Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya

Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya, Political organisation, NCPAG Student Lounge, NCPAG, RP De Guzman Street, UP Diliman, Quezon City.

Ang Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya (SANDIGAN-NCPAG) ay ang bagong tunay, palaban, at makabayang partido ng mga militanteng Lingkod-Bayan mula sa Pambansang Dalubhasaan ng Administrasyong Pangmadla at Pamamahala, UP Diliman.

22/05/2026

Maraming salamat, mga Lingkod-Bayan, sa inyong umaapaw na suporta at tiwalang ibinigay sa mga prinsipyo at platapormang bitbit ng SANDIGAN at sa sama-samang pag-aklas ay ating napagtagumpayan ang nagdaang local at university-wide student council elections para sa susunod na akademikong taon 2026-2027.

Mainit at taas-kamao nating binabati ang mga tunay, palaban, at makabayang Lingkod-Bayang sina Mark Lemor Ong (Chairperson) at Yaffa Dancel (STRAW Councilor) sa pagkakahalal sa ika-34 na Konseho ng mga Mag-aaral ng Pambansang Dalubhasaan ng Administrasyong Pangmadla at Pamamahala.

Simula lang ito ng panibagong yugto sa labang isulong ang pambansang demokrasya sa loob at labas ng pamantasan at igiit ang mga demokratikong karapatan laban sa dinastiyang Marcos-Duterte na kapwa pahirap at nag-aagaw-kapangyarihan sa gitna ng lumalalang krisis na hinahasik at pinaiigting ng imperyalistang U.S. at Zionistang Israel.

Atin ring ipinapanawagan na iproklama ang Ways and Means Administrator at External Affairs Administrator upang ganap na mabuo ang konseho at tuluyan nitong magampanan ang tungkulin nitong pagsilbihan ang sangkaestudyantehan at mas malawak na lipunan.

Tungo sa konsehong pinanday ng makabuluhang prinsipyo at binuo ng makahulugang saligan, at para sa konsehong militante, progresibo, at makabayan, halina, Lingkod-Bayan, at sumama sa mas malawak na hanay ng masang anakpawis, at tunay na paglingkuran ang sambayanan! ❤️‍🔥✊




Mobile uploads 18/05/2026

Hinubog ng pambansang minorya ang pakikibaka ni YAFFA. Bitbit niya ang kampanyang karapatan, kapakanan, at paninindigan ng bawat Lingkod-Bayan, at bawat aping sektor. Masikhay na pinaglingkuran ni YAFFA ang NatMin sektor, at mas masikhay at mas madasig pa ang ipaparating nito sa konsehong mag-aaral ng NCPAG.

Igpaw Pasulong!

Mobile uploads 18/05/2026

Hinubog ng prinsipyong militante, progresibo, at makabayan si MARK, at hatid niya ang lideratong ito sa konseho ng mag-aaral sa Pambansang Dalubhasaan ng Administrasyong Pangmadla at Pamamahala. Bilang nanggaling sa hanay ng nga Iskolar-Guro ng bayan, bitbit niya ang mga panawagan ng sangkaestudyantehan, sangkaguruan, at sambayanan.

Igpaw pasulong!

PARA SA NCPAGSC, IBOTO SI MARK LEMOR ONG!
🔻NCPAGSC
CHAIRPERSON Mark Lemor Ong

Photos 18/05/2026

Bitbit ni MARK ang mga prinsipyo ng paglilinang ng kakayahan at talento para pagsilbihan ang sambayanan, pag-aaral at pagtuturo ng materyal na sitwasyon at kundisyon ng lipunan, at pakikipamuhay sa kapwa!

Igpaw pasulong!

Photos from Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya's post 18/05/2026

𝗡𝗖𝗣𝗔𝗚 𝗦𝗖 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀’ 𝗥𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹𝗼𝗿 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻, 𝗸𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗯𝗼 𝗮𝘁 𝗠𝗼𝗿𝗼, 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗸𝘁𝗼𝗿! ✊️❤️

Bilang isang kaibigan, kaklase, lider-estudyante, at National Minority advocate, talagang maalaga, mapagkumbaba, masinop, at mapagkasama si Yaffa 🫂

🏛 Taglay ni Yaffa ang pagiging isang tunay na Lingkod-Bayan: isinasapraktika niya ang mga natututuhan niya sa pag-aaral ng public administration sa pamamagitan ng paglabas sa apat na sulok ng classroom para makibaka at mag-organisa.

Handa si Yaffa na patuloy na makiisa sa mga kampanya sa NCPAG at sa ating unibersidad, hanggang sa ating lipunan! Tunay na at !

𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀, 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗡𝗖𝗣𝗔𝗚 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗼𝗳𝘁 𝗴𝗶𝗿𝗹 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗳𝗶𝗿𝗺 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻! 𝗔𝗻𝗼, 𝘁𝗮𝗿𝗮? 🙂‍↕️




Photos from Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya's post 18/05/2026

𝗡𝗖𝗣𝗔𝗚 𝗦𝗖 𝗖𝗵𝗮𝗶𝗿𝗽𝗲𝗿𝘀𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗜𝘀𝗸𝗼𝗹𝗮𝗿-𝗚𝘂𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝗯𝗮𝗸𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮! ✊❤️‍🔥

Si Mark ay matagal nang nakikiisa sa mga komunidad sa pamamagitan ng kaniyang iba’t ibang mga tinanganan na tungkulin! ⚖️🤝

​Taglay ni Mark ang klase ng pagiging lider-estudyante na may kakayahang magmulat, mag-organisa, at magpakilos. Mula sa mga classroom hanggang sa mga komunidad, pinatunayan niyang ang mga teorya at prinsipyo ng mabuting pamamahala 🏛 ay marapat lamang na isinasapraktika sa loob at labas ng pamantasan.

​Si Mark ay handa nang , , at mag-iwan ng ! 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗻𝘀𝗲𝗵𝗼𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗻𝗮𝘆, 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻! ❤️‍🔥




Photos from Sandigang Mag-aaral para sa Pambansang Demokrasya's post 16/05/2026

𝗪𝗘𝗘𝗞 𝟮 𝗥𝗘𝗖𝗔𝗣!

Mga Lingkod-Bayan, ang mga kinakaharap ng ating kolehiyo ay hindi hiwalay sa mga isyu at panawagan ng mas malawak na UP Community at ng sambayanang Pilipino.

Kaya nitong nakaraang linggo, bukod sa patuloy na pagkatok sa mga klasrum para ilapit ang ating mga bitbit na kampanya at plataporma para sa konseho, nakiisa rin tayo sa mga inilunsad na kilos protesta para ipanawagan ang agarang paglitis kay Sara Duterte at pag-aresto kay Bato Dela Rosa.

Sama-sama nating isulong ang ating mga panawagan at adhikain para sa NCPAG, pamantasan, at masang Pilipino ✊️

𝗠𝗮𝗿𝗸 𝗟𝗲𝗺𝗼𝗿 𝗢𝗻𝗴
Chairperson

𝗚𝗮𝗶𝗹𝗹𝗲 𝗔𝘆𝗻 𝗬𝗮𝗳𝗳𝗮 𝗗𝗮𝗻𝗰𝗲𝗹
STRAW Councilor

𝗠𝗮𝗻𝗶𝗻𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗔𝗡𝗗𝗜𝗚𝗔𝗡!






Want your business to be the top-listed Government Service in Quezon City?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Address


NCPAG Student Lounge, NCPAG, RP De Guzman Street, UP Diliman
Quezon City