06/11/2025
Sa mabilis at tapat na serbisyo, mararamdaman tayo.
GANITO ANG TUNAY NA SERBISYO! đ«Ą
At nagsisimula ito sa magaling at matinong pamumuno. đ
Dumulog ako kaninang umaga sa Muntinlupa City Police Station sa Centennial Avenue upang kumuha ng Police Clearance ko. đ
Hindi ako nagpakilalang abugado, at hindi ako gumamit ng koneksiyon sa gobyerno. Bagkus, dumaan ako sa kanilang tamang proseso. đ
Nag apply ako online at online ko ring binayaran ito. At pumila ako sa kanilang istasyon upang magpakuha ng fingerprints at litrato. đ
Natapos ko ang buong prosesong ito ng wala pang limang minuto. đ
At nagawa ito ng mga kapulisan dito, habang propesyunal at nakangiti sa lahat aplikantenteng katulad ko. đ
Walang drama, walang init ng ulo, kundi tapat lang na paglilingkod sa nasasakupan nito. đ
At kung nagawa ng mga Pulis Muntinlupa ang simpleng bagay na ito, kaya rin dapat gawin ito ng buong gobyerno. đ€
Kaya sa mga kawani ng Muntinlupa City Police Station Central Headquarters at Pulis Ng Muntinlupa, maraming salamat at saludo ako sainyo! đ«Ą
05/11/2025
BAYANI SA SERBISYO: MGA PULIS NG SARANGANI AT ZAMBOANGA DEL SUR, NAGLIGTAS NG BUHAY SA GITNA NG TUNGKULIN
Isang ordinaryong araw ng serbisyo ang nauwi sa mga natatanging kabayanihan para sa mga pulis ng Sarangani at Zamboanga del Sur. Mula sa kalsada hanggang sa pampublikong lugar, ang kanilang mabilis at maagap na aksyon ay nakapagligtas ng buhay, nagpapatunay na ang tunay na serbisyo ng pulisya ay hindi lamang sa pagpapatupad ng batasâito ay tungkol sa malasakit, kahandaan, at proteksyon sa bawat Pilipino.
Bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na higit pang paigtingin ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan, pinangunahan ito ni Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez, Jr., na muling nagpatunay na ang dedikasyon at malasakit ay nasa puso ng kanilang misyon.
Noong Nobyembre 1, 2025, habang nagsasagawa ng operational inspections sa Barangay Kayupo, Sarangani Province, napansin ni PLTCOL Joffel T. Remudaro ang isang lalaki na nakasandal sa kanyang motorsiklo, walang malay. Agad siyang kumilos kasama ang kanyang team, nagbigay ng paunang lunas, at nakipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad at medical responders upang mailipat ang lalakiâna kalaunan ay natukoy na may mild strokeâsa pinakamalapit na pasilidad medikal para sa agarang gamutan.
Kinabukasan, noong Nobyembre 2, 2025, sa Ramon Magsaysay, Zamboanga del Sur, mabilis na tumugon si PMSg Johnry R. Cuadra sa isang batang lalaki na nahimatay dahil sa matinding init sa pampublikong sementeryo. Dahil sa kanyang agarang aksyon, agad na naasikaso ang bata ng medical team mula sa Rural Health Unit, na nakapigil sa posibleng mas malalang sitwasyon.
âAng mga pangyayaring ito ay paalala na ang pulisya ay hindi lamang tungkol sa pagpapatupad ng batas kundi pati na rin sa malasakit at maagap na pagtugon,â ani Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr. âAng bawat buhay ay mahalaga, at ang ating mga pulis ay handang kumilos nang may tapang, malasakit, at propesyonalismo sa anumang oras at lugar na kinakailangan. Ang mga kabayanihang ito ay sumasalamin sa di-matitinag na dedikasyon ng ating mga personnel sa paglilingkod at proteksyon sa mamamayang Pilipino,â dagdag niya.
Ang mga insidenteng ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng PNP sa Active Community Support, isa sa pangunahing prayoridad ng PNP Focused Agenda, na tinitiyak na ang serbisyo ng pulisya ay hindi lamang preventive kundi agarang nakakatugon sa oras ng emerhensiya.
âGanito ang serbisyo na tunay na naglalarawan sa PNPâmaagap, makatao, at mapagkalinga,â ani PNP Spokesperson PBGEN Randulf T. Tuaño. âMaaasahan ng publiko na ang ating mga pulis ay laging alerto, handa, at buong puso sa pagtugon at pagliligtas ng buhay sa lahat ng oras,â dagdag pa niya.
Sa pamamagitan ng mga kabayanihang aksyon tulad ng mga ito, patuloy na tinutupad ng Philippine National Police ang pangako ng âBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong mabilis, tapat, at nararamdaman.â
03/11/2025
MUNTING GAWA, MALAKING TIWALA: PULIS TUMULONG SA NAWAWALANG BATA, NAGBALIK NG NATAGPUANG WALLET
Patunay na hindi lang sa operasyon nasusukat ang serbisyo ng pulisyaâkundi pati sa mga simpleng gawaing may puso. Kamakailan, dalawang insidente ang nagpakita ng tunay na malasakit ng ating kapulisan: ang mabilis na pagtulong sa isang batang nawawala sa Valenzuela City at ang tapat na pagbalik ng napulot na wallet sa Batangas.
Sa Valenzuela City, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Sub-Station 9 sa pangunguna nina P*PT Joan H. De Leon kasama sina P*PT Richell B. Siñel, PCMS Ronald Abarabar Gabriel, PSSg Darwin S Orale, PCpl Mark Anthony Gatchalian, PCpl Rex Tumalban Tacadena, at Pat Gabriel Gulmatico Presto matapos iulat ang pagkawala ng isang bata sa St. John Cemetery.
Sa loob lamang ng 20 minuto, matagumpay nilang natagpuan ang ina ng bata at naibalik ang bata nang ligtas. Hindi maitago ng ina ang kanyang pasasalamat sa mga pulis na tumulong.
Samantala, sa Sto. Tomas City, Batangas, ipinakita naman ni PEMS Maricel L. Manaig ang katapatan at malasakit sa publiko nang ibalik ang isang wallet na naglalaman ng mga ID at pera. Hindi lamang niya ito isinukoânaghanap pa siya ng paraan para matukoy at makontak ang tunay na may-ari, na kalaunan ay personal na nagpasalamat.
Pinuri ni Acting Chief PNP, PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr., ang mga pulis na sangkot sa dalawang imagkahiwalay na insidente at binigyang-diin ang kahalagahan ng ganitong klaseng serbisyo:
âHindi kailangang malaki ang ginagawa para maramdaman ang malasakit ng pulisya. Kapag ang isang pulis ay tumulong dahil gusto niyang maglingkod, mas lumalalim ang tiwala ng taumbayan.â
Dagdag pa niya, ang ganitong mga kwento ang nagbubuo ng imahe ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas na tunay na para sa tao:
âAng katapatan at kabutihang-loob ay hindi extra requirement sa pagiging pulisâparte ito ng tsapa na suot natin. Kung patuloy tayong gagawa ng tama kahit walang nakatingin, ang tiwala ng publiko ay kusa ring babalik.â
Sa pamamagitan ng mga ganitong kwento ng kabutihan, muling pinatutunayan ng PNP ang tunay na Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman sa araw-araw na pakikitungo sa mamamayan.
18/10/2025
BAGONG PNP: MGA PULIS, NAGLIGTAS NG BATA AT BABAE SA BATAAN AT BENGUET
Bilang katuparan sa panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mabilis at makataong serbisyo publiko, muling pinatunayan ng Philippine National Police na ang puso ng pagiging pulis ay nasa paglilingkod at pagliligtas ng buhay.
Sa dalawang magkaibang insidente, ipinakita ng mga pulis mula sa Olongapo City at La Trinidad, Benguet ang kanilang bilis ng pagresponde, malasakit, at dedikasyon sa tungkulin.
Sa Olongapo City, agad na rumesponde ang mga pulis sa ulat ng isang batang nalunod sa Suzuki Beach Hotel, Barangay Barretto, noong Oktubre 11, 2025. Ang biktima isang siyam na taong gulang. Sa tulong ng Barangay Barretto Fire and Rescue (BBFR), agad nilang isinagawa ang CPR at paunang lunas, dahilan upang muling mabuhay ang bata na idineklarang ligtas sa James L. Gordon Memorial Hospital.
Samantala, sa La Trinidad, Benguet, pinangunahan ni Police Captain Angeline C. Hombrebueno, Commander ng P*P 1, ang mabilis na pagresponde sa tawag ng isang mamamayan ukol sa isang babaeng nawalan ng malay sa Middle Bayabas, Pico.
Habang papunta sa lugar, agad niyang ipinag-utos na tumawag ng ambulansya at nang makarating, tinulungan nilang makabawi ang biktima at isinugod sa Benguet General Hospital. Bago umalis, tinitiyak pa ni P*PT Hombrebueno na maayos ang kalagayan ng babae at naabisuhan ang kanyang pamilya.
Pinuri ni Acting Chief PNP Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga pulis na nakibahagi sa operasyon, at sinabi:
âAng ganitong mga kilos ng malasakit ay nagpapaalala sa atin na ang pagiging pulis ay hindi lamang tungkol sa paglaban sa krimen, kundi sa pangangalaga ng buhay. Ang dedikasyon na ipinakita ng ating mga opisyal ay salamin ng serbisyong nakasentro sa tao, alinsunod sa layunin ng Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdaman.â
Pinuri rin ni PNP Spokesperson at Chief PIO Police Brigadier General Randulf T. Tuaño ang mga tumugon dahil sa kanilang dedikasyon sa kaligtasan ng publiko.
âAng mabilis at makataong tugon ng ating mga kapulisan ay repleksyon ng serbisyong nais ipagpatuloy ng PNP araw-araw. Ang mga kwento ng pagliligtas at pag-aalaga ay nagbibigay ng tiwala at kumpiyansa mula sa mga mamamayan,â ani PBGEN Tuaño.
Sa pamamagitan ng mga ganitong mabubuting gawa, pinapatunayan ng PNP na hindi lang pagpapatupad ng batas ang tungkulin ng bawat pulis, kundi ang pagliligtas at pagmamalasakit sa buhay ng kapwa Pilipino.
14/10/2025
AGARANG TUGON, BUHAY NASAGIP: BAGUIO POLICE, BAYANI SA GITNA NG PANGANIB
Sa patnubay at direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na paigtingin ang kampanya tungo sa mabilis, makatao, at malasakit na serbisyo-pulisya, muling pinatunayan ng Philippine National Police (PNP) na ang tunay na serbisyo ay higit pa sa pagtugis sa krimenâito ay tungkol sa pagliligtas ng buhay.
Noong Oktubre 13, 2025, agad na rumesponde ang mga pulis ng Police Station 1 (PS1) ng Baguio City Police OfficeâPat Efren P. Abnasan Jr., Pat Gomez N. Pok-uh, PCpl Genevieve S. Gubat, at PCpl Hannah G. Padsinganâsa isang unified 911 emergency call sa Barangay Fairview, Baguio City. Isang 63-anyos na lalaki ang hirap huminga, at hindi nag-atubili ang mga pulis na tumakbo sa lugar, buhatin ang pasyente, at isakay sa kanilang mobile patrol upang agad na madala sa ospital.
Dahil sa kanilang bilis ng aksyon at pagkakaisa, agad na nabigyan ng lunas ang pasyente na ngayon ay patuloy na ginagamot sa pagamutan. Ang ganitong uri ng malasakit at dedikasyon ay salamin ng tunay na diwa ng PRO-Cordilleraâang kapulisan na tunay na naglilingkod at nagmamalasakit sa bawat mamamayan.
Pinuri ni PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga pulis ng Baguio City sa kanilang ginawang kabayanihan, na aniya ay buhay na patunay ng direksyong tinatahak ng PNP sa ilalim ng PNP Focused Agenda.
âAng ating Focused Agenda ay hindi lamang balangkas ng pamamahalaâito ay isang panata sa bawat Pilipino. Pinauunlad natin ang paggamit ng ating mga resources upang maging mas epektibo, itinataguyod ang moral at kapakanan ng ating mga personnel, at pinatitibay ang ating operasyon sa pamamagitan ng makabagong pamamaraan. Higit sa lahat, pinaiigting natin ang integridad at pananagutan habang pinalalalim ang ugnayan sa komunidad. Ang ginawa ng mga pulis na ito sa Lungsod ng Baguio ay tunay na sumasalamin sa ating layunin para sa isang PNP na mabilis kumilos, tapat maglingkod, at nagbibigay-halaga sa bawat buhay ng Pilipino,â ayon kay PLTGEN Nartatez.
Ang PNP Focused Agenda, na nagsisilbing blueprint ng makabagong reporma, ay layuning gawing mas mabilis, mas patas, at tunay na nararamdaman ang serbisyo-pulisya sa ilalim ng mga pangunahing priyoridadâManagement of Resources, Morale and Welfare, Enhanced Managing Police Operations, Integrity Monitoring, at Active Community Support. Ang ipinakitang malasakit ng Baguio City PS1 personnel ay kongkretong halimbawa ng mga prinsipyong ito sa gawaâtamang paggamit ng resources, mataas na moral, at serbisyong nakaugat sa komunidad.
Ayon naman kay PNP Spokesperson PBGEN Randulf T. Tuaño, ang naturang kabayanihan ay paalala na ang pulis ay hindi lamang tagapagpatupad ng batas kundi tagapagligtas ng buhay.
âAng kanilang mabilis na tugon ay nagpapaalala sa atin na sa likod ng bawat uniporme ay pusong handang maglingkod. Ito ang uri ng serbisyo na muling bumubuo ng tiwala ng taumbayan sa PNP,â ani PBGEN Tuaño.
Sa mga ganitong gawa, muling ipinapakita ng PNP na ang kanilang panata ay hindi lamang proteksyon, kundi tunay na malasakit at serbisyo para sa bawat Pilipino.
âBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat at Nararamdamanâ
13/10/2025
PULIS ALBAY, NAGPAKITA NG MALASAKIT SA BATANG MAYSAKIT
Bilang pagtugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan at itaguyod ang tunay na serbisyo publiko sa ilalim ng âBagong Pilipinas,â patuloy na isinasabuhay ng PNP ang mga gawaing may malasakit na sumasalamin sa diwa ng PNP Focus Program.
Sa lalawigan ng Albay, ipinamalas ni Police Master Sergeant Yumie R. Barante ng 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa ilalim ng Albay Police Provincial Office ang tunay na diwa ng paglilingkod sa pamamagitan ng pagtulong sa isang tatlong taong gulang na batang maysakit na may malaking bukol sa kaliwang kamay.
Ilang ulit na tinulungan ni PMSg Barante at ng kanyang team ang pamilya ng bata sa pagpunta sa ospital para sa mga pagsusuri at gamutan, at nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay para matiyak ang tuloy-tuloy na pangangalaga. Dahil sa kanilang pagtutok, nakatanggap ang bata ng wastong atensiyong medikal, isang patunay ng dedikasyon ng PNP hindi lamang sa pagpapanatili ng katahimikan, kundi sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan.
Noong Setyembre 21, 2025, muling bumisita ang grupo sa tahanan ng bata upang kamustahin ang kalagayan nito. Naghatid sila ng gatas, bitamina, at isang simpleng laruan, maliit mang bagay, nagdulot ito ng ngiti at pag-asa sa bata at sa kanyang pamilya.
âAng tunay na pagsisilbi ng pulis ay hindi lang nasusukat sa pagpapatupad ng batas, kundi sa bawat pusong ating natutulungan at pag-asang ating naibabalik,â ani Acting Chief PNP, Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez Jr. âIto ang diwa ng PNP, matatag sa tungkulin, ngunit may puso ring handang magmalasakit.â
Samantala, binigyang-diin ni PNP Spokesperson, Police Brigadier General Randulf T. TuaĆo na ang ganitong mga kwento ng kabutihan ay salamin ng patuloy na pagbabago sa loob ng organisasyon.
âBawat maliit na gawa ng kabutihan ng ating mga pulis ay tulay ng tiwala sa pagitan ng kapulisan at mamamayan,â pahayag ni PBGEN TuaĆo. âIto ang patunay ng isang serbisyong mabilis, tapat at nararamdamanâ
Muling tiniyak ng PNP ang buong suporta nito sa direktiba ng Pangulo para sa pagtatag ng isang pulisya na mapagkakatiwalaan, makatao, at may malasakit.
27/09/2025
PULIS, WALANG HUMPAY ANG PAGTULONG SA MGA NASALANTA NG BAGYONG OPONG
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng publiko sa panahon at pagkatapos ng matitinding kalamidad, nagpapatuloy ang Philippine National Police (PNP) sa buong-lakas na disaster-response operations kahit unti-unti nang lumalabas sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Opong at gumaganda na ang panahon.
Batay sa pinakahuling ulat ng PNP Sub-Committee on Natural Disaster, nananatiling nakatalaga ang 7,554 pulis mula sa Regional Offices 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 13, Negros Island Region (NIR), at NCRPO. Handa ring rumesponde ang karagdagang 11,118 miyembro ng Reactionary Standby Support Force para tumulong sa clearing operations at pamamahagi ng ayuda.
Patuloy na katuwang ng mga lokal na pamahalaan ang mga yunit ng pulisya sa pamamahala ng mahigit 32,000 evacuation centers, kung saan 3,587 ang kasalukuyang kanlungan ng halos 600,000 indibidwal mula sa 167,691 pamilya habang humuhupa ang baha sa maraming lugar.
Bagaman humina na ang bagyo, nagpapatuloy ang assessment sa pinsala: 477 barangay ang naiulat na binaha, 52 kalsada ang hindi madaanan, at 12 tulay ang nasira. Wala namang nasaktang pulis.
Nakapagsagawa na ang mga rescue team ng PNP ng 47 search, rescue, at retrieval operations na nakaligtas sa 6,627 katao, at 27 relief missions na nakatulong sa halos 2,000 residente sa Regions 6, 7, 8, at 13. Tatlumpung uniformed at limang non-uniformed personnel ng PNP ang apektado rin, at tatlong pasilidad ng pulisya ang nasira.
Ayon kay Acting Chief PNP PLTGen Jose Melencio C. Nartatez Jr., âKahit papalayo na ang Bagyong Opong, hindi pa tapos ang aming misyon. Mananatili kaming nasa komunidad upang tumulong sa pagbangon, magpanumbalik ng kaayusan, at matiyak na bawat pamilyang nasalanta ay makatatanggap ng kinakailangang tulong.â
Dagdag naman ni PNP Spokesperson PBGEN Randulf T. Tuaño, âNanawagan kami sa publiko na manatiling maingat habang isinasagawa ang paglilinis at pagkukumpuni. Ang pagsunod sa mga abiso ng lokal na pamahalaan at pakikiisa sa mga responder ay makapagpapabilis sa pagbabalik ng normal na takbo ng pamumuhay at makakaiwas sa karagdagang pinsala.â
Tiniyak ng PNP ang 24/7 na pagbabantay at tuloy-tuloy na assistance hanggang sa ganap na makarekober ang lahat ng apektadong lugar.
26/09/2025
Flex Natin Ginawa Pagtulong ni PLT JACK PATIĂO sa isang Street Vendor na Contestant ng Showtime,
na nag share na dumating sa point na malapit na namulubi na sya sa kalsada subalit isang pulis na suki nya sa kakanin ang nagbigay ng tulong binilhan sya ng kareton at binigyan ng 10k na pera panimula kaya sya medyo nakaraos sya kahit papano sa pang araw araw,
Sabi ni nanay after ilang bwan hindi na nya nakita ang police na destino na sa ibang lugar ang police dahil na promote din kalaunan,
Likas sa tao ang pagtulong at ang pagtulong ay mag magandang balik sa atin kaya deserve ni Sir Patiño ang Promotions,