27/05/2026
Isang Mapagpala at Mapayapang Eid’l Adha mula sa Barangay Sto. Cristo!
Ngayong araw, Mayo 27, 2026, ang buong pamunuan at komunidad ng Barangay Sto. Cristo ay kaisa ng ating mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng banal na araw ng Eid’l Adha (Feast of Sacrifice).
Nawa’y ang diwa ng sakripisyo, wagas na pananampalataya, at pagmamalasakit sa kapwa na ipinapaalala ng araw na ito ay magsilbing gabay at inspirasyon sa ating lahat upang patuloy na magkaisa at magtulungan.
Ipinapanalangin po namin ang kaligtasan, kapayapaan, at saganang biyaya para sa bawat pamilya.
Eid Mubarak sa inyong lahat! 🌙✨
25/05/2026
📢 𝗔𝗧𝗘𝗡𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗠𝗚𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬! 💙
Inaanyayahan po namin ang lahat ng magulang na may anak edad 𝟲 𝗺𝗼𝗻𝘁𝗵𝘀 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝟱𝟵 𝗺𝗼𝗻𝘁𝗵𝘀 na makiisa sa ating 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦 𝗧𝗜𝗚𝗗𝗔𝗦 𝗕𝗮𝗸𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 ngayong Mayo at 𝗛𝘂𝗻𝘆𝗼 𝟮𝟬𝟮𝟲. 💉✨
Ang bakuna laban sa tigdas ay 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘, 𝗟𝗜𝗚𝗧𝗔𝗦, at 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 para maprotektahan ang kalusugan ng ating mga chikiting. 👶🛡️
📍 Maaaring magtungo sa:
✅ sa mga Area na nakatalaga sa atin.
Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat bata para sa isang 𝗺𝗮𝗹𝘂𝘀𝗼𝗴, 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀𝗶𝗴𝗹𝗮𝗻𝗴 komunidad! 💙
24/05/2026
TAPAT MO, LINIS MO!
Ang simpleng pagwawalis at pagpapanatili ng kalinisan sa ating paligid ay malaking tulong para sa mas maayos, ligtas, at malusog na komunidad.
✅ Maliit na gawa, malaking benepisyo para sa lahat.
✅ Simulan sa sarili.
✅ Maging ehemplo ng disiplina at malasakit sa kapwa.
Sama-sama nating panatilihing malinis ang ating pamayanan para sa mas maginhawang bukas.
24/05/2026
📢 PATALASTAS SA LAHAT NG KABARANGAY! Isang mahalagang paalala po para sa ating komunidad ukol sa tamang pagtatapon ng basura. Upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, na maiwasan ang pagkalat ng dumi sa ating mga kalye:
🚫 BAWAL MAGLABAS NG BASURA KUNG WALA PA ANG TRUCK Pinapakiusapan po ang lahat na HUWAG muna ilabas ang inyong mga basura kung wala pa ang truck na hahakot nito. Ang mga basurang nakatambak sa labas nang maaga ay madalas na pinapakialaman ng mga palaboy na hayop, nagiging sanhi ng masangsang na amoy, at nagpapadumi sa ating kapaligiran.
⚠️ MAHALAGANG PAALALA: WALANG KOLEKSYON TUWING LINGGO "Tuwing araw ng Linggo ay WALANG maglalabas ng basura dahil wala po tayong collection ng basura." I-byahe o ilabas lamang po ang inyong mga basura sa mga itinakdang araw ng koleksyon mula Lunes hanggang Sabado.
🤝 Disiplina sa Sarili, Ginhawa ng Buong Barangay! Ang kalinisan ng ating barangay ay responsibilidad nating lahat. Ang sinumang mahuling lalabag ay maaaring patawan ng kaukulang parusa o multa base sa ating City Ordinance/Barangay Sanitation Ordinance.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pagmamahal sa ating komunidad!