SK KGWD Christine Nocete

SK KGWD Christine Nocete

Share

Committee Chairman on Peace Building and Security & Anti Drug Abuse Council & Disaster Risk Reduction and Management βœ¨πŸ’™

Photos from SK KGWD Christine Nocete's post 26/04/2026

Natapos ng matagumpay ang Medical Mission ngayong araw April 26, 2026 na ginanap sa Holy Child Academy. Maraming salamat sa lahat ng pumunta at nakipag tulungan sa amin upang maging maayos ang proyekto.

Kasama natin ang ating butihing kagawad, Kagawad Marlon Serrano at Engr. Jupiter Tenebro upang maging makabuluhan ang proyekto na ito.

Sama sama nating gawin ng maayos ang lahat para sa ating mga residente

21/04/2026

π‘π„π€πƒπ˜ 𝐍𝐀 𝐁𝐀 πŠπ€π˜πŽππ† π’π”πŒπˆπ’πˆπƒ 𝐒𝐀 ππ€π†πŽππ† π’πŠπˆπ‹π‹? πŸŠβ€β™‚οΈ
π†π”π’π“πŽππ† πŒπ€π“π”π“πŽππ† π‹π”πŒπ€ππ†πŽπ˜ 𝐍𝐆 π‹πˆππ‘π„?πŸŠβ€β™‚οΈ

Join our 𝐃𝐫𝐨𝐰𝐧 π…π«πžπž 𝐒𝐰𝐒𝐦𝐦𝐒𝐧𝐠 π‹πžπ¬π¬π¨π§ for 𝐅𝐑𝐄𝐄 at matuto ng tamang swimming skills at water safety kasama ang kapwa kabataan✨

π–π‘πžπ§: April 27 & 28, 2026 | 8:00 AM – 5:00 PM
π–π‘πžπ«πž: Kathleen Place Subdivision, Alfred San Bartolome

𝐎𝐩𝐞𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐚𝐠𝐞𝐬 15–30

Ito na pagkakataon para matuto ng basic swimming skills and water safety.

π‘­π’Šπ’“π’”π’• 500 π’‘π’‚π’“π’•π’Šπ’„π’Šπ’‘π’‚π’π’•π’” π’π’π’π’š
Register through this link:
https://forms.gle/UbBj192nLVzTVgxu6
https://forms.gle/UbBj192nLVzTVgxu6
https://forms.gle/UbBj192nLVzTVgxu6


Photos from Angat Kabataan, Gulod Nova Chapter's post 21/04/2026

"Ang pagtulong ay mas masarap kapag may kasama."

Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi ng Feeding Program ng Angat Kabataan Gulod Organization katuwang ang Alpha Youth Organization. Ang proyektong ito ay patunay na buhay na buhay ang bayanihan sa ating barangay.

SPECIAL thanks
Alpha Youth Organization
Marlon Serrano
Sk Kagawad Christine Nocete
Pres. Ace Morales
Ariznabarreta
JL Cleofas
Ahz Mcteinielle
Lyza Sotto Zorilla
Luisito Peralta
Johan Dave Abendanio

Sa bawat kutsara ng tulong, sama-sama nating i-angat ang kalusugan at kinabukasan ng ating mga kailyan. Hanggang sa susunod na aktibidad!

Photos from Angat Kabataan, Gulod Nova Chapter's post 21/04/2026

Isang makabuluhang araw ang naganap sa Interior Masaya dahil sa ating ginanap na Kamustahan para sa Kabataan sa pangunguna ng Angat Kabataan Gulod Organization.

Kagawad Marlon Serrano, Sk Kagawad Christine Nocete Pres. Ace Morales, Youth Advocate JL Cleofas Jobel Ariznabarreta Maica Borje Ahz Mcteinielle Luisito Peralta Lyza Sotto Zorilla Hindi lang ito basta pagtitipon; ito ay pagkakataon upang pakinggan ang boses ng bawat isa, magbahagi ng kwento, at patatagin ang ating samahan.

Dito sa Gulod, walang kabataang maiiwan. Sama-sama tayong aangat!

Photos from SK KGWD Christine Nocete's post 21/04/2026

Taos-pusong pasasalamat kina Ma’am Cecil at Sir Dave, kasama ang Darks Youth Org, sa inyong pagbibigay ng mga damit para sa ating mga kababayang naapektuhan ng sunog sa Florentina Kawayanan noong March 19, 2026.

Ang inyong malasakit at bukas-palad na pagtulong ay tunay na nakapagbigay ng pag-asa at ginhawa sa mga pamilyang nawalan. Maraming salamat sa patuloy ninyong pagmamalasakit sa komunidad. πŸ’™

Photos from SK KGWD Christine Nocete's post 20/04/2026

Boses ng kabataan, mas lalong lumalakas. ✨

The 5th State of the Youth Address held on April 19, 2026 ay patunay na ang kabataan ay may lakas, boses, at kakayahang maghatid ng tunay na pagbabago para sa mas magandang bukas.

Photos from SK KGWD Christine Nocete's post 19/03/2026

Bawat tulong ay may dalang pag-asa. πŸ’™

Sa ating patuloy na pagtugon, nagbahagi tayo ng relief food packs para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. Gulod, Nitang Florentina Street na kasalukuyang nasa Evacuation Center ng Barangay Gulod.

Lubos na pasasalamat kay Mayor Joy Belmonte sa kanyang patuloy na suporta at malasakit sa ating komunidad. Nagpapasalamat din kami at nagpapaabot ng pagbati kay Tita Eliese.

Maraming salamat din kina:
Kagawad Marlon Serrano
SK Chairman Jaja Biglang Awa
Angat Kabataan

Sa kanilang pakikiisa at walang sawang pagtulong para sa ating mga kababayan.

Para sa mga nais tumulong maaaring magbigay ng damit, canned goods, kumot at iba pa mangyari lamang na makipag-ugnayan sa ating page.

Magkakaisa tayo sa pagbangon. 🀝

Photos from SK KGWD Christine Nocete's post 19/03/2026

Patuloy ang ating pagtulong para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. Gulod, Nitang Florentina Street. Nagbahagi tayo ng relief food packs, tubig, at iba pa sa ating mga kababayan na kasalukuyang nasa Evacuation Center ng Barangay Gulod bilang munting tulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Taos-pusong pasasalamat kay Konsi Dok. G. Lumbad sa kanyang suporta at malasakit sa ating komunidad. Malaking bagay ang kanyang ambag sa pagtulong sa mga nasalanta.

Maraming salamat din kina Kagawad Marlon Serrano at Angat Kabataan sa kanilang patuloy na pakikiisa at pagtulong.

Sa mga nais makibahagi sa pagtulong maaaring mag-donate ng damit, canned goods, kumot at iba pa mangyari lamang na makipag-ugnayan sa ating page.

Ang bawat tulong, gaano man kaliit, ay may malaking epekto. πŸ’™

Photos from SK KGWD Christine Nocete's post 19/03/2026

In times of hardship, bayanihan shines the brightest. 🀝

Nagbigay tayo ng relief food packs para sa ating mga kababayang nasunugan sa Brgy. Gulod, Nitang Florentina Street, na kasalukuyang nasa Evacuation Center ng Barangay Gulod. Nawa’y kahit papaano ay makatulong ito sa kanilang muling pagbangon.

Taos-pusong pasasalamat kay Engr. Jupiter Tenebro sa kanyang malasakit at pagbibigay tulong sa ating mga kababayan. Maraming salamat din sa patuloy na pagsuporta at pagtulong nina:
Kagawad Marlon Serrano
Angat Kabataan

Sa mga nagnanais na tumulong tulad ng pagbibigay ng damit, canned goods, kumot at iba pa, mangyari lamang na makipag-ugnayan sa ating page.

Patuloy tayong magtulungan para sa ating komunidad. πŸ’™

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Telephone

Website

Address

Area V DonCrispulo Street Brgy. Gulod Novaliches
Quezon City
1117

Opening Hours

Monday 8am - 7pm
Tuesday 8am - 7pm
Wednesday 8am - 7pm
Thursday 8am - 7pm
Friday 8am - 7pm
Saturday 9am - 5pm