAN NATIN SILA SA LABAN NA ITO AT IPAGLABAN ANG SUSUNOD PA NA MGA HENERASYON.

TARA, IPANALO NA NATIN ITO!

-MMMLR



25/03/2022

TINIG NG KABATAAN, INYONG PAKINGGAN!

Narito si ALTHEA HOMBREBUENO isang mag aaral, lider estudyante at aktibong miyembro ng Youth Network For Leni Robredo-MMMLR para sa kanyang pahayag.

Sa nagdaang dalawang taon, isa ang sektor ng mga kabataan ang lubos na naapektuhan ng pandemya. Nagsara ang mga eskwelahan, at marami sa kanila ang nahinto rin sa pag-aaral, mga estudyante na biglang kinalampag ng makabagong sistema ng edukasyon.

Kaya't narito sila ngayon ang mga kabataan, tumitindig at lumalaban para sa magandang kinabukasan. Ihinahayag ang kanilang karapatan, Ipinapakipaglaban ang bawat isa.

SAMAHAN NATIN SILA SA LABAN NA ITO AT IPAGLABAN ANG SUSUNOD PA NA MGA HENERASYON.

TARA, IPANALO NA NATIN ITO!

-MMMLR




24/03/2022

AMBAGAN PARA SA ATING KINABUKASAN!

Bukas po ang Youth Network For Leni Robredo-MMMLR sa mga nais magvolunteer sa kampanya at sa mga gusto rin pong tumulong at magdonate ng mga campaign paraphernalia
tulad ng tarpaulin, tshirts, fan, stickers at iba pang uri ng donasyon na makakatulong para sa tuloy tuloy na isinasagawa naming kampanya sa aming mga kamag-anak, kaibigan, kamag-aral, katrabaho, katropa, kapitbahay, kakilala at sa mga botanteng humihingi po sa amin ng mga collaterals.

Maari po kayo direktang magmensahe sa mga FB Pages ng Youth Network For Leni Robredo Cluster Secretariat.

FB Pages:

1. Youth Network For Leni Robredo - MMMLR Marikina City
2. Youth Network For Leni Robredo - MMMLR Navotas City
3. Youth Network For Leni Robredo - MMMLR Manila City

Nais pa po naming paigtingin ang kampanya ni Presidente Leni Robredo, Bise-Presidente Kiko Pangilinan at ang kanilang Senate Slate sa buong NCR at sa iba pang mga probinsya, siyudad at bayan.

Tuloy tuloy lang po tayo mga kakampinks para sa tagumpay!

Ipanalo na natin ang Team ni busyPresidente Leni Robredo!

-MMMLR






21/03/2022

Nagpakita ng KATATAGAN at PAGTINDIG ang mga na dumalo sa naganap na PASIGLABAN hanggang matapos ang programa!

Ang Youth Network for Leni Robredo-MMMLR ay NAGING KABAHAGI NG MAHIGIT 180K na dumalo sa pagtitipon.

Kung naging kabakahagi karin ng makasaysayang People's Rally kahapon sa Pasig, Magbahagi ka ng iyong komento at karanasan sa comment section....

Patuloy po tayong tumindig at maging matatag para sa kinabukasan ng ating bayan!

Mabuhay Leni-Kiko Tandem 2022!

(Ang bilang ng mga dumalo ay batay sa estimasyon ng organizer ng pagtitipon batay sa ulat ng https://newsinfo.inquirer.net/1571068/leni-kiko-pasiglaban-rally-draws-biggest-crowd-so-far )





!

Photos from Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Quezon City's post 21/03/2022

Lumahok at nakiisa ang leaders-volunteers ng YOUTH NETWORK FOR LENI ROBREDO-MMMLR sa ginanap na 2022 na dinaluhan ng mahigit 130k+ na tao πŸ‡΅πŸ‡­

Mahalaga ang papel ng kabataan upang mabago ang takbo ng ating lipunan. Kaya tayaan na natin ang Leni-Kiko Tandem 2022 para sa ating kinabukasan.

Ikaw, ako, tayong kabataan ang pangunahing susi sa tagumpay ng grupo pag-asa na dala nila busyPresidente Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan kasama ang lahat ng kanyang mga Senador.

Mabuhay ang Pag-asa ng Bayan, Kilos Kabataan!





20/03/2022

"Ang kailangan po nating pangulo, yung magmamadaling samahan ka pag nahihirapan ka, handang magsakripisyo para tulungan ka, handang harapin kahit sino para ipaglaban ka.

Ako po, may eleksyon man o wala, Bagyo man o kahit anong sakuna, pandemya, Kahit ano pong problema nandito po ako.

Kahit anong kuwento ang ipagkalat saakin, ang totoo kumpleto po kami ng resibo.
Kaya po huwag na nating hanapin ang ayaw namang humarap saatin.

Lahat ng oras, nandito po ako. Hinaharap kayo, ipinapakipaglaban kayo.

"TRUE LEADERS SHOW UP AND MAN-UP. Kaya po sa darating na Mayo, THE BEST MAN FOR THE JOB IS A WOMAN"

- VP LENI ROBREDO

-MMMLR



19/03/2022

Nasa atin ang panahon, lakas at mahabang pagkakataon upang itaguyod ng gobyernong magiging sandigan ng kabataan para sa pagkakamit ng makatao, maaasahan at matinong gobyerno. Ating simulang itayo ang ating maaliwalas na bukas..
Panahon na!

Halina at makiisa sa People's Rally na pangungunahan ni busyPresidente Leni Robredo.

Magsama-sama tayo para sa tagumpay!

-MMMLR


Photos from Youth Network for Leni Robredo - MMMLR Pasig City's post 17/03/2022

Pagpupulong mga mga boluntaryong kabataan (YOUTH NETWORK FOR LENI ROBREDO -MMMLR) para sa gaganaping Peoples Rally sa Pasig.πŸ’ŒπŸ’ŒπŸ’ŒπŸ’Œ

Kasabay ng pagpupulong ay ang pagtanggap sa 100 pirasong donasyong tarpaulin mula sa mga pribadong tao. Kami po ay nagpapasalamat at makakaasa kayo na ito ay ipamamahagi para maipanalo ang mas maayos na bukas para sa PilipinasπŸ‡΅πŸ‡­πŸ’Œ

Maraming salamat sa lahat ng mga nagbigay ng mga campaign materials na maipapamahagi ng mga volunteers ng youth network for Leni Robredo-MMMLR NCR traditional ground campaign at sa mga nagnanais magkaroon nito.

Kung nais magdonate mag -iwan lamang ng mensahe sa page na ito.


-MMMLR



Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

Quezon City