14/08/2026
Isang Panunumpa. Isang Paninindigan. Isang Nagkakaisang CPGHS. 💙
Kahapon, Agosto 13, 2026, naging makabuluhan ang pagtitipon ng buong komunidad ng Carlos P. Garcia High School para sa State of the School Address (SOSA) 2026 at Mass Oath Taking Ceremony. Isang pagkakataon ito upang kilalanin ang mga tagumpay, pagnilayan ang mga hamon, at muling pagtibayin ang sama samang pangako para sa patuloy na pag unlad ng ating paaralan at kapakanan ng mga mag aaral.
Pinangunahan nina Hon. Franz Pumaren, Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Lungsod Quezon, at Hon. Luigi Pumaren, Konsehal, ang panunumpa ng mga opisyal ng iba’t ibang organisasyon ng paaralan. Inilahad naman ni Punongguro II Leilanie A. Engalan ang State of the School Address, na nagbigay tampok sa mahahalagang programa, mga natamo, hamon, at mga patuloy na adhikain ng CPGHS.
Lubos ang aming pasasalamat sa Public Schools District Supervisor Dr. Leonor M. Bañes sa kanyang patuloy na paggabay at suporta. Taos puso rin ang pasasalamat ng CPGHS kay Kapitan Marciano “Lakay” Buena Agua Jr. ng Barangay E. Rodriguez at kay Barangay Kagawad Jojo Bulaklak sa kanilang pakikiisa at suporta sa mahalagang gawaing ito. Maraming salamat din sa buong team Pumaren sa kanilang presensya, suporta, at pakikipagtulungan.
Maraming salamat din sa mga opisyal ng School Governance Council, mga opisyal ng School Parents Teachers Association, mga opisyal ng Faculty Club, at mga Homeroom Officers ng bawat baitang sa kanilang oras, presensya, at pakikiisa. Tunay na mas nagiging makabuluhan ang bawat programa at hakbang ng paaralan kapag sama sama tayong kumikilos para sa iisang layunin.
Sa bawat panunumpa, may paninindigan. Sa bawat pakikiisa, may malasakit. At sa bawat sama samang pagkilos, mas napapalakas natin ang ating paaralan.
Kapit bisig tungo sa isang paaralang may Dangal, Talino, at Kabutihan. 💙