Philippine Madrasah Teachers Association, Inc.

Philippine Madrasah Teachers Association, Inc.

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Philippine Madrasah Teachers Association, Inc., Madrasah Bld. Comm. ES. Quezon City, Quezon City.

19/03/2026

Assalamo alaykom
📢 ENROLLMENT IS NOW OPEN!

We are pleased to announce that Enrollment for Batch 18 is now officially open.

Online Program Offered 2026:

4-YEAR KULLIYAH DEGREE PROGRAM
- Bachelor of Tarbiyah Education
- Bachelor of Shari’ah - Islamic Law
- Bachelor of Da’wah Islamic Studies

2-YEAR COURSE IN KULLIYAH
- Accelerated Course in Tarbiyah
- Diploma in Shariah & Islamic Studies

2-YEAR ARABIC LANGUAGE COURSE
- Ma’ahadul Logha Arabiyyah

1-YEAR COURSE IN DIPLOMA
- Diploma in Logha Arabiyyah
(for Arabic Grammar Course)
- Diploma in Qur’an Studies
- Diploma in Tarbiyah (ISAL Course)
- Diploma in Islamic Jurisprudence
- Diploma in Arabic Basic Course
This ABC course is designed for students who wish to learn and develop their skills in the Arabic language and Qur’anic reading, whether you are a beginner or already have basic knowledge.
🔸 LEVEL 1 for students who will begin
learning in the Arabic Language
🔸 LEVEL 2 for students who already know
how to read Arabic words and wish to
improve their Arabic Language skills

5 MONTHS CERTIFICATE (SHAHADA)
- Certificate in Shari’ah Muslim Law
- Certificate in Islamic Leadership and Madrasah Management

2 YEAR MAJISTER PROGRAM
- Majister in Tarbiyah & Management
- Majister in Islamic Jurisprudence

We are accepting for ONE ON ONE TUTORIAL CLASS both Kids ang Adults

ENROLL NOW

✅ ONLINE Learning Program
✅ ARABIC ang Medium of Instruction pinapaliwanag sa English at Tagalog
✅ Classes thru Google Meet with live discussion
✅ TIME SCHEDULE is 8PM to 10PM Pinas Time
✅ Pagkatapus ng kursong ito maari kayo mag request ng Hard copy ng CERTIFICATE.

For more information:
CHAT to WhatsApp # 0927-054-8118

17/03/2026




Ang kayamanan ay maaaring mawala,
ngunit ang kaalaman sa Dīn - ISLAM ay magiging gabay ng inyong mga anak habang buhay.

Ang batang lumaki sa Qur’an at Sunnah ay magiging liwanag ng kanyang pamilya sa mundong ito at sa Ākhirah.

ARABIC ONLINE - SUMMER CLASS FOR KIDS.
2 Months Program for
* Arabic Reading
* Qur'an Reading
* Basic Islamic
* Basic Arabic

Summer class is open for Male and Female student with Age: 5 Years old to 14 Years Old.

Time Schedule:
- 4:00PM to 5:00PM - 7:00PM - 8:00PM
- Friday, Saturday, Sunday, Monday

We are accepting ONE ON ONE TUTORIAL CLASS for beginners both kids and Adults

ORIENTATION IS ON MARCH 26, 2026



Whatsapp No. 0927-054-8118

Photos from Philippine Madrasah Teachers Association, Inc.'s post 12/03/2026

Nararamdaman natin ang uhaw at gutom sa bawat araw ng pag-aayuno.

Ngunit higit na mabigat kaysa sa gutom ng tiyan ang katahimikan ng bulsang walang laman. Ang paghihintay para sa kaunting ginhawa ay tila mas mahaba pa kaysa sa isang buong araw ng pag-aayuno sa loob ng tatlumpung araw.

Habang pinipigil natin ang ating sarili sa pagkain at inumin alang-alang sa pagsunod sa utos ni Allah, may mga sandali rin na ang puso ay napupuno ng pag-aalala kung paano matutugunan ang pang-araw-araw na pangangailangan ng ating pamilya.

Ang gutom ay kayang tiisin ng katawan, ngunit ang mahabang paghihintay sa tulong at katarungan ay isang pagsubok na higit na mabigat sa dibdib.

Umaasa kami na maririnig ang aming tinig at mararamdaman ang aming kalagayan. Sa gitna ng banal na buwan na ito, nawa’y dumating ang ginhawa at ang nararapat na tulong sa tamang panahon.

NAG PADALA NG REQUEST LETTER ANG ATING PMTA PRESIDENT Doc Mohammad Manalinding sa Office of the DepEd Secretary upang hilingin na irelease agad sahud ng mga Asatidz Madrasah Teachers o pundohan agad ang JANUARY FEBRUARY MARCH.

02/03/2026

Mga Benepisyo ng Pagbibigay ng Sadaqah (Kawanggawa)

1️⃣ Nalilinis ang Kayamanan at Puso

Ang Sadaqah ay naglilinis ng yaman mula sa pagkukulang at naglilinis din ng puso mula sa kasakiman at pagkamakasarili.

> قال الله تعالى:
خُذْ مِنْ أَمْوَالِهِمْ صَدَقَةً تُطَهِّرُهُمْ وَتُزَكِّيهِم بِهَا
“Kumuha ka mula sa kanilang yaman ng sadaqah upang sila’y malinis at mapadalisay.”
— (At-Tawbah: 103)

2️⃣ Nakakapagtaboy ng Kalamidad

Ang kawanggawa ay isa sa mga dahilan ng pag-iwas ng kapahamakan at pagsubok.

> الصدقة تطفئ البلاء
“Ang sadaqah ay pumapatay sa sakuna

3️⃣ Nagpapalawak ng Rizq (Kabuhayan)

Hindi nababawasan ang yaman sa pagbibigay. Sa halip, ito’y pinagpapala at dinaragdagan ni Allah.

> قال رسول الله ﷺ:
ما نقص مال من صدقة
“Hindi nababawasan ang yaman dahil sa sadaqah.”
— (Muslim)

4️⃣ Lilim sa Araw ng Qiyāmah

Sa Araw ng Paghuhukom, ang sadaqah ay magiging lilim para sa isang mananampalataya.

> كل امرئ في ظل صدقته يوم القيامة
“Ang bawat tao ay nasa lilim ng kanyang sadaqah sa Araw ng Pagkabuhay.”

5️⃣ Pinapataas ang Antas sa Jannah

Ang maliit man na ibigay—kahit isang ngiti o isang pirasong pagkain—ay may malaking gantimpala kay Allah.

Espesyal sa Buwan ng Ramadhan

Ang gantimpala ng Sadaqah ay lalo pang dumarami sa Ramadhan. Ito ang buwan ng habag, pagpapatawad, at masaganang biyaya.

Paalala

Ang Sadaqah ay hindi lamang pera. Maaari itong:

Pagpapakain sa nagugutom

Pagbibigay ng kaalaman

Isang mabuting salita

Isang taos-pusong ngiti

💛 Magbigay nang lihim kung kaya, sapagkat ang lihim na sadaqah ay mas malapit sa katapatan.

SA BUWAN NG RAMADHAN ANG BAWAT SADAQAH AY HINDI LANG NADODOBLE, ITO AY PINAPARAMI NI ALLAH NANG HIGIT SA ATING INAAKALA.

“مَثَلُ ٱلَّذِينَ يُنفِقُونَ أَمْوَٰلَهُمْ فِى سَبِيلِ ٱللَّهِ كَمَثَلِ حَبَّةٍ أَنۢبَتَتْ سَبْعَ سَنَابِلَ…”
(QS. Al-Baqarah: 261)

Ang inyong Sadaqah sa Ramadhan ay liwanag para sa mga pusong naghahanap ng patnubay.
Ito ay lakas para sa mga kapatid nating Balik-Islam na nagsisimulang maglakbay tungo sa kaalaman.

Sa pamamagitan ng inyong tulong,
ang kanilang pag-aaral sa DIOUP ay magpapatuloy,
ang kanilang pananampalataya ay lalalim,
at ang kanilang mga hakbang ay magiging matatag sa Daan ni Allah.

🤲 Ang inyong Sadaqah ay maaaring maging dahilan ng kanilang istiqāmah.
At sa bawat talatang kanilang mababasa,
sa bawat kaalamang kanilang maisasabuhay,
may bahagi kayo sa gantimpala—hanggang sa Araw ng Paghuhukom.

Huwag hayaang lumipas ang Ramadhan na hindi kayo nakibahagi sa pagpapalaganap ng Ilm.

Magbigay. Suportahan. Magkaroon ng bahagi sa gantimpalang hindi kumukupas.

Allāhumma taqabbal minnā.
----------------------------------------------------
SA NAIS MAG BIGAY NG TULONG SADAQAH MAARING IPADALA SA:

GCASH 0935-901-5719
MO...D..AL..N...M.

01/03/2026

ANG PAG-AAYUNO AY ISANG PANANGGA,
PANANGGA LABAN SA APOY NG IMPIRNO

الصِّيَامُ جُنَّة
الصِّيَامُ جُنَّةٌ مِنَ النَّارِ
Sa bawat gutom na tiniis para kay Allah,
may kapatawarang ibinibigay.

Sa bawat uhaw na pinigil,
may kasalanang binubura.

Ang pag-aayuno ay hindi lamang pag-iwas sa pagkain,
ito ay pag-iingat sa dila,
pagkontrol sa galit,
at pagbabantay sa puso.

Kapag ikaw ay pinukaw, sabihin mo:
إِنِّي صَائِمٌ
"Ako ay nag-aayuno."

🔸 Isang kalasag sa dunya.
🔸 Isang proteksiyon sa Akhirah.

ANG SAWM ay ‘ibādah ng lihim.
Walang nakakakita kundi Siya.

اللهم تقبل منا الصيام والقيام
واجعلنا من أهل التقوى والإحسان
- Isang panangga sa dunya
- Isang liwanag sa Qabr.
- Isang kaligtasan sa Ākhirah.


゚viralシalシ

01/03/2026

RAMADHAN MUBARAK
Sa lahat ng Mudarris
Asatidz wal Asatiezah

Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Telephone

Website

Address


Madrasah Bld. Comm. ES. Quezon City
Quezon City