17/04/2026
UCU College students asking real questions about the future that truly matters. ❤️
Mga katanungang hindi lamang para sa kasalukuyan kundi para sa kinabukasan ng bawat mamamayang Pilipino.
Sa gitna ng hamon na ating kinakaharap ngayon, kinakailangan natin ng mas bukas at mas malalim na karunungan para sa solusyon sa mga pagbabago at problemang ito.
Salamat, UCU students sa inyong pagbisita at sa ibinigay ninyong opportunity upang mas maipaliwanag at mas makilala ng mga students gaya ninyo ang ating adbokasiyang Nuclear energy. Alam po natin na ang ating isinusulong na adbokasiya ngayon ay isa sa solusyon at kinakailangan natin ngayon at sa sususnod pang henerasyon.
16/04/2026
Happy birthday, Cong. Brian Poe! 🎉❤️
Hinahangaan po namin ang iyong dedikayon, passion, at pusong puno ng pagmamahal sa ating bansa.
Hangad namin na biyayaan ka pa ng ating Panginoon ng mas malakas na pangangatawan at enerhiya upang maipagpatuloy pa ang iyong serbisyo para sa ating kapwa Pilipino.
Muli, Happy birthday Cong. Brian!❤️
16/04/2026
PARA SA LINGAYEN, PARA SA DISTRITO DOS ❤️
Ako po ay nagpapasalamat sa ating Ayuda Team sa kanilang sipag at tiyaga upang patuloy na maihatid ang ating espesyal na regalo sa ating mga kababayan. Dahil sa kanilang kasipagan naipaabot natin sa ating mga kababayan sa Brgy. Namolan, Matalava, Quibaol, Balococ, at Bantayan.
Kumukuha po kami ng lakas sa patuloy ninyong pagmamahal at suporta sa aming team at sa aming pamilya. Kaya naman po kami po ay patuloy na magsisipag upang masolusyunanan ang bawat problema at makapagbigay ng kaginhawaan at pag-unlad sa ating distrito.
15/04/2026
LIGTAS NA DISTRITO DOS! ❤️
Isa ang kalusugan ng ating mga kababayan ang patuloy nating tinututukan, naniniwala po tayo na ang kalusugan ang tanging kayamanan nating lahat.
Sa kagustuhan nating mas mapaunlad pa at mas makapagbigay pa ng dekalidad na serbisyo sa pangangalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan ng Distrito Dos, tayo po ay nagkaroon ng pagpupulong kasama ang Department of Health Regional Office at LGU Bugallon sa pamumuno ni Mayor William Dy.
Isa sa proyektong ating pinagplaplanuhan ay ang pagpapatayo ng bagong hospital dito sa ating distrito na sa tingin po natin ay higit na kinakailangan ng ating mga kababayan lalo na ang ating mga kababayang may sakit.
Para sa mas ligtas na distrito, tuloy-tuloy ang ating dekalidad na serbisyo!
14/04/2026
Happy birthday in Heaven, Cong. Charlie Cojuangco 🕊️🤍
Years have already passed, ngunit walang sandaling hindi ka namin naalala. Ang iyong buhay ay nagbigay ng inspirasyon sa aming lahat.
We cannot deny how big your impact has been on our lives, ikaw ay isa sa maasahan na kapatid, anak, asawa, ama, at lider na nagbigay pag-asa at insipirasyon sa ating mga kababayan.
My brother, you are always missed and remembered. 🤍
14/04/2026
AYUDA SA MANGATAREM ❤️✨
Walang katumbas na mga giti ang bigay sa atin ng ating mga kababayan sa Brgy. Cacaoiten, Cabaluyan 1st, Cabaluyan 2nd, Macarang, Nancasalan, Baracbac, at Takipan, Mangatarem. Naipahatid na po natin ang ating special na ayuda para sa bawat pamilya ng ating mga kababayan.
Punong-puno po ang aking puso ng kagalakan dahil sa inyong mga ngiti. Umaasa po ako at ng aking pamilya na nakatulong po ang ayudang ito sa inyong pamilya. Patuloy po ang ating pagsisipag upang maibigay po namin sa inyo ang dekalidad na serbisyo para sa buong Distrito Dos.
13/04/2026
Buong Suporta para sa Pangasinan ❤️
Sa naganap na State of the Province Address, tayo po kasama ng ating mga kasamang kongresista rito sa Pangasinan, Mayors at iba pang kasama natin sa gobyerno, buong puso po nating ibinibigay ang ating suporta kay Gov. Ramon Guico III.
Mula sa mga konkretong plano para sa mga proyekto at programa para sa ikagaganda at ikagiginhawa ng buhay ng ating mga kababayan, saludo po kami sa inyo!🫡 Bilang Congressman ng Distrito Dos, ako po ay suportado sa mga planong ito lalo na at nakikita po natin na ito ay makakapagbigay ng malaking tulong sa ating probinsiya.
Sama-sama tayo sa mas maunlad na Pangasinan!❤️
12/04/2026
Happy Birthday, Cong. Jaime Cojuangco! ❤️🎉
Kasama ang buong Distrito Dos ng Pangasinan, kami ay bumabati ng isang maligayang kaarawan! Hangad namin na patuloy kang biyayaan ng Maykapal ng lakas, enerhiya, at malusog na pangangatawan upang patuloy mong mabigyan ng dekalidad na serbisyo ang iyong mga kababayan.
Hindi lamang ang iyong mga kababayan sa iyong distrito ang nagmamahal sa’yo, kundi pati Distrito Dos ay suportado at patuloy kang minamahal.
Happy birthday, Jaime!❤️
12/04/2026
Blessed Sunday, Distrito Dos!❤️
Ngayong linggo, huwag po nating kalilimutang ibigay ang ating oras sa ating Panginoon upang magpasalamat sa lahat ng biyayang ibinigay niya sa ating pamilya at distrito.
Panalangin ko ang patuloy na pagbuhos Niya ng pagmamahal, pagkalinga, at pag-aalaga sa ating pamilya, kapwa, at ng buong bansa.
Ikaw, ano ang panalangin mo ngayong linggo? ❤️
11/04/2026
SPECIAL BIGAS SA BRGY. ALIWEKWEK, LINGAYEN!❤️
Special na bigas ang hatid natin sa ating mga kababayan sa Brgy. Aliwekwek, Lingayen. Kasama ang ating AyudaTeam, kami po ay nagagalak na naipaabot po namin ang aming pagmamahal sa inyo.
Kami po ng aking pamilya ay umaasa na makapagbigay ito sa inyo ng kaginhawaan lalo na ngayong panahon ng krisis.
Sama-sama po tayong babangon, Distrito Dos❤️
10/04/2026
PARA SA MAS MAUNLAD AT MALIWANAG NA BUKAS❤️
Kasama sina DEPED Secretary Sonny Angara at Mayor DY, tayo po ay nagkaroon ng Memorandum of Agreement signing ceremony para sa naghihintay na proyekto para sa ating mga estudyante at mga g**o.
Mula sa tulong ng DEPED, PAGCOR, at LGU inaasahang madadagdagan pa ang mga school buildings na malaking tulong upang makapagbigay ng kaginahawaan sa ating mga estudyante at mga g**o lalong-lalo na ngayong tag-init.
Hangad natin ang dekalidad na edukasyon para sa ating mga anak, kung kayat patuloy po tayong gumagawa ng aksyon at solusyon.
09/04/2026
Ngayong ika-9 ng Abril ating alalahanin ang kagitingan ng ating mga kababayan at bayani na nagsakripisyo ng kanilang buhay para sa ating bansa. ❤️
Saludo po kaming lahat sa inyo! 🫡