DSWD Crisis Intervention Program

Website

DSWD Crisis Intervention Program This is the official page of the DSWD Crisis Intervention Program.

Bilang isa sa mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aktibong nakilahok si Director Lea B...
06/10/2026

Bilang isa sa mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), aktibong nakilahok si Director Lea B. Bangalan ng Crisis Intervention Program (CIP) sa โ€œ๐€๐ฅ๐š๐ ๐š๐ง๐  ๐Ž๐–๐–๐€: ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฒ ๐๐ฎ๐ฌ๐จ - ๐“๐ก๐ž ๐Ž๐–๐–๐€ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐š๐ง๐ ๐–๐ž๐ฅ๐ฅ๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐š๐ง๐ ๐Œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐ก๐ข๐ฉ ๐‚๐š๐ซ๐š๐ฏ๐š๐งโ€ noong 4 Oktubre 2026 sa Athens, Greece.

Nakiisa sa caravan ang DSWD-CIP sa pamamagitan ng pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nagbibigay ng angkop na tulong pinansyal sa mga kwalipikadong indibidwal at pamilyang nakararanas ng krisis. Ipinakilala rin ang WiSupport na naglalayong magbigay ng psychosocial at emotional support upang makatulong sa mga hamong maaaring maranasan ng mga OFs at kanilang mga pamilya, kabilang ang stress na dulot ng pagkalayo sa mga mahal sa buhay.

Patuloy na makikibahagi ang DSWD-CIP sa mga gawaing naglalayong maihatid ang impormasyon, serbisyo, at suporta ng pamahalaan sa ating mga kababayan, saanman sila naroroon.


โ™ฅ๏ธ

Ang ating mga lolo at lola ay buhay na kayamanan ng ating lipunan. Taglay nila ang makulay na karanasan, malawak na karu...
06/10/2026

Ang ating mga lolo at lola ay buhay na kayamanan ng ating lipunan. Taglay nila ang makulay na karanasan, malawak na karunungan, at hindi matatawarang mga kuwento ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-aaruga.

Ngayong ๐„๐ฅ๐๐ž๐ซ๐ฅ๐ฒ ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐–๐ž๐ž๐ค, sa temang โ€œ๐˜•๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜—๐˜ช๐˜ญ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฐ: ๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜๐˜ข๐˜ญ๐˜ข๐˜จ๐˜ข ๐˜ข๐˜ต ๐˜’๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜”๐˜ข๐˜บ ๐˜‰๐˜ฐ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ข๐˜ต ๐˜ˆ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ข๐˜จ ๐˜ด๐˜ข ๐˜‰๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ,โ€ na ipinagdiriwang mula 1-7 Oktubre, nakikiisa ang DSWD Crisis Intervention Program (CIP) sa pagkilala sa kahalagahan at ambag ng ating mga lolo at lola sa sambayanan. Ang mahalagang papel na kanilang ginagampanan sa bawat pamilya at komunidad ay nararapat kilalanin, igalang, at pahalagahan, kasabay ng pagbibigay sa kanila ng sapat na pagkalinga at suporta.

Sa mga taon na kanilang inilaan sa paggabay, pagbabahagi ng mahahalagang aral, pagbibigay ng walang kapantay na pagmamahal, at pagsusumikap para sa kanilang pamilya, dala rin nila ang mga kuwentong nagpapakita ng kanilang katatagan sa kabila ng mga hamon sa buhay. Kabilang dito ang mga hamong kinahaharap nila upang mapanatili ang mabuting kalusugan at magandang kalidad ng buhay.

Ang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay patuloy na isinasabuhay ang malasakit sa ating mga lolo at lola sa pamamagitan ng inklusibo at makataong mga programa at serbisyong tumutugon sa kanilang mga pangangailangan. Bahagi nito ang pagpapadali ng access sa mga serbisyo, pagpapahusay ng mga proseso, at pagpapabuti ng mga pasilidad na mas komportable at angkop sa kanilang kalagayan.

Para sa ating mga lolo at lola, ang kanilang mga kuwento, karanasan, at ambag ay mahalagang bahagi ng ating lipunan. Patuloy natin silang kilalanin, pahalagahan, at alagaan.




โค๏ธ

PATULOY NA PAGPAPALAWAK AT PAGLAPIT NG AICS PARA SA MGA NEGRENSEDalawang araw ng pagbisita, pakikipag-ugnayan, at pagkat...
05/10/2026

PATULOY NA PAGPAPALAWAK AT PAGLAPIT NG AICS PARA SA MGA NEGRENSE

Dalawang araw ng pagbisita, pakikipag-ugnayan, at pagkatuto ang naging bahagi ng paglalakbay ni DSWD Crisis Intervention Program Director Wenz Morata at ilang kawani ng CIP sa Negros Island Region (NIR) noong 2โ€“3 Oktubre 2026, sa pangunguna ni DSWD Negros Island Region Director Arwin Razo.

Noong 2 Oktubre 2026, dumalo si Director Wenz sa Legishear at nakilahok sa Focus Group Discussion (FGD) kasama ang mga kliyente. Naging pagkakataon ito upang pakinggan ang kanilang mga karanasan, pananaw, at pangangailangan, gayundin upang maibahagi ang mga programa at serbisyong maaaring makatulong sa kanila, partikular ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), na patuloy na pinalalawak ang abot ng serbisyo upang mas maraming indibidwal at pamilyang nangangailangan ang maabot ng serbisyo nito.

Nagpatuloy ang pagbisita noong 3 Oktubre 2026 sa bagong bukas na SWAD Satellite Office sa Sagay City, gayundin sa SWAD Satellite Office sa Ilog, NIR na binuksan sa publiko noong nakaraang Setyembre 2026. Ang mga pagbisitang ito ay bahagi ng pagsisikap ng DSWD na mas mailapit ang mga programa at serbisyo sa mga komunidad at matiyak na ang mga ito ay naipatutupad nang maayos, episyente, at tumutugon sa pangangailangan ng mga kliyente.

Kabilang din sa pagbisita ang SLP Mudcrab Farm, kung saan ibinahagi at ipinamalas ng mga benepisyaryo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ang kanilang mga produkto, kaalaman, at karanasan sa pagpapatakbo ng kanilang kabuhayan. Naging makabuluhang ang sandaling ito upang kilalanin ang kanilang pagsisikap at masaksihan ang mga inisyatibong naglalayong palakasin ang kanilang kabuhayan at kakayahang maging mas matatag sa harap ng mga hamon.

Sa bawat bagong tanggapan, konsultasyon, at pakikipag-ugnayan sa komunidad, patuloy na isinusulong ng DSWD ang serbisyong mas malapit, mas accessible, at mas tumutugon sa tunay na pangangailangan ng bawat Pilipino.


โ™ฅ๏ธ

Maligayang Kaarawan, Maโ€™am Irene! ๐ŸŽ‚Ang inyong pagiging praktikal sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng mga programa at s...
01/10/2026

Maligayang Kaarawan, Maโ€™am Irene! ๐ŸŽ‚

Ang inyong pagiging praktikal sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng mga programa at serbisyo ng Ahensya, gayundin ang inyong kahandaang gumabay sa lahat ng pagkakataon, ay nagbibigay ng higit na kahulugan sa inyong paglilingkod.

Sa mga panahong inyong iginugol sa paghahatid ng serbisyo sa mga indibidwal at pamilyang nasa gitna ng krisis, marami na kayong kuwentong naibahagi tungkol sa maagap, maayos, at makataong pagtugon. Bitbit ang mga karanasang ito at ang inyong kahusayan, patuloy ninyong itinuturo ang inyong kaalaman sa mga kapwa-kawani upang maipagpatuloy ang paglilingkod na puno ng malasakit at pagkalinga.

Kinikilala ng DSWD Crisis Intervention Program (CIP) ngayong inyong kaarawan ang mga taon ng inyong dedikasyon at ang patuloy ninyong pagsisikap na magampanan ang ating pinagsasaluhang tungkulin bilang mga lingkod-bayan.

Hiling ng DSWD CIP na patuloy pa kayong mabigyan ng pagkakataong gumabay, magturo, at umalalay sa inyong mga kasamahan, maging sandalan sa oras ng pangangailangan at maging inspirasyon sa paghubog ng hanay ng mga kawani na marunong magtulungan, patuloy na matuto, at maglingkod nang buong puso.


โ™ฅ๏ธ

Ngayong Mental Health Awareness Month, may inihanda ang DSWD WiSupport para sabay nating mapangalagaan ang ating isip at...
01/10/2026

Ngayong Mental Health Awareness Month, may inihanda ang DSWD WiSupport para sabay nating mapangalagaan ang ating isip at katawan.

Tara, !

Maaaring tumakbo, mag-jog, o maglakad, mag-isa man o kasama ang pamilya at mga kaibigan. Ang mahalaga ay makapaglaan tayo ng oras para gumalaw, makapagpahinga, at alagaan ang ating well-being.

I-share ang inyong moment sa Facebook at i-tag ang opisyal na page ng DSWD WiSupport.

Para sa kumpletong mechanics, bisitahin ang mismong post ng DSWD WiSupport.



โ™ฅ๏ธ

๐€๐ฌ ๐ฐ๐ž ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ž ๐Œ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก, ๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐–๐ข๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ข๐ง๐ฏ๐ข๐ญ๐ž๐ฌ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ญ๐จ ๐ญ๐š๐ค๐ž ๐š ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฉ ๐ญ๐จ๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐œ๐š๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฆ...
01/10/2026

๐€๐ฌ ๐ฐ๐ž ๐œ๐ž๐ฅ๐ž๐›๐ซ๐š๐ญ๐ž ๐Œ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐‡๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐€๐ฐ๐š๐ซ๐ž๐ง๐ž๐ฌ๐ฌ ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก, ๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐–๐ข๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ข๐ง๐ฏ๐ข๐ญ๐ž๐ฌ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ญ๐จ ๐ญ๐š๐ค๐ž ๐š ๐ฌ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž ๐ฌ๐ญ๐ž๐ฉ ๐ญ๐จ๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐œ๐š๐ซ๐ข๐ง๐  ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐ฒ๐จ๐ฎ๐ซ ๐ฆ๐ข๐ง๐ ๐š๐ง๐ ๐›๐จ๐๐ฒ.

Walk, jog, or run 3KM, 5KM, or 10KMโ€”at your own pace and in your own way.
You can do it by yourself or with your friends. What matters is that you show up and make time to move. ๐Ÿ’™

๐Ÿ“ธ Capture your # WiMoveForWellness moment through a photo or a 5-second video. Post on Facebook and donโ€™t forget to tag the DSWD WiSupport FB page. Weโ€™ll be happy to feature your entries every week to highlight your efforts.

So, lace up, find your pace, and move for your mind. ๐Ÿƒโ€โ™€๏ธ๐Ÿšถโ€โ™‚๏ธ๐Ÿ’™
Tara, move tayo this October!

PABATID SA PUBLIKO ๐Ÿ“ขMananatiling ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐จ๐ง๐ฐ๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐’๐š๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ข๐ญ๐ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ, ๐Ÿ๐Ÿ– ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ...
27/09/2026

PABATID SA PUBLIKO ๐Ÿ“ข

Mananatiling ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐š๐ง๐  ๐ƒ๐’๐–๐ƒ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐จ๐ง๐ฐ๐ž๐š๐ฅ๐ญ๐ก ๐’๐š๐ญ๐ž๐ฅ๐ฅ๐ข๐ญ๐ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ž ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐Ÿ“:๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐Œ ๐ง๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง๐  ๐š๐ซ๐š๐ฐ, ๐Ÿ๐Ÿ– ๐’๐ž๐ญ๐ฒ๐ž๐ฆ๐›๐ซ๐ž ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, upang maipagpatuloy ang paghahatid ng kinakailangang serbisyo sa ating mga kliyente, sa kabila ng anunsyo ng suspensyon ng operasyon sa mga tanggapan ng pamahalaan simula 1:00 PM ngayong araw para sa โ€œ๐Š๐š๐ข๐ง๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐š ๐Œ๐š๐ก๐š๐ฅ๐š๐ ๐šโ€ Day.

Kinikilala ng DSWD Crisis Intervention Program (CIP) ang kahalagahan ng pagsasalo-salo ng pamilya sa hapagkainan at kung paano ito nakapagbibigay ng lakas, kapanatagan, at suporta sa mga pamilyang humaharap sa ibaโ€™t ibang pagsubok. Kasabay nito, patuloy nating binibigyang-halaga ang mga agarang pangangailangan ng ating mga kliyente na kinakailangang maiproseso ngayong araw.

Siguraduhing naka-like at naka-follow sa opisyal na page ng DSWD Crisis Intervention Program para manatiling updated sa iba pang mga abiso.

Maraming salamat po. โค๏ธ



โ™ฅ๏ธ

Bilang bahagi ng paggunita sa ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ง๐ข๐œ ๐Œ๐ฒ๐ž๐ฅ๐จ๐ข๐ ๐‹๐ž๐ฎ๐ค๐ž๐ฆ๐ข๐š (๐‚๐Œ๐‹) ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, nakibahagi ang Department of Social Welfare...
26/09/2026

Bilang bahagi ng paggunita sa ๐–๐จ๐ซ๐ฅ๐ ๐‚๐ก๐ซ๐จ๐ง๐ข๐œ ๐Œ๐ฒ๐ž๐ฅ๐จ๐ข๐ ๐‹๐ž๐ฎ๐ค๐ž๐ฆ๐ข๐š (๐‚๐Œ๐‹) ๐ƒ๐š๐ฒ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”, nakibahagi ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa pangunguna ni Crisis Intervention Program (CIP) Director Edwin S. Morata, sa pagtitipon na inorganisa ng Touched by Max, Inc. nitong Setyembre 22, 2026 sa Philippine Heart Center.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga indibidwal na na-diagnose ng CML, kanilang mga pamilya at mga caregiver na patuloy na humaharap sa ibaโ€™t ibang hamon na kaakibat ng naturang karamdaman, kabilang ang pangmatagalang gamutan at regular na checkup at monitoring. Ang World CML Day ay kumikilala sa kahalagahan ng access sa kinakailangang gamutan at patuloy na pangangalaga para sa mga taong may CML.

Sa pamamagitan ng pagtitipon, naibahagi ng DSWD ang ibaโ€™t ibang tulong na maaaring ma-avail mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program na maaaring makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan, kabilang ang medical assistance na kanilang pangunahing kinakailangan at paraan ng pag-access sa mga serbisyo.

Sa harap ng mabibigat na hamon ng karamdaman at gastusin sa pagpapagamot, patuloy na isinusulong ng DSWD ang mga serbisyong nagbibigay ng tulong, suporta, at pag-asa sa mga indibidwal at pamilyang dumaranas ng krisis.

Sa bawat laban, hindi kailangang mag-isa. Patuloy na makikiisa ang DSWD-CIP sa mga pasyente at kanilang mga pamilya sa kanilang paglalakbay tungo sa mas maayos na kalagayan at mas matatag na bukas.



โค๏ธ

25/09/2026

Ano ang nagbibigay ng lakas sa inyo?

Sa kabila ng mga pagsubok na kanilang pinagdaraanan, nananatiling matatag ang mga kliyente ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS). Para sa ilan, nagmumula ang kanilang lakas sa pananampalataya at sa kanilang pamilya na patuloy na nagbibigay sa kanila ng pag-asa at tapang sa panahon ng krisis.

Sa AICS, pinakikinggan natin ang bawat kuwento ng mga indibidwal at ang kanilang mga pinaghuhugutan ng lakas, kasabay ng paghahatid ng agarang suporta upang makatulong sa kanilang pagharap at pagbangon mula sa krisis.

Tara at pakinggan ang kanilang mga kuwento sa munting panayam kung saan bumunot sila ng numero na may katumbas na tanong na buong-puso nilang sinagot sa bagong episode ng ๐Š๐ฅ๐ข๐ฒ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ๐ค: ๐’๐š ๐Š๐ฎ๐ฐ๐ž๐ง๐ญ๐จ ๐ง๐  ๐Š๐ฅ๐ข๐ฒ๐ž๐ง๐ญ๐ž, ๐๐š๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ๐ค! ๐Ÿ’™



โ™ฅ๏ธ

Address

Quezon City
1126

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DSWD Crisis Intervention Program posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share