30/10/2026
𝐓𝐢𝐧𝐠𝐧𝐚𝐧 | 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐢𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐧𝐠 𝐂𝐮𝐥𝐦𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 𝐧𝐠 𝐍𝐀𝐅𝐄𝐒 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐡
Bilang panimula ng Culminating Activity para sa pagdiriwang ng National Agriculture and Fisheries Extension Services (NAFES) Month Celebration, masiglang sinalubong ng mga kalahok ang pagdating ng mga panauhing pandangal at kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga panauhing dumalo sina Mr. Wilfredo M. Cruz mula sa Department of Agriculture–Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) Region III, Vice Governor Hon. Ma. Cristina M. Garcia, at Mr. Louie Rodis, Senior Agriculturist ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA)–Bataan.
Naging bahagi rin ng parada ang mga kinatawan ng iba't ibang programa at inisyatiba ng , kabilang ang mga Gawad Saka Regional Winners, YIPOA at CFIDP Interns and Farm Partners, EASy Agri and EdGE Scholars, FITS Centers and Kiosks Beneficiaries, gayundin ang mga katuwang na ahensya (partner agencies).
Layunin ng parada na kilalanin at bigyang-pugay ang mahalagang papel ng mga indibidwal, organisasyon, at institusyong katuwang sa pagsusulong ng serbisyong pang-agrikultura at pangisdaan. Nagsilbi rin itong pagpapakita ng pagkakaisa at matibay na ugnayan ng iba't ibang sektor sa patuloy na pagpapalawak ng kaalaman, pagpapalakas ng kakayahan, at pagbibigay ng mga oportunidad para sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang benepisyaryo ng mga programang pang-agrikultura at pangisdaan.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lamang ang: https://ati.da.gov.ph/ati-3