Arlene Brosas for Senator

Arlene Brosas for Senator

Share

Welcome to the page of Arlene Brosas for Senator Movement!

This page is managed by supporters and volunteers of women's rights activist, child rights advocate, educator, and representative of Gabriela Women's Party, Arlene Brosas.

13/02/2026

Tara, mag VDAY sa UP Diliman!
DANCE. RUN. PROTEST.

๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ ๐—ฉ-๐——๐—ฎ๐˜† ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐˜‚๐˜€.
๐˜ฟ๐˜ผ๐™‰๐˜พ๐™€. ๐™๐™๐™‰. ๐™‹๐™๐™Š๐™๐™€๐™Ž๐™.

Be part of the 2026 ONE BILLION RISING (OBR) against VAW, corruption, and fascism! โ™€๏ธโ˜๐Ÿผ
๐Ÿ—“ February 14, 2026 | 6:00AM
๐Ÿ“ UP Diliman, QC

๐ŸŒธ OBR Dance Protest at UPD Quezon Hall
๐ŸŒธ Advocacy Run around UP Academic Oval

LABANAN ANG ABUSO, PANAGUTIN ANG MGA KURAKOT!

13/02/2026

โš ๏ธ Free Legal Clinic Alert! โš ๏ธ
Para sa mga biktima ng violence against women and children (VAWC) โ€” nandito ang Gabriela para tumulong! ๐Ÿ’œ
๐Ÿ“ GABRIELA National Office, 35 Scout Delgado St., Brgy. Laging Handa, Quezon City
๐Ÿ—“ February 22,2026
9am to 12pm - Orientation on Violence Against Women and Children
1pm to 5pm - Legal Clinic
๐Ÿ“ฒ Mag-pre-register dito: https://bit.ly/LegalClinicCaseIntakeForm

Photos from Gabriela Women's Party's post 13/02/2026

VAT Tanggalin,
Korap Panagutin!

30/10/2025

Maligayang kaarawan sa aming National President at dating Representative ng Gabriela Womenโ€™s Party, Arlene Brosas! ๐ŸŽ‰๐ŸŒธ

04/06/2025

HINGGIL SA PAGPASA NG โ‚ฑ200 PANUKALANG DAGDAG SAHOD SA HOUSE OF REPRESENTATIVES

Ang pagpasa ng โ‚ฑ100 across-the-board na dagdag sahod sa Senado at ng โ‚ฑ200 minimum wage hike sa House of Representatives ay bunga ng tuloy-tuloy na panawagan ng mga manggagawa para sa nakabubuhay na sahod.

Bagamat malayo pa ito sa โ‚ฑ1200 arawang minimum na aming isinusulong, ito ang unang beses mula pa 1989 na nakapagpasa ang Kongreso ng isang batas para sa dagdag sahod. Ipinapakita nito ang kapalpakan at kainutilan ng mga regional wage board.

Dapat itong magtulak sa mga mambabatas na repasuhin ang kasalukuyang mekanismo sa pagtatakda ng sahod sa ilalim ng RA 6727. Muli naming iginigiit pagbabasura ng RA 6727, ang pagwawakas ng rehiyunalisasyon ng sahod, at ang pagbuwag sa mga Regional Wage Boards (RWB). Ipinaglalaban naming mga manggagawa ang pagbabalik ng isang National Minimum Wage na nakabatay sa family living wage.

Dapat agarang lagdaan ni Bongbong Marcos ang panukalang batas na ito sa oras na maisumite ito sa kanyang tanggapan. Kung ive-veto pa ni Marcos ang kakarampot na dagdag sahod na ito, lalo lamang mailalantad ang pagiging anti-manggagawa ng kanyang rehimen.

Hindi mapapawi ng mga pakitang-taong โ€œrepormaโ€ ang galit ng manggagawa sa deka-dekadang pambabarat ng sahod. Hindi kami magpapabulag sa mga drama ng cabinet reshuffling at hungkag na pangako ng โ‚ฑ20 na bigas para sa mga minimum wage earners.

Mas nagiging kagyat ngayon ang laban para sa isang family living wage dahil napatunayan nang posible ang isang legislated wage hike. Babantayan at titiyakin namin na maipasa at ganap na maipatupad ito. Magpapatuloy kami sa paglulunsad ng malawakang protesta para sa dagdag sahod, pambansang minimum na sahod, mas maayos na kalagayan sa paggawa, at isang buhay na nakabatay sa dangal ng tao.

Tuloy ang laban para sa nakabubuhay na sahod - P1200 nationwide!
Tuloy ang laban para sa sahod, trabaho, at karapatan!
Mabuhay ang manggagawang lumalaban!
Sa atin ang bukas, sa atin ang tagumpay!

15/05/2025

Mahal kong mga kababayan at tagasuporta,

Walang hanggang pasasalamat sa inyo. Salamat sa pag-abot ng inyong mga kamay, sa pakikinig ng plataporma para sa tunay na pagbabago, sa pagpapatuloy sa inyong mga tahanan.

Hinding-hindi ko ito malilimutan. Lalo na sa ating masisipag na volunteers, staff, kaibigan, at mga kasama sa bawat sortie, house-to-house, pulong masa, at campaign rally, saludo ako sa inyo.

Hindi man tayo makaupo sa Senado, tagumpay pa rin tayo. Dahil sa kabila ng limitadong pondo at makinarya, at sa gitna ng paninira, atake, at red-tagging, hindi tayo nabigong makakuha ng milyon-milyong boto. Ito ay patunay na dumadaloy ang makabayang adhikain at paninindigan para sa pambansang demokrasya sa hanay ng kababaihan, LGBTQ+, at sambayanang Pilipino. Ipinakita natin na posible ang malinis na pamumuno hindi ng iilan, at hindi para sa pansariling interes. Ito ang nagkakaisang hangarin nating lahat. Higit pa nating pag-alabin ang apoy ng ating pagkakaisa at paninindigan.

Tulad ng aking pangako, hindi nagtatapos sa halalan ang laban para sa karapatan, hustisya, at dignidad ng mamamayan. Makakasama ninyo pa rin ako sa kalsada, sa mga komunidad, at sa lahat ng espasyo kung saan maaari nating igiit ang interes ng mamamayang Pilipino. Patuloy tayong magiging Tinik sa Mapang-Abuso at Rosas ng Pagbabago. At aasa akoโ€”nandiyan pa rin kayo.

Kalakip ng pasasalamat na ito ay isang panawagan sa kapwa ko babae, sa mga child rights advocates, LGBTQ+ community, at mamamayang Pilipino, igiit natin ang pagkapanalo ng Gabriela Womenโ€™s Party. Igiit natin ang tunay na boses ng mga kababaihan sa kongreso at huwag nating hayaang mamayagpag at madomina ito ng mga pekeng partylists at mga dinastiya sa pulitika. Bantayan natin ang ating boto at maggiit na bilangin nang tama at maayos dahil ang bawat botong hindi nabilang ay kawalan sa mamamayan.

l

12/05/2025

[Panuorin] Update mula kay BaBaE Network Spokesperson Cham Perez hinggil sa mga namonitor ng BaBaE Network na mga iregularidad at problemang kinaharap ng mga botante sa .

12/05/2025

Alay sa babae, bata, LGBTQ+ at taumbayan. ๐Ÿ’œ๐Ÿฉท๐ŸŒท๐ŸŒท

12/05/2025

Nakaboto na ang ating kinatawan! May ilang oras pa tayo upang bumoto. Wag nating sayangin ang pagkakataong ito.

โ€œAlay sa babae, bata, LGBTQ+ at taumbayan.โ€ - Arlene Brosas

10/05/2025

๐Ÿฉท๐Ÿ’œ

Huling hirit na, mga mahal kong kababayan!

Ilang oras na lang bago magsara ang kampanya - oras na mahalagang gamitin para iparating ang ating mensahe:

โšซ๏ธ #13 Arlene Brosas sa Senado
โšซ๏ธ #46 Gabriela Partylist sa Kongreso!

Ngayon ang panahon para kausapin at hikayatin ang ating pamilya, barkada, kapitbahay, at mga kakilala - lalo na ang ang mga hindi pa kumbinsido o hindi pa sigurado kung sino ang mga iboboto.

Ipaalala natin kung bakit mahalagang may boses ang kababaihan, bata, LGBTQ+, at sambayanang Pilipino sa Kongreso at Senado.

Mangumbinsi. Bumoto. Bantayan. Ipanalo.

Photos from Arlene Brosas for Senator's post 06/05/2025

Lubos ang aming pasasalamat sa mga volunteer mula sa Child Rights Protection Brigade (CRPB) ng Tanay at Jala-jala, Rizal na buong puso at lakas na umiikot para ikampanya ang ating Senadora Arlene Brosas.

Naniniwala tayong kailangan natin ng tunay na child rights advocate sa Senado.

Si Arlene Brosas ay matagal nang tagapagtanggol ng karapatan ng bata. Siya ay naging Executive Director ng Akap sa Bata ng mga G**o Kalinga, isang network ng mga volunteer day care teachers. Naging convenor ng Anti-Child Po*******hy Alliance at Save Nena Campaigan upang labanan ang sekswal na pang-aabuso, karahasan at pagsasamantala sa mga bata.

Nang siya ay baging mambabatas, pinangunahan din niya ang mga panukalang batas para sa mg bata.

Arlene Brosas sa Senado! #13 Sa balota!๏ฟฝTinik sa mapang-abuso! Rosas ng Pagbabago!

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Quezon City