Mujiv S. Hataman

Website Contact the organization

Mujiv S. Hataman Governor of Basilan Province. Proud Moro, Proud Basileño

Statement of Basilan Gov. Mujiv S. Hataman on the Recently Concluded BARMM Parliamentary ElectionsThe Bangsamoro has cro...
16/09/2026

Statement of Basilan Gov. Mujiv S. Hataman on the Recently Concluded BARMM Parliamentary Elections

The Bangsamoro has crossed a historic threshold.

We have just concluded our very first parliamentary elections under the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. For the first time, our people exercised their right to choose their representatives under a parliamentary system, fulfilling decades of struggle, negotiation, and hopes for genuine self-determination.

At the same time, we cannot overlook the difficulties and friction that marked this historic exercise. We mourn the lives lost and share in the grief of affected families across the region. No election outcome should ever come at the expense of our people's safety.

We must also see full accountability and decisive action regarding the irregularities reported on the ground, notably the discovery by the Commission on Elections of pre-shaded ballots in Maluso. Incidents like these must be investigated swiftly, transparently, and addressed according to the law. Genuine regional autonomy cannot stand on compromised ballots. The integrity of our democratic process is essential.

Still, despite these challenges, we must not lose sight of the way ahead.

The campaign is over; the urgent work of governing begins now. The mandate of the incoming elected BARMM government is clear: shift immediately from political contest to institutional competence. The regional leadership must focus squarely on how to run an effective, disciplined, and transparent bureaucracy. Good governance, accountability, fiscal integrity, and an unyielding commitment to the peace agenda must form the core of regional policy.

Above all, the affairs of the BARMM must be genuinely inclusive. Regional autonomy was never meant to be confined to the halls of power or held captive by political interests. It was won through the sacrifices of ordinary families across our provinces, islands, and mainland communities, and its success will ultimately be measured by how well it serves people at the grassroots.

As local leaders on the ground, we stand ready to work with an administration that honors good governance, upholds the rule of law, and truly serves the people. Let this historic milestone mark the beginning of a regional government where democracy delivers and no community is left behind.

Sa ating lingguhang Breakfast Meeting kasama ang mga department heads ng Provincial Government of Basilan at mga kinataw...
07/09/2026

Sa ating lingguhang Breakfast Meeting kasama ang mga department heads ng Provincial Government of Basilan at mga kinatawan ng BARMM ministries, agencies, at offices, patuloy nating pinag-uugnay ang mga programa at proyekto para mas maayos na matugunan ang pangangailangan ng bawat Basileño.

Isa sa ating tinalakay ang poverty incidence sa probinsya. Aminado tayong marami pa tayong kailangang gawin upang mas maraming pamilya ang makaahon sa kahirapan at magkaroon ng mas maayos na buhay.

Kasabay nito, personal nating kinilala at pinasalamatan si Ibrahim Luna Edris, na buong tapang na tumulong at nagligtas ng isang pasahero matapos mahulog sa dagat mula sa isang vessel. Bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan, nagpaabot tayo ng financial assistance at inalok siya ng trabaho sa PDRRMO.

Patuloy tayong magtutulungan, maglilingkod, at kikilos para sa mas maunlad at mas ligtas na Basilan.

07/09/2026

"Sa demokrasya, mahalagang maipaliwanag natin kung bakit tayo tumatakbo, ano ang ating paninindigan, at ano ang platapormang nais nating isulong.Kung makumbinsi natin ang taumbayan na piliin tayo, dapat tayong magpasalamat sa kanilang tiwala. Kung hindi man, dapat pa rin tayong magpasalamat sa pagkakataong maiharap ang ating mga adhikain at igalang ang kanilang pasya. Sa huli, ang demokrasya ay hindi lamang tungkol sa pagkapanalo, kundi sa pagbibigay sa taumbayan ng tunay na pagpili."

Basilan Gov. Mujiv Hataman
BGC Vice President

03/09/2026

MULTI-STAKEHOLDERS ENERGY RESILIENCE FORUM

Isinasagawa ngayon ang Multi-Stakeholders Energy Resilience Forum sa Basilan, kung saan nagtitipon ang iba’t ibang stakeholders upang talakayin ang mga hamon at solusyon para sa mas maaasahan at matatag na energy system.

Patuloy tayong kumikilos para sa mas resilient na Basilan at mas maayos na serbisyo para sa bawat Basileño.

Ngayong August 21, ginugunita natin si Ninoy Aquino at ang kanyang paninindigan para sa kalayaan at demokrasya.Nawa’y ma...
21/08/2026

Ngayong August 21, ginugunita natin si Ninoy Aquino at ang kanyang paninindigan para sa kalayaan at demokrasya.

Nawa’y manatiling buhay ang kanyang mga ipinaglaban at ang kanyang paniniwala sa kakayahan at kadakilaan ng bawat Pilipino.

15/08/2026

STATEMENT OF BASILAN GOVERNOR MUJIV HATAMAN CONDEMNING THE ATTACK ON CHIEF MINISTER ABDULRAOF MACACUA AND CALLING FOR ELECTORAL PEACE

Walang lugar ang karahasan sa ating lipunan.

Mariin nating kinokondena ang pag-atake sa convoy ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof Macacua at sa kanyang mga kasama sa Datu Odin Sinsuat. Mabuti at walang nasawi, ngunit ang ganitong marahas na gawain ay isang direktang banta sa kapayapaan at seguridad ng rehiyon.

Hinihimok natin ang mga awtoridad na magsagawa ng mabilis at malalimang imbestigasyon para agad na mapanagot ang mga may sala.

Sa paglapit ng halalan, nananawagan tayo sa lahat ng mga kandidato at tagasuporta na maging mahinahon at igalang ang proseso ng demokrasya. Ang layunin ng halalang ito ay magdala ng maayos na pamamahala at kaunlaran sa Bangsamoro—hindi ang magdulot ng takot at gulo.

Ipakita natin ang ating pagkakaisa para sa isang malinis, malaya at mapayapang halalan.

Ang isang malusog na Basilan ay nagsisimula sa isang malusog na pamilya.Sa paglulunsad ng MANGAN (Mobilizing All Sectors...
04/08/2026

Ang isang malusog na Basilan ay nagsisimula sa isang malusog na pamilya.

Sa paglulunsad ng MANGAN (Mobilizing All Sectors for Nutrition, Growth and Child Nurturing) Program sa Barangay Mangal, Sumisip, muli nating pinagtibay ang ating layunin na labanan ang malnutrisyon at palakasin ang kalusugan ng bawat batang Basileño.

Kasama ang ating mga partner agencies, mga lokal na opisyal, at walong barangay na benepisyaryo ng PUSPAH KAUMAN Program, sama-sama nating isinusulong ang wastong nutrisyon bilang pundasyon ng mas matatag na komunidad. Ang tagumpay ng programang ito ay nakasalalay sa aktibong pakikilahok ng bawat pamilya, barangay, at katuwang ng pamahalaan.

Patuloy nating ilalapit ang mga programang tunay na nagmamalasakit sa kalusugan at kinabukasan ng bawat Basileño. Sama-sama nating itaguyod ang isang mas malusog at mas maunlad na Basilan.

Dinala natin ang "Usap Tayo, Gob." sa Maluso noong Huwebes bilang bahagi ng ating Raayat Day.Mahalaga ang mga ganitong p...
04/07/2026

Dinala natin ang "Usap Tayo, Gob." sa Maluso noong Huwebes bilang bahagi ng ating Raayat Day.

Mahalaga ang mga ganitong pagkakataon dahil naniniwala tayo na hindi dapat nakakulong sa loob ng kapitolyo ang serbisyo. Sa pagpunta natin mismo sa inyong komunidad, mas napapakinggan natin ang inyong mga tunay na hinaing at pangangailangan.

Ang layunin natin ay simple: ilapit ang gobyerno sa tao upang maging mas mabilis, mas tapat, at mas ramdam ang ating pagtugon sa bawat Basileño.

Mahigit 10,000 residente ng Maluso ang ating naserbisyuhan kahapon sa Raayat Day. Patunay ito na mas epektibo ang serbis...
03/07/2026

Mahigit 10,000 residente ng Maluso ang ating naserbisyuhan kahapon sa Raayat Day. Patunay ito na mas epektibo ang serbisyo kapag ang pamahalaan ang lumalapit sa mamamayan.

Sa tulong ng ating mga partner agencies, naihatid natin ang iba’t ibang serbisyong pangkalusugan, kabuhayan, social services, legal assistance, at dokumentasyon. Libu-libong pamilya ang nakatanggap ng bigas, school kits, feeding, PhilHealth at PSA services, medical at dental consultations, at agricultural assistance.

Maraming salamat sa ating mga partner agencies, local officials, kay BGen. Frederick Sales, Ms. Queenie Padilla, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Raayat Day sa Maluso.

Patuloy nating ilalapit ang Raayat sa iba pang komunidad sa Basilan upang mas marami pang Basileño ang mapaglingkuran.

Ngayong araw, ginugunita natin si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Isang lider na naglingkod nang may husay...
24/06/2026

Ngayong araw, ginugunita natin si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Isang lider na naglingkod nang may husay at katapatan at isang kaibigan na nagpakita ng respeto at malasakit sa mga taong kanyang pinagsilbihan.

Maraming mahalagang alaala at aral ang iniwan niya, isa na dito na ang tunay na serbisyo ay may kasamang integridad at malasakit sa kapwa.

Maraming salamat, PNoy. Patuloy kang aalalahanin at bibigyang-pugay.

Address

Room 310, South Wing Annex Bldg. House Of Representatives, Batasan Hills
Quezon City
1126

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mujiv S. Hataman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mujiv S. Hataman:

Shortcuts

Share