05/06/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Umabot na sa 2,532 ang kaso ng dengue ang Quezon City mula January 1 hanggang June 4, 2026. Mas mababa ito ng 53% kumpara sa bilang ng dengue cases sa buong lungsod sa parehong panahon noong 2025 na may 5,331 cases. Batay sa datos, pinakapektado ang mga edad sampung taon pababa (1,111 cases o 44%). District 2 ang nakapagtala ng pinakamataas na dengue case (903 cases). Nakapagtala na rin ng labing dalawang (12) dengue-related death sa buong lungsod ngayong taon.
Gawin ang mga angkop na pag-iingat para maprotektahan ang pamilya laban sa dengue.
- ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐ง๐ ๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ๐ฒ ๐๐ญ ๐๐ฅ๐๐๐ง-๐๐ฉ ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐.
Takpan ang mga drum o water tanks, timba, at anumang lalagyan na maaring maimbakan ng tubig at pangitlugan ng lamok.
- ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ฌ๐ฎ๐ซ๐๐ฌ. Protektahan ang sarili laban sa lamok sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahabang manggas at pantalon, paggamit ng kulambo sa pagtulog, at paggamit ng anti-mosquito spray o mosquito repellant.
- ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ sa pinakamalapit na health center kung may sintomas ng dengue tulad ng lagnat, pananakit ng ulo at tyan, para sa angkop at maagap na pangangalaga. Mayroon pa ring libreng Dengue test at Check-up sa mga Health Center.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Dengue, bisitahin ang link na ito:
https://www.facebook.com/photo/?fbid=1055089823314957&set=a.637382685085675
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/1038855791605027
Manatiling updated tungkol sa banta ng dengue sa ating komunidad. I-like, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
05/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Limampu't apat (54) na kaso ng leptospirosis ang naitala sa Quezon City mula January 1 hanggang June 4, 2026. Sa kabuuang kaso, tatlumpu (30) kaso o 56% ang edad 31 taon pataas. Pinakaapektado ng leptospirosis ang mga kalalakihan (44 cases). Nakapagtala na rin ng anim (6) na pagkasawi kaugnay ng leptospirosis.
Nakukuha ang leptospirosis sa ihi ng daga na kontaminado ng bakteryang leptospira na kadalasang nahahalo sa maruming tubig tulad ng baha. Patuloy na paalala sa publiko na sundin ang mga angkop na pag-iingat upang mapanatiling ligtas laban sa leptospirosis.
โ
Huwag lumusong, lumangoy, o magtampisaw sa tubig baha
โ
Gumamit ng mga proteksyong pambaha tulad ng bota at guwantes
โ
Panatilihing malinis ang kapaligiran upang mawala ang mga dumi at ihi ng daga at iba pang hayop
โ
Kung aksidenteng lumusong sa tubig baha, magpakonsulta agad sa health center upang maresetahan ng doxycycline bilang prevention sa leptospirosis
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa sakit na ito, bisitahin ang link: https://www.facebook.com/share/p/1CjKG8Wbo7/
Manatiling updated tungkol sa banta ng leptospirosis sa komunidad. I-like, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
Maari ding tumawag sa QCESD Hotline:
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
05/06/2026
๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Walumpu't siyam (89) na kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) ang naitala sa Quezon City mula January 1 hanggang June 4, 2026 batay sa datos ng QC Epidemiology and Surveillance Division. Mga batang edad anim (6) na taon pababa ang pinakaapektado ng sakit na ito (66 cases o 74%). Naitala ang pinakamataas ang kaso ng HFMD sa District 2 na may 23 cases.
Upang maprotektahan ang mga bata laban sa sakit na ito, kailangang gawin ang mga angkop na pag-iingat dahil mabilis itong makahawa. Mahalagang mapanatili ang kalinisan at tamang hygiene gaya ng paghuhugas ng kamay:
โ
Pagkatapos gumamit ng palikuran o banyo
โ
Bago at pagkatapos kumain
โ
Pagkatapos umubo, bumahing at suminga
โ
Pagkagaling sa labas o pagkatapos maglaro.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD), bisitahin ang link na ito: https://www.facebook.com/share/p/1AGeddcuZL/
Video: https://www.facebook.com/share/v/1DNzd4DRYQ/
Maging updated! I-like, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
Maari ding tumawag sa QCESD Hotline:
8703-2759
0962-274-7107
8988-4242 local 1609
05/06/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Nakapagtala na ng 192 na kaso ng Tigdas (Measles) ang Quezon City mula January 1 hanggang June 4 ngayong taon. Naitala ang 77% ng mga kaso sa mga batang edad 10 taon pababa (148 cases). Sa mga distrito sa lungsod, pinakamataas ang kaso ng tigdas sa District 2 na may 82 cases, na sinundan ng District 6 na may 37 cases, District 4 na may 33 cases, District 3 na may 19 cases, District 5 na may 11 cases, at District 1 na may 10 cases. Nakapagtala na rin ng isang measles-related death ngayong taon.
Upang mapigilan ang pagdami ng mga kaso ng tigdas lalo na sa mga bata, patuloy ang ginagawang surveillance, outbreak response immunization, health education, at prevention campaign ng lokal na pamahalaan.
Mapanganib ang tigdas ngunit maiiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna at angkop na pangangalaga. Hinihikayat ang mga magulang na magtungo sa health center o ospital kung mayroong sintomas ng tigdas kagaya ng rashes at lagnat ang inyong mga anak.
Bisitahin ang pinakamalapit na health center upang makakuha ng karagdagang impormasyon tungkol sa libreng pagbabakuna.
๐ Bukas ang ating mga Health Center, LUNES hanggang BIYERNES ( 8:00am to 5:00pm )
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa tigdas, bisitahin ang link na ito:
https://www.facebook.com/share/p/18cwWCzTTo/
Maari ding magself report at magtanong sa mga sumusunod na numero:
8703-2759
09622747107
8988-4242 local 1609
02/06/2026
๐ฆ Protektahan ang mga Bata sa Banta ng Dengue๐ฆ
Ayon sa datos mula January 1 hanggang June 1 ngayong taon, umabot na sa 2,496 ang kabuuang kaso ng dengue sa Quezon City. Sa bilang na ito, naitala ang 1,091 cases o 44% sa mga batang edad 10 taon pababa.
Ano ang mga dapat gawin upang ang mga bata ay makaiwas sa sakit?
โ
Panatilihing malinis ang loob at labas ng bahay
โ
Panatilihing may takip ang mga timba, drum, water tanks, at iba pang lalagyan ng tubig.
โ
Magsuot ng mga mahahabang manggas na damit at gumamit ng insect repellent at kulambo, lalo na sa gabi
โ
Siguraduhing may screen ang mga bintana at pintuan
Kung may nararamdamang sintomas ng dengue, kaagad na magtungo sa pinakamalapit na Health Center para sa libreng Check-up at Dengue Test.
๐ Bukas ang ating mga Health Center LUNES hanggang BIYERNES ( 8:00am to 5:00pm )
Manatiling updated tungkol sa banta ng dengue sa ating komunidad. I-like, i-follow, at magmessage sa aming page.
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
02/06/2026
Bago pa man pormal na magbukas ang klase sa mga pampublikong paaralan ngayong taon, nagbigay ng Health Awareness Lecture tungkol sa iba't ibang sakit na karaniwang nararanasan ng mga bata ang District 1 Epidemiology and Surveillance Unit at Project 6 Health Center sa ginanap na Brigada Eskwela kahapon sa Project 6 Special Science Elementary School.
Tinalakay sa lecture ang mga paraan kung paano nakukuha at mga sintomas ng dengue, tigdas, hand, foot, and mouth diseases (HFMD), at varicella. Batay sa datos na ipinakita ng Disease Surveillance Officers na sina Debbie Castillo at Jet Caranto, mga school-age children ang pinakaapektado ng mga nasabing sakit.
Binigyang-diin sa lecture ang mga dapat gawin upang maiwasan ang mga nasabing sakit, at mapanatiling malusog ang mga bata. Hinikayat din ang ang mga magulang at mga g**o na regular na gawin ang 4T (Taob, Taktak, Tuyo, Takip) gayundin ang Search and Destroy upang maiwasan ang pagdami ng mga lamok na nagdadala ng dengue.
Nagkaroon din ng pre-clinic lecture tungkol sa leptospirosis, dengue, at tigdas sa San Francisco Super Health Center, Masambong Health Center, at Toro Hills Health Center sa District 1.
Sa huli, ipinaliwanag ang kahalagahan ng maagap na pagpapakonsulta sa doktor sakaling maranasan ang mga tinalakay na sintomas, upang maiwasan ang anumang malubhang karamdaman ng mga bata.
Para sa iba pang impormasyon, I-like, i-follow, at magmessage sa aming page.
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
01/06/2026
๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐ ๐๐ฒ ๐ก๐ข๐ง๐๐ข ๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ฌ๐จ๐ง๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ญ๐๐ค๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง.
โ
โKapag nagpabakuna laban sa tigdas, hindi lamang sarili mo ang napoprotektahan mo kundi pati ang ibang tao sa komunidad.
โ
โKapag maraming tao ang bakunado, mas mahirap kumalat ang virus ng tigdas. Ito ang tinatawag na ๐ฐ๐ผ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐๐ฒ๐ฐ๐๐ถ๐ผ๐ป
โ o ๐ต๐ฒ๐ฟ๐ฑ ๐ถ๐บ๐บ๐๐ป๐ถ๐๐. Dahil dito, napoprotektahan din ang mga taong hindi maaaring mabakunahan tulad ng:
โ๐ถ mga sanggol na hindi pa eligible sa bakuna
โ๐ก๏ธ mga taong mahina ang immune system
โ๐ค mga may ilang kondisyong medikal na hindi maaaring tumanggap ng bakuna
โ
โIbig sabihin, ang pagpapabakuna ay hindi lamang personal na proteksyon โ ito rin ay paraan ng pagprotekta sa pamilya, komunidad, at mga taong mas vulnerable sa malubhang sakit.
โ
โMagtungo sa health center ng inyong barangay at kumpletuhin ang bakuna ng inyong anak laban sa tigdas. Ito ay libre, epektibo, at ligtas.
โ
โPara sa iba pang impormasypn at surveillance update, I-like, i-follow, at magmessage sa aming page.
โ8703-2759
โ09622747107
โ8988-4242 loc 1609
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
โ
30/05/2026
๐๐ ๐ ๐ฆ๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ง๐ , ๐๐๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ง๐ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐ง๐๐ค!
๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐ค๐ญ๐๐๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ญ๐๐ง๐ ๐๐๐ค๐ฎ๐ง๐๐๐จ.
Mas mataas ang panganib na magkaroon ng tigdas at malulubhang komplikasyon nito ang mga batang hindi nabakunahan.
Ilan sa mga komplikasyon ng tigdas ang pamamaga ng utak (encephalitis), pneumonia, at malnutrisyon. Sa Pilipinas, ibinibigay ang first dose ng measles vaccine sa mga sanggol na 9 na buwang gulang at second dose naman pagdating ng 1 taong gulang.
Magtungo sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar para sa libreng bakuna. Ito ay ligtas at epektibo.
Alamin kung paano mapoprotektahan ang inyong anak laban sa tigdas sa video na ito:
https://www.facebook.com/share/v/1AaCPMynKe/
Para sa iba pang impormasyon, I-like, i-follow, at magmessage sa aming page.
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609
29/05/2026
๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Umabot na sa 2,470 ang kaso ng dengue ang Quezon City mula January 1 hanggang May 28, 2026. Mas mababa ito ng 53% kumpara sa bilang ng dengue cases sa buong lungsod sa parehong panahon noong 2025 na may 5,255 cases. Batay sa datos, pinakapektado ang mga edad sampung taon pababa (1,079 cases o 44%). District 2 ang nakapagtala ng pinakamataas na dengue case (884 cases). Nakapagtala na rin ng labing dalawang (12) dengue-related death sa buong lungsod ngayong taon.
Gawin ang mga angkop na pag-iingat para maprotektahan ang pamilya laban sa dengue.
- ๐๐๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ซ ๐ง๐ ๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ก ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐จ๐ฒ ๐๐ญ ๐๐ฅ๐๐๐ง-๐๐ฉ ๐๐ซ๐ข๐ฏ๐.
Takpan ang mga drum o water tanks, timba, at anumang lalagyan na maaring maimbakan ng tubig at pangitlugan ng lamok.
- ๐๐๐ฅ๐ ๐๐ซ๐จ๐ญ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐๐ฌ๐ฎ๐ซ๐๐ฌ. Protektahan ang sarili laban sa lamok sa pamamagitan ng pagsusuot ng mahabang manggas at pantalon, paggamit ng kulambo sa pagtulog, at paggamit ng anti-mosquito spray o mosquito repellant.
- ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ sa pinakamalapit na health center kung may sintomas ng dengue tulad ng lagnat, pananakit ng ulo at tyan, para sa angkop at maagap na pangangalaga. Mayroon pa ring libreng Dengue test at Check-up sa mga Health Center.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Dengue, bisitahin ang link na ito:
https://www.facebook.com/photo/?fbid=1055089823314957&set=a.637382685085675
https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/1038855791605027
Manatiling updated tungkol sa banta ng dengue sa ating komunidad. I-like, i-follow, at magmessage sa aming page Quezon City Epidemiology & Surveillance Division
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609