Gab Atayde

Gab Atayde

Share

Garantisadong Aksyon!

25/08/2025

Isang pagpupugay sa ating mga bayaning nag-alay ng buhay para sa ating kalayaan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ Mabuhay ang ating mga bayani!

Photos from Gab Atayde's post 18/08/2025

PASASALAMAT NI GAB ATAYDE SA MGA TAGA-BARANGAY PAANG BUNDOK
Matapos ang kaniyang pagbisita sa Barangay San Isidro Labrador, dumiretso si Gab Atayde sa Barangay Paang Bundok para personal na magpasalamat sa mga residente sa kanilang patuloy na suporta at tiwala. Kasama si Cong Arjo Atayde, namahagi sila ng grocery packs bilang pasasalamat at tulong sa komunidad.

Bilang pagtupad sa kaniyang pangako, patuloy ang kaniyang aktibong pakikilahaok at pagbibigay-serbisyo sa buong Distrito Uno.

Photos from Gab Atayde's post 18/08/2025

PASASALAMAT NI GAB ATAYDE SA MGA TAGA-BARANGAY SAN ISIDRO LABRADOR
Lubos ang pasasalamat ni Gab Atayde sa mainit na pagtanggap at tiwalang ipinakita ng mga taga-Barangay San Isidro Labrador. Kasama si Cong. Arjo Atayde, namahagi sila ng grocery packs sa mahigit 200 residente bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng mga taga-Distrito Uno.

Tulad ng kaniyang pangako, tuloy-tuloy ang pakikinig, pagkilos, at pag-abot ng tulong sa bawat sulok ng distrito.

Photos from Congressman Arjo Atayde's post 18/08/2025

MEDICAL MISSION SA BARANGAY BAHAY TORO
Sa tulong ng 1Life at Kapatiran at Damayan Sagisag ng Pagkakaisa (KDSP), patuloy ang Medical Mission ni Congressman Arjo Atayde na nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa mga taga-Distrito Uno katulad ng:
โœ… Libreng konsultasyon
โœ… Libreng gamot at bitamina
โœ… Mobile Laboratory para sa blood chemistry test, X-ray, at ECG

Tinatayang mahigit 300 na residente ng Barangay Toro ang napaglingkuran sa katatapos na medical mission na ito.

Layunin ng programang ito na matiyak na ang serbisyong medikal ay nananatiling abot-kamay, lalo na para sa mga hindi kayang pagpagamot sa pribadong ospital.

Photos from Congressman Arjo Atayde's post 18/08/2025

BARANGAY DEL MONTE COMMUNITY PANTRY

Sa pangunguna ni Kap Leo Pabustan at ng buong konseho ng Barangay Del Monte, naghatid ng tulong si Cong. Arjo Atayde para sa mga pamilyang nasalanta ng nakaraang pagbaha. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng iba't ibang grupo, nakatanggap ng bigas, de lata, noodles, at iba pang mga pangunahing pangangailangan ang mga residente ng Barangay Del Monte na makakatulong para sa kanilang pagbangon.

Maaasahan na sa bawat sakuna, laging naka-antabay si Cong Arjo para tumulong at tumugon sa pangangailangan ng kaniyang mga kababayan. ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Photos from Congressman Arjo Atayde's post 15/08/2025

PEOPLE'S DAY

50 ka-distrito ang personal na naabutan ng tulong ni Cong. Arjo sa ginanap na People's Day sa Barangay Balingasa Covered Court.

Bilang kinatawan ng Unang Distrito, taos-puso niyang pinakikinggan ang mga hinaing at pangangailangan ng kanyang mga kababayan. Hindi lamang siya nagbibigay ng suportaโ€”siya mismo ang nag-aabot ng tulong sa bawat isa.

Ang mga kwento ng buhay at pakikibaka ng kanyang mga ka-distrito ang nagsisilbing inspirasyon ni Cong. Arjo sa kaniyang walang tigil na pakikipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan. Sa pamamagitan nito, patuloy siyang nagdadala ng mga programa at serbisyong tunay na kapaki-pakinabang para sa Unang Distrito.

Photos from Congressman Arjo Atayde's post 15/08/2025

Ngayong araw, bumisita sa tanggapan ni Cong. Arjo Atayde ang School Parent-Teacher Association (SPTA) ng Bayanihan Elementary School para pag-usapan kung paano pwedeng makatulong si Cong. Arjo sa pagsasakatuparan ng mga planong programa ng kanilang samahan.

Bilang tagapagtaguyod ng kabataang Pilipino, patuloy ang pagsuporta ni Cong. Arjo sa mga gawaing naglalayong paunlarin ang edukasyon at kalinangan ng kabataan. Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga organisasyong gaya ng SPTA ng Bayanihan Elementary School, mas napapagtibay ang kaniyang adbokasiyang maghatid ng positibong pagbabago ng komunidad.

Photos from Congressman Arjo Atayde's post 15/08/2025

Pormal na nanumpa ang mga miyembro ng United Emergency Rescue Team St. Peter sa harap ni Cong. Arjo Atayde bilang pagkilala sa kanilang tungkulin na maglingkod sa bayan at magligtas ng buhay sa oras ng sakuna at pangangailangan.

Bilang pagkilala sa kanilang tapang, dedikasyon, at malasakit sa kapwa, ipinahayag ni Cong. Arjo ang kaniyang buong suporta sa grupo at nangakong palaging bukas ang kaniyang opisina para sa anumang tulong na maaaring maibigay. ๐Ÿšจ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Photos from Congressman Arjo Atayde's post 13/08/2025

Cong. Arjo Atayde met with representatives from the ๐——๐—ผ๐˜„๐—ป ๐—ฆ๐˜†๐—ป๐—ฑ๐—ฟ๐—ผ๐—บ๐—ฒ ๐—”๐˜€๐˜€๐—ผ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—ผ๐—ณ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฃ๐—ต๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฒ๐˜€ โ€”Mr. Elmer Lapeรฑa, Mrs. Agnes Lapeรฑa, and Mr. Jeremy Lapeรฑaโ€”and the ๐—ฆ๐—ฝ๐—ฒ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—ข๐—น๐˜†๐—บ๐—ฝ๐—ถ๐—ฐ๐˜€ ๐—ฃ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€โ€”National Director Armand Anthony Galicia, Partnership & Marketing Manager Isabelle De Los Santos, and Teacher Ezra Balingitโ€”to discuss possible legislative measures and initiatives that can support persons with Down Syndrome.

One of the personal and priority advocacies of Assistant Majority Leader Arjo Atayde and his family is to help build a community that promotes inclusivity, especially for individuals with intellectual and developmental disabilities, particularly persons with Down Syndrome.

This meeting reflects Cong. Arjoโ€™s strong commitment to promote inclusive policies and to champion laws that uplift and empower every member of the community.

Photos from Congressman Arjo Atayde's post 13/08/2025

PANUNUMPA NG SERBISYONG TAPAT

Isinagawa ng School Parent-Teacher Association Officers ng Pugad Lawin High School ang kanilang panunumpa ng tungkulin sa harap ni Congressman Arjo Ataydeโ€”bilang pagkilala sa kaniyang mahalagang papel bilang katuwang sa serbisyo publiko at pamumuno.

Bilang Vice-Chairman ng House Committee on Youth and Sports Development, kinikilala ni Cong. Arjo ang kahalagahan ng pagtutulungan ng mga magulang at g**o para sa pag-aaral ng mga kabataan.

Ang ganitong mga okasyon ay sumasalamin sa sama-samang paninindigan na paglingkuran at pag-angat ang mga komunidad ng District 1, Quezon City, at nagpapatatag sa diwa ng pagkakaisa at pananagutan sa serbisyo.

Photos from Congressman Arjo Atayde's post 13/08/2025

๐Ÿค PEOPLEโ€™S DAY KASAMA SI CONG. ARJO ATAYDE ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Bukas ang puso at opisina ni Cong. Arjo para sa bawat mamamayan ng Distrito 1. Sa ginanap kaninang Peopleโ€™s Day, personal niyang pinakinggan ang mga hinaing, kahilingan, at kwento ng bawat isa โ€” at agad-agad niya itong tinugunan.

Walang paligoy-ligoy. Walang patumpik-tumpik. Serbisyong tapat, direkta sa tao.

Dahil sa Distrito 1, ang boses ng mamamayan ang pinakamahalaga.

03/07/2025

Maligayang kaarawan Konsehal Bernard Herrera! Nawaโ€™y patuloy kang pagpalain ng magandang kalusugan at tagumpay sa iyong serbisyo publiko. ๐ŸŽ‰

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Category

Website

Address

Quezon City