19/09/2026
CD 2, San Diego ES nanguna sa 2026 DSPC; mga natatanging distrito at paaralan pinarangalan
QUEZON CITY, Setyembre 19, 2026β Kinilala ang mga natatanging distrito, paaralan, at batang mamamahayag sa Pampinid na Palatuntunan ng 2026 Division Elementary Schools Press Conference (DSPC) na ginanap sa San Diego Elementary School.
Nanguna bilang Best Performing District ang Congressional District 2 (CD 2), sinundan ng Congressional District 6 (CD 6)sa ikalawang puwesto, habang Congressional District 3 (CD 3) naman ang nagtapos sa ikatlong puwesto.
Sa hanay ng mga paaralan, itinanghal na Best Performing School ang San Diego Elementary School. Pumangalawa ang President Corazon C. Aquino Elementary School (PCCAES), habang nakuha ng Placido del Mundo Elementary School ang ikatlong puwesto.
Naging bahagi rin ng programa ang paggawad ng mga sertipiko at medalya sa mga batang mamamahayag na nagwagi sa ibaβt ibang kompetisyon, gayundin ang pagkilala at paggawad ng tropeo sa mga top-performing districts at schools.
Nagbigay ng pambungad na pananalita si Dr. Heidee F. Ferrer, Chief ng Curriculum Implementation Division, habang si Bb. Isabelle S. Sibayan, Assistant Schools Division Superintendent, ang naghatid ng pamukaw-siglang pananalita para sa mga kalahok at panauhin.
Pinangunahan naman nina Dr. Ryan C. Atezora at Dr. Ma. Nimfa R. Gabertan, Education Program Supervisors sa Campus Journalism, ang mga gawaing kaugnay ng pagkilala sa mga nagwagi at pagpapatuloy ng mga programa para sa campus journalism.
Nagpaabot din ng pasasalamat sa mga school heads, school paper advisers, coaches, judges, working committees, magulang, at iba pang katuwang na naging mahalagang bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng DSPC.
Sa pagtatapos ng programa, inilatag ni Dr. Atezora ang mga hakbangin sa hinaharap, habang nagbigay ng pangwakas na pananalita si G. Vincent F. Portin, Pangulo ng QCAESPA.
Higit pa sa mga tropeo at medalya, nagsilbing pagkilala ang pampinid na palatuntunan sa husay, sipag, at dedikasyon ng mga batang mamamahayag ng Quezon City, gayundin sa patuloy na suporta ng ng butihing mayor ng QC, Mayor Joy Belmonte, SDS Ms. Carleen S. Sedilla, punongg**o, mga g**o at paaralan sa pagsusulong ng makabuluhan, responsable, at mapanagutang pamamahayag sa paaralan.