Dapat nasa harap kami ng DPWH kanina, pero mismong palpak nilang flood control ang dahilan kaya’t binaha at naantala ang pagkilos.
Sa biyahe, balita tungkol sa mga inutil na proyekto pa rin ang palabas habang tuloy-tuloy ang pagbaha sa Kamaynilaan.
Departamentong Puro Walang Hiya—hindi man namin kayo nakalampag ngayon pero asahan niyong babalik kami!
Mimi Doringo
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mimi Doringo, Public Service, Quezon City.
Secretary-general ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) • Lumalaban para sa katiyakan sa paninirahan, mababang presyo ng bilihin, nakabubuhay na sahod, at katiyakan sa trabaho at kabuhayan.
May makataong proseso para sa mga negosyante at politikong korap, ngunit para sa maralita—salat.
Mabilis ang aksyon laban sa maralita: itaboy, tanggalan ng kabuhayan, wasakin ang kabahayan, ikulong dahil lamang sa marangal na paghahanapbuhay.
Ngunit kay Sara Duterte na lumustay ng ₱612.5 milyon, napakabagal ng pagpapanagot.
Sa mga politikong korap na dahilan ng malalang pagbaha at pagkawasak ng buhay, bahay, at kabuhayan, sobra-sobra ang paglalaan ng “maayos na proseso.”
May hearing, may imbestigasyon ngunit sa huli, walang napapanagot, at lalong walang nakukulong.
Samantala, ang mamamayan na araw-araw nagbabanat ng buto, pawis, at dugo upang may buwis na makolekta, ay hindi man lamang madamayan sa lumalalang kahirapang kanilang dinaranas.
24/07/2025
Huwag mo kaming budulin. Kada parating ang SONA mo, nagpi-feeling bayani ka na tipong ililigtas mo kami, pero sa tuwing bumabaha, memes mo lang ang makita. Dahil sa palpak mong mga proyekto, lalong lumala ang perwisyo sa amin, at sa huli kami pa ang sinisisi mo.
Kami nga, kahit kapiranggot na donasyon—isang libo mula sa mga taong may malasakit ay naihatid namin sa komunidad para makapagpakain agad ng mainit na sopas sa kumakalam na sikmura ng kapwa naming maralita.
Huwag kang mag-alala. Gaya ng sabi mo na mag-ipon sa baha, nakaipon nga kami: ng lahat ng kasinungalingan, kapalpakan, at pagpapahirap mo sa amin. At maniningil kami, kasama ang interes, tubo, at lahat ng utang mong pananagutan sa mamamayan, lalo na sa aming mga maralita.
Itigil ang korapsyon! Gamitin nang maayos ang pondo ng bayan para sa tunay na kagalingan ng mamamayan, lalo na kaming mga biktima ng kawalanghiyaan ng rehimeng US-Marcos.
22/07/2025
CALL FOR DONATIONS
Nanawagan ng tulong ang Stand with the Poor ng tulong para sa mga komunidad na apektado ng at hanging habagat.
Para sa mga donasyon tumatanggap kami ng:
✅Pagkain
✅Sangkap para sa kusinang bayan
✅drinking water
✅kumot
✅banig
IN-KIND DONATIONS DROP-OFF
📍 12-A Kasiyahan St., Don Antonio Heights,
Brgy. Holy Spirit, QC.
Contact: Angeline 0950 207 7863
CASH DONATIONS
✅Gcash 0976 532 4865
✅Bank transfer
(Mag message sa page para sa detalye)
Huwag kalimutan ipadala ang screenshots ng inyong donasyon sa aming page.
15/07/2025
Maligayang 🎉😂 75 taong kaarawan 🎂🎈sa inyo Ka Bea.
Isa sa haligi ng pakikibaka ng Maralitang Lungsod para sa Katiyakan sa Paninirahan, Kabuhayan at mga batayang karapatang na hanggang sa ngayon ay kailangang igiit dahil hindi kusang ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Maraming salamat sa patuloy na pagtindig kasama ng maraming kananayan, kabataan at mga kapwa maralita.
Hangad namin ang maraming taon pa ng ating samahan at pagsasama para sa mas marami pang kapwa Maralitang matulungan.
01/07/2025
Payahag ni Nanay Mimi hinggil sa pagkakakulong ng Imus 5
Labintatlong taon akong regular na manggagawa. Ngunit napilitan akong magbitiw sa trabaho nang ipilit ng kompanya na ilipat kami sa isang agency na pag-aari rin nila. Sa isip ko, pagkakataon ko na itong personal na maalagaan ang tatlo naming anak. Mga anak na halos inaasahan sa bunso kong kapatid at sa aking ina habang kami ng mister ko ay nasa trabaho.
Ngunit dahil sa kakulangang pinansyal, naranasan naming mag-anak ang hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw. May mga gabing natutulog kaming kumakalam ang tiyan. Napalayas kami sa inuupahang bahay dahil sa kakulangan sa pambayad. Napilitang kaming tumira sa gilid ng Tullahan River. Doon kami nasalanta ng Bagyong Ondoy at inanod ang lahat ng aming pinaghirapan.
Sa relokasyong ipinangakong magpapabuti sa amin, doon ko lalong naunawaan ang katotohanan. Hindi kailanman prayoridad ng gobyerno ang maralita. Sa halip, kami ang sinisingil ng mahal na tubig, kuryente, at buwanang hulog sa bahay. Ginagawang negosyo ang batayang serbisyo. Ginagatasan ng estado ang mahihirap habang ipinapasa sa amin ang pasanin ng tinatawag nilang kaunlaran na hindi naman namin nararamdaman.
Kaya’t tumindig ako bilang lider. Ninais kong magkaroon ng boses ang aming komunidad at makipagdayalogo sa mga ahensya ng pamahalaang dapat ay para sa mamamayan. Ngunit sa halip na pakinggan, ang mga mamamayang nagtatanong at kumikilos ay pinapatahimik. Sa ilalim ng magkakasunod na palpak, pahirap, at pasistang pamumuno, ginawang krimen ang sama-samang pagkilos, ang pagtatanong, at ang pagtutol sa mali.
Alam kong sina Onad, Shinice, at iba pang kabataang biktima ng mapangwasak na mga proyekto ng gobyerno ay tumindig dahil sa pagkakait ng disenteng kabuhayan sa kanilang mga magulang, sa demolisyon ng kanilang tahanan, sa red-tagging, harassment, at iba pang porma ng karahasan. Ang kanilang sining na sumisigaw ng katotohanan tungkol sa kahirapan at pang-aapi sa mga maralita ay hindi krimen.
Kung walang gutom, kung may sapat na sahod, kung walang magsasaka at mangingisdang inaapi, kung walang katutubong pinalalayas, kung lahat ng kabataan ay may pagkakataong makapag-aral, kung hindi kailangang pumila nang magdamag sa ospital para lang magamot, kung hindi ninanakawan ng mga dayuhan at korporasyon ang ating likas na yaman, wala na sanang dahilan para mag-aktibismo. Wala na sanang tulad nina Onad at Shinice na ikinukulong dahil lamang sa paggamit ng sining at paninindigan para sa bayan.
Hindi krimen ang maghangad ng mas maayos na kinabukasan. Hindi krimen ang ipaglaban ang karapatan ng mas nakararami. Dapat resolbahin ng estado ang ugat ng mga hinaing ng mamamayan. Dapat maging tunay na makabayan, maka-tao at maka-Diyos ang mga pinuno ng ating bansa.
May mali kaya may paglaban. Ngunit kailanman, hindi mali ang lumaban para sa karapatan at kagalingan ng nakararami.
Click here to claim your Sponsored Listing.
