Joyce "JDC" Dela Cruz

  • Home
  • Joyce "JDC" Dela Cruz

Joyce "JDC" Dela Cruz Joyful service Direct to Community
(1)

💙 TULOY-TULOY ANG SERBISYONG MEDIKAL PARA SA ATING MGA KA-NAYON! 🩺Patuloy ang pagbibigay ng serbisyong medikal para sa k...
28/10/2026

💙 TULOY-TULOY ANG SERBISYONG MEDIKAL PARA SA ATING MGA KA-NAYON! 🩺

Patuloy ang pagbibigay ng serbisyong medikal para sa kalusugan at kapakanan ng ating mga Ka-Nayon, sa pakikipagtulungan nina Councilor Karl Castelo , Kap. Sonny Dela Cruz , at Kapitana Joyce Dela Cruz, kasama sina Ate Belen Malapitan Macasaya at Ana Balos na tumutulong sa pag-aasikaso sa ating mga kanayon.

Sama-sama nating isinusulong ang serbisyong pangkalusugan na mas malapit, mas maayos, sa bawat pamilya. Dahil para sa ating mga Ka-Nayon, ang kalusugan ay mahalaga at ang serbisyo ay dapat tuloy-tuloy! ❤️

Serbisyo De Calidad Joyce "JDC" Dela Cruz KAISA






PANGALAGAAN ANG KALUSUGAN, MAAGANG MAGPASURI! 💙💙Inaanyayahan po ang ating mga kababaihan na makiisa sa Breast and Cervic...
28/10/2026

PANGALAGAAN ANG KALUSUGAN, MAAGANG MAGPASURI! 💙💙

Inaanyayahan po ang ating mga kababaihan na makiisa sa Breast and Cervical Cancer Screening na gaganapin sa Oktubre 29, 2026 (Huwebes), mula 8:00 AM hanggang 3:00 PM sa Vargas Hall, Barangay Nagkaisang Nayon.

Sa pakikipagtulungan nina Cong PM Vargas, Coun. Alfred Vargas, PB Sonny Dela Cruz at ng Sangguniang Barangay, Kasama ang Philippine Cancer Society. layunin ng programang ito na mabigyan ang ating mga kababaihan ng pagkakataong makapagpasuri at maagapan ang posibleng panganib ng breast at cervical cancer.

💙 Bakit mahalaga ang maagang pagpapasuri?
✅ Para sa maagang pagtuklas ng sakit.
✅ Para sa maagap na paggamot kung kinakailangan.
✅ Para sa mas malusog at mas ligtas na kinabukasan ng bawat babae.

📌 Mga Paalala:
🎀 Breast Cancer Screening: Para sa kababaihang edad 40–74.
🎀 Cervical Cancer Screening: Para sa kababaihang edad 25–59.

Huwag po nating balewalain ang ating kalusugan. Ang maagang pagpapasuri ay isang mahalagang hakbang tungo sa pag-iwas at paglaban sa kanser. 💪💙

Serbisyo De Calidad Joyce "JDC" Dela Cruz KAISA









26/10/2026
💙 TULOY-TULOY ANG SERBISYO AT PAGMAMALASAKIT! 💗Patuloy ang ating pag-aasikaso at pag-alalay sa ating mga pasyente upang ...
23/10/2026

💙 TULOY-TULOY ANG SERBISYO AT PAGMAMALASAKIT! 💗

Patuloy ang ating pag-aasikaso at pag-alalay sa ating mga pasyente upang matiyak na sila ay nabibigyan ng maayos na serbisyo at suporta sa kanilang pangangailangang medikal. Kasama natin sina Ate Belen Malapitan Macasaya at Ate Ana Balos sa walang sawang pagtulong at paggabay sa ating mga kababayan.

Taos-puso ang ating pasasalamat kay Kap. Sonny Dela Cruz at Kapitana Joyce Dela Cruz sa kanilang patuloy na suporta at malasakit sa serbisyong medikal para sa ating mga Ka-Nayon. 🩷

Serbisyo De Calidad Joyce "JDC" Dela Cruz KAISA






23/10/2026

📢 PAALALA SA LAHAT NG MGA KA-NAYON! 💙

Para po sa lahat ng nagtatanong at nag-i-inquire tungkol sa ating LIBRENG MRI, CT SCAN, COLONOSCOPY, at ENDOSCOPY, nais po naming ipaalam na ang programang ito ay para lamang sa mga lehitimong residente ng Barangay Nagkaisang Nayon.

📌 Para naman po sa mga nais magpalista, mangyari lamang na personal na magtungo sa GAD OFFICE BARANGAY NAGKAISANG NAYON upang makapagpalista at malaman ang mga kinakailangang detalye.

Maraming Salamat 🙏

LIBRENG MRI, CT SCAN, COLONOSCOPY, AT ENDOSCOPY! Handog ni Councilor Karl Castelo, Kap. Sonny Dela Cruz at Kapitana Joyc...
22/10/2026

LIBRENG MRI, CT SCAN, COLONOSCOPY, AT ENDOSCOPY! Handog ni Councilor Karl Castelo, Kap. Sonny Dela Cruz at Kapitana Joyce Dela Cruz para sa kalusugan ng ating mga kabarangay! 💙🩷

Para sa mga nangangailangan ng mga sumusunod na medical check-up/test:
🔹 MRI
🔹 CT Scan
🔹 Colonoscopy
🔹 Endoscopy

👉 Paano mag-avail?
Magtungo lamang sa GAD Office para magpalista.

Serbisyo De Calidad Joyce "JDC" Dela Cruz KAISA






🇵🇭🇺🇸 Ipagdiwang ang ating kasaysayan, kultura, at galing! 🇵🇭🇺🇸Ngayong buwan, kaisa tayo sa pagdiriwang ng Filipino Ameri...
21/10/2026

🇵🇭🇺🇸 Ipagdiwang ang ating kasaysayan, kultura, at galing! 🇵🇭🇺🇸

Ngayong buwan, kaisa tayo sa pagdiriwang ng Filipino American History Month! 🌟

Isang pagpupugay sa lahat ng ating mga kababayang Fil-Am na patuloy na nagbibigay-dangal sa ating kultura, nag-aambag sa lipunan, at nagpapakita ng natatanging galing ng Pilipino sa buong mundo! Mula sa ating tradisyon, sining, hanggang sa pagsusumikap sa pang-araw-araw na buhay — nakatatak ang ating pamana saanman tayo makarating. ✨

Maging saan man sa mundo, taas-noo natin ipagmalaki: Proud to be Filipino! 💙❤️💛

Serbisyo De Calidad Joyce "JDC" Dela Cruz KAISA






🌿 Sama-sama sa pagbuo ng mas ligtas at malusog na kinabukasan! 🌿Ngayong National Substance Abuse Prevention Month, pinag...
21/10/2026

🌿 Sama-sama sa pagbuo ng mas ligtas at malusog na kinabukasan! 🌿

Ngayong National Substance Abuse Prevention Month, pinagpapatuloy natin ang pagpapalaganap ng kaalaman, pagsuporta, at paggabay sa ating pamilya at komunidad. 💚🌱

Ang pag-iwas sa maling paggamit ng nakalalason o nakalululong na substansya ay nagsisimula sa open communication, pag-unawa, at pagpapakita ng malasakit sa isa't isa. Walang sinuman ang nag-iisa sa laban na ito — may pag-asa, tulong, at pagbabago na naghihintay. ✨

Makiisa sa pagtataguyod ng isang masigla, maayos, at ligtas na pamayanan para sa bawat isa! 🤝

Serbisyo De Calidad Joyce "JDC" Dela Cruz KAISA






Address

Novaliches

1125

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Joyce "JDC" Dela Cruz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed government service?

Share