DSWD Tara, Basa Tutoring Program

DSWD Tara, Basa Tutoring Program

Share

Tara, Basa!

Tutoring Program is the reformatted educational assistance of the DSWD; innovating financial support to families and youth while empowering young people to take an active role in nation-building as “Kabataan sa Bagong Pilipinas.”

30/05/2026

It’s Appreciation Day!

Isa ang Polytechnic University of the Philippines (PUP), na pinamumunuan ni Dr. Manuel M. Muhi, sa mga Kolehiyo at Unibersidad na katuwang ng Tara, Basa! Program sa paghahatid ng serbisyo sa mga at bawat pamilyang Pilipino.

Maraming salamat sa pagiging bahagi ng aming adhikain na maghatid ng dekalidad na serbisyo na may extra love and extra care.

Kaya naman, para sa mga youth-beneficiaries natin mula sa PUP, i-comment n'yo na kung kailan nga ba kayo naging bahagi ng Programa!


29/05/2026

Episode 5 na ng Tara, Balitaan! kung saan mapakikinggan natin ang update mula sa NCR at Region VII kasama si Kuya Adrian.
Tara, panoorin natin.


28/05/2026

Paano nga ba sumali sa Tara, Basa! Program? Tara, alamin natin mula kay Secretary REX Gatchalian.



Photos from DSWD Field Office IX-Zamboanga Peninsula's post 28/05/2026

TINGNAN | Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng koordinasyon at pagtutulungan sa pagpapatupad ng mga programa ng DSWD sa Isabela City, nagsagawa ng courtesy visit ang mga opisyal mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Central Office, Regional Program Management Office (RPMO) Region IX, at Isabela City Social Welfare and Development Office (CSWDO) sa iba’t ibang partner offices at stakeholders. Ipinakita ng aktibidad ang sama-samang layunin ng pambansa at lokal na mga katuwang na palakasin ang mga programang tumutulong sa mga sektor na higit na nangangailangan sa komunidad.

BASAHIN | https://www.facebook.com/share/1B481MJNYa/



28/05/2026

PANOORIN | Narito ang pagbabahagi ng karanasan ng isa sa mga dedikadong tutors sa Baybay City sa ilalim ng DSWD Tara, Basa Tutoring Program.

Ayon kay Norvelyn Torrejos, ang programang ito ay nagbigay sa kanya ng mga oportunidad para sa kanyang personal at propesyonal na paglago. Ibinahagi nito na ang mga aral na kanyang natutunan ay kanyang madadala at magagamit bilang isang future educator.

https://www.facebook.com/share/v/1P5bYV2gku/



28/05/2026

𝐘𝐃𝐖 𝐒𝐏𝐎𝐓𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓:

Sa pagiging Youth Development Worker (YDW) ni Edlyn Llaguno ng Daraga Community College sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP), naging daan ito upang mas mapalalim ang kaniyang kaalaman at karanasan sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang.

BASAHIN | https://www.facebook.com/share/1EN16mLVtS/



𝐘𝐃𝐖 𝐒𝐏𝐎𝐓𝐋𝐈𝐆𝐇𝐓:

Sa pagiging Youth Development Worker (YDW) ni Edlyn Llaguno ng Daraga Community College sa ilalim ng Tara, Basa! Tutoring Program (TBTP), naging daan ito upang mas mapalalim ang kaniyang kaalaman at karanasan sa pakikipag-ugnayan sa mga magulang.

Bagama’t malaki ang agwat ng kaniyang edad sa mga kalahok na pinangungunahan niya sa parenting sessions sa Anislag Elementary School, hindi ito naging hadlang sa taos-puso niyang pakikiramay at pag-unawa sa kanila.

Ang TBTP ay isang Cash-for-Work Program (CFW) para sa mga indigent college students na naglalayong palakasin ang kapasidad ng kabataan sa pagtuturo sa mga batang hirap bumasa at sa pagpapadaloy ng parenting sessions para sa mga magulang sa loob ng 20-day session.



Photos from DSWD Field Office 12 's post 28/05/2026

DSWD Tara,Basa! Program nagsagawa ng monitoring visit sa mga GIDA schools sa Alabel, Sarangani

Alabel, Sarangani Province - Sa patuloy na pagpapatupad ng Tara, Basa! Program sa mga liblib na komunidad, nagsagawa ng monitoring visit si DSWD Tara, Basa! Tutoring Program National Program Manager Elma Salamat sa dalawang Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) schools sa Alabel.

BASAHIN | https://www.facebook.com/share/p/1Dr51S5mou/



Photos from DSWD Tara, Basa Tutoring Program's post 28/05/2026

TINGNAN | Mga batang mas gumaling sa pagbabasa at mga magulang na natuto ng iba’t ibang paraan sa paggabay sa kanilang anak ang naging usapan sa Kamustahan Session na isinagawa ng Tara, Basa ngayong Huwebes, Mayo 28, 2026, sa Munisipalidad ng Villaverde, Nueva Vizcaya.

Sa sesyon, nagbahagi ng kanilang karanasan at natutunan ang Tutors at YDWs na naging bahagi ng matagumpay na implementasyon ng Tara, Basa! Program sa bayan ng Villaverde, isa sa mga LGUs na kabilang sa Technology Transfer ng programa.



28/05/2026

BASAHIN: Pahayag ni Gng. Maryler Angeline Sanchez, benepisyaryo ng Tara, Basa! Program sa Baler, Aurora, na nagbahagi ng kahalagahan ng programa sa mga bata at magulang na naging bahagi ng unang taon ng implementasyon nito sa nasabing probinsya.



28/05/2026

Lokal na pamahalaan ng Toledo, Cebu nagbahagi ng karanasan kaugnay ng pagpapatupad ng Tara, Basa! Program sa siyudad.

Sa kaniyang mensahe sa ginanap na Innovations Caravan at Walang Gutom Cook Off Challenge sa Cebu City, Huwebes, May 28, ikinuwento ni City Social Welfare Officer Jeshyl Paran ang ginhawa na hatid ng pagtutulungan ng national at local government para masigurong bawat bata at pamilya ay maaabot ng pag-asa na dala ng pagbasa.

Ang Tara, Basa! ay isa sa programa ng DSWD. Sa pangunguna ni Innovations and Program Development Usec. Edu Punay, naglalayon ang programa na mabigyan ng suportang pinansyal ang mga Kabataan sa Bagong Pilpinas habang nagbibigay rin ng oportunidad at espasyo para makapagsilbi sila sa komunidad.



Want your business to be the top-listed Government Service?

Telephone

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00