PDP Laban Quezon City

PDP Laban Quezon City

Share

Official page of Partido Demokratiko Pilipino (PDP) Quezon City Council

21/02/2026

SARA 2028 💚

Nagpahayag ng suporta si PDP Deputy Secretary General for the Visayas, Atty. Jayvee Hinlo, sa planong pagtakbo sa pagkapangulo ni Vice President Sara Duterte sa 2028.

Sa kanyang mensahe kasunod ng anunsyo ng bise presidente, sinabi ni Hinlo: “Sasamahan ka namin patungong 2028.”

Photos from PDP Laban's post 21/02/2026
21/02/2026

'MAKA-DUTERTE AKO. HINDI KO ITO IKINAHIHIYA.'

Ipinahayag ni Quezon City 5th District Councilor Aiko Melendez ang kanyang suporta sa pagtakbo sa pagkapangulo ni Vice President Sara Duterte.

“Inday Sara Duterte for President 2028. Maka-Duterte po ako, at hindi ko ito ikinahihiya. Naniniwala ako na kapag ang isang lider ay may malinaw na prinsipyo, may malasakit sa bayan, at may pananagutan sa Diyos, doon nagmumula ang tunay na serbisyo. Hindi man perpekto ang sinuman, ang mahalaga ay totoo, matatag, at handang manindigan kahit hindi popular,” saad ng konsehala.

21/02/2026
21/02/2026
21/02/2026

Kawalang katapatan, mga binitawang pangako dahilan ng paglayo ni VP Sara sa BBM administration

Naglabas ng pahayag si Vice President Sara Duterte kung saan ipinaliwanag niya ang umano’y mga dahilan sa likod ng kanyang paglayo sa administrasyon at ang naging pasya niyang umalis sa gabinete.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng bise presidente na sa mga unang buwan pa lamang ng kanilang termino ay nakita na niya ang umano’y kawalan ng katapatan ni Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa mga pangako noong kampanya at sa sinumpaang tungkulin nito sa bayan. Ipinunto rin niya na hindi niya kinayang maging bahagi ng 2025 National Budget na, ayon sa kanya, ay “tadtad ng katiwalian.”

Ayon pa kay Duterte, pinili niyang umalis sa gabinete kahit batid umano niya noon pang 2023 na maaari itong humantong sa paghahain ng impeachment laban sa kanya. Sa huli ng kanyang pahayag, humingi siya ng paumanhin sa publiko.

21/02/2026

PPP Partylist, suportado si VP Sara

Nagpahayag ng suporta si Puwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Party-list Rep. Harold Duterte matapos ideklara ni Vice President Sara Duterte ang kanyang presidential bid sa 2028.

Ayon sa mambabatas, isang subok at battle-tested leader si VP Sara na patuloy na naglilingkod sa bayan sa kabila ng mga hamon at personal na pag-atake, at kayang pangunahan ang bansa sa kritikal na yugto ng kasaysayan nito.

Dagdag pa ng mambabatas, "Hangad namin na si VP Sara Z. Duterte ang maging susunod na pangulo ng bansa."

21/02/2026

'SALAMAT PRRD'

Nagpahayag ng suporta si dating Presidential Anti-Corruption Commission Chairman Greco Belgica kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng isang mensahe sa social media nitong Huwebes, Pebrero 19, 2026, kasunod ng liham na ipinadala ng dating pangulo sa International Criminal Court (ICC).

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Belgica: “Salamat PRRD. You will always remain in our heart, the best President we ever had. May you live a thousand years!” na itinuturing ng mga tagasuporta bilang pagpapakita ng matibay na suporta sa dating punong ehekutibo.

Ang mensahe ay lumabas matapos maging usap-usapan ang liham ni Duterte sa ICC, na muling nagbukas ng diskusyon sa publiko hinggil sa mga isyung kaugnay ng imbestigasyon ng international tribunal sa kampanya kontra ilegal na droga ng kanyang administrasyon.

21/02/2026

'KANINYO, AKO, MAGPABILING SULUGUON'

Sa isang emosyonal na pahayag na isinumite sa International Criminal Court (ICC), pormal na hiniling ni dating Pangulong Rody Duterte sa ICC na i-waive ang kaniyang karapatan na dumalo sa pagdinig ukol sa kumpirmasyon ng mga kaso na nakatakda sa February 23-27, 2026.

Inilarawan niya ang sarili bilang "old, tired, and frail" at hiniling na igalang ang kaniyang katahimikan sa loob ng selda.

Binigyang-diin ng dating pangulo na tanggap na niya ang posibilidad na mamatay sa piitan, ngunit nananatiling tapat ang kaniyang puso at kaluluwa sa Pilipinas.

Nagtapos ang kaniyang liham sa wikang Bisaya: "Kaninyo, ako, magpabiling suluguon."

21/02/2026

🦅💚

Matapos ang pag-anunsyo ni Vice President Sara Duterte ng kanyang pagtakbo sa pagkapangulo sa 2028, naglabas ng maikling ngunit makahulugang pahayag si Dr. Richard Mata sa kanyang Facebook post nitong Miyerkules, Pebrero 18, 2026.

Sa naturang post, sinabi ni Doc Mata ang linyang, “The Eagle will rise in 2028,” na iniuugnay ng mga tagasuporta bilang pagpapakita ng kumpiyansa at suporta sa kandidatura ng bise presidente.

21/02/2026

Bagong Henerasyon Partylist backs VP Sara Duterte’s 2028 presidential bid

Former Bagong Henerasyon (BH) Partylist Representative Bernadette Herrera expressed full support for the announcement of Vice President Sara Duterte regarding her plan to run for president in 2028.

According to Herrera, the Vice President’s clear declaration of her plans gives the public a sense of certainty and direction—something that is crucial amid these uncertain times.

“I welcome and support the Vice President’s announcement of her intention to run in the 2028 presidential elections,” the former partylist representative said.

“For many months, the Filipino people have lived with speculation about the country’s future leadership. By making her plans clear, Vice President Sara Duterte has provided the public a sense of certainty and direction — something our people value in these uncertain times,” she added.

“Her decision also reflects an openness to the sentiments of many Filipinos who see in her a potential leader for the nation. Regardless of political affiliations, what matters most is that our citizens are given the opportunity to openly consider their choices and participate meaningfully in the democratic process,” Herrera said.

“I appreciate the Vice President for placing clarity before politics, and I trust that in the coming years, the national conversation will remain focused on programs, solutions, and the welfare of the Filipino people,” she further said.

21/02/2026

𝗥𝗮𝗺𝗮𝗱𝗮𝗻 𝗠𝘂𝗯𝗮𝗿𝗮𝗸! 🌙

The Partido Demokratiko Pilipino (PDP) warmly greets our Muslim brothers and sisters a blessed Ramadan. May this holy month be filled with faith, unity, and compassion. 🕌💚

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Quezon City

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm