26/10/2026
๐ง๐๐ง๐๐ข๐ก๐ ๐๐ฅ๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฅ๐ฆ๐ข๐ก๐๐๐๐ง๐๐๐ฆ, ๐๐ฅ๐๐ฆ๐ง๐๐๐ข; ๐ ๐๐๐๐๐๐ง ๐ญ๐ด๐ด๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐ ๐๐ฅ๐ข๐๐, ๐ก๐๐๐จ๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐๐
Arestado ang tatlong drug personalities at nasa kabuuang PhP188,672.00 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa magkakahiwalay na operasyon ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR) sa Kalinga at Benguet noong Oktubre 25, 2026,
Sa Barangay Lacnog, Tabuk City, Kalinga, naaresto ang dalawang lalaki, edad 37 at 27, na kapwa residente ng Isabela, sa isinagawang police response matapos iulat ng mga barangay tanod na may itinapon ang mga suspek na isang pakete sa gilid ng kalsada habang sakay ng motorsiklo. Nang harangin at siyasatin ang mga ito, narekober ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 2.54 gramo at Standard Drug Price (SDP) na PhP17,272.00.
Sa isa pang police response sa Barangay Lucog, Tabuk City, naaresto ang isang 32-taong-gulang na lalaki matapos iulat ng kanyang ama sa mga awtoridad ang umano'y paggamit nito ng hinihinalang shabu. Sa pagresponde ng mga operatiba, naaktuhan ang suspek na gumagamit ng hinihinalang shabu sa kanyang silid. Nakumpiska rito ang isang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na 0.50 gramo at SDP na PhP3,400.00, gayundin ang iba't ibang drug paraphernalia.
Ang mga operasyon sa Kalinga ay isinagawa sa koordinasyon ng Tabuk City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Provincial Intelligence Unit (PIU), at Regional Intelligence Division (RID), katuwang ang 1503rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15.
Ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, sa Benguet, nadiskubre ng mga operatiba ng Bakun Municipal Police Station (MPS), Kapangan MPS, 1st at 2nd Provincial Mobile Force Companies, PDEU, at PIU ng Benguet PPO, katuwang ang RID, Regional Intelligence Unit-14, at Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR), ang dalawang ma*****na plantation sa Barangay Kayapa, Bakun, at Barangay Pudong, Kapangan.
Nadiskubre sa dalawang lugar ang kabuuang 600 fully grown ma*****na plants at 1,200 ma*****na seedlings na may pinagsamang SDP na PhP168,000.00.
Agad na sinunog ang lahat ng nadiskubreng tanim at patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang posibleng taniman ng ma*****na sa mga karatig-lugar at matukoy ang mga indibidwal na nasa likod ng ilegal na pagtatanim nito.
Muling nananawagan ang PRO CAR sa publiko na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad. Tiniyak ng PRO CAR na magpapatuloy ang maigting na operasyon laban sa ilegal na droga at ma*****na cultivation upang mapanagot ang mga sangkot at mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa buong Cordillera.
โ๏ธ PCpl Golingab, MG/ Pat Killase, V
๐ธ PNP-PRO CAR
"Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman"