Bokal Jackelyn D. Delimos

Contact the organization

Bokal Jackelyn D. Delimos Para sa progresibo at transpormatibong Sangguniang Kabataan

Today, we honor and celebrate our dedicated teachers who tirelessly shape minds, inspire dreams, nurture character, and ...
05/10/2026

Today, we honor and celebrate our dedicated teachers who tirelessly shape minds, inspire dreams, nurture character, and help build a brighter future for our children and our communities.

Teaching is more than a profession—it is a noble calling and a lasting commitment to empower the next generation. Behind every successful learner is a teacher who believed, guided, encouraged, and never gave up.

To all our teachers, thank you for your patience, passion, sacrifices, and unwavering dedication. Your lessons extend far beyond the classroom, and your impact will continue to live on in the lives of the students you inspire.

Saludo po kami sa inyong lahat!

Happy World Teachers’ Day!
Thank you for inspiring us to learn, dream, and become better every day. 🌟

Taos-puso po naming ipinapaabot ang aming mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa Ina ng Lalawigan ng Quezon, Govern...
01/10/2026

Taos-puso po naming ipinapaabot ang aming mainit na pagbati ng Maligayang Kaarawan sa Ina ng Lalawigan ng Quezon, Governor Doktora Helen Tan!

Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at mahabang buhay upang patuloy ninyong mapaglingkuran at magabayan ang ating mga kababayan, lalo na ang mga kabataan ng Lalawigan ng Quezon.

Maraming salamat po sa inyong malasakit, suporta, at dedikasyon sa pagsusulong ng kapakanan at kinabukasan ng ating mga kabataan. 🧡

Mula sa Sangguniang Kabataan Provincial Federation of Quezon, hangad namin ang isang makabuluhan, masaya, at puno ng biyayang kaarawan!
Maligayang Kaarawan po, Governor Doktora Helen Tan! 🎂🎉
Mabuhay po kayo! 🧡



Isinagawa natin ang 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝑷𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑭𝒆𝒅𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑴𝒆𝒆𝒕𝒊𝒏𝒈 para sa buwan ng Setyembre, bilang bahagi ng patu...
21/09/2026

Isinagawa natin ang 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝑷𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑭𝒆𝒅𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝑴𝒆𝒆𝒕𝒊𝒏𝒈 para sa buwan ng Setyembre, bilang bahagi ng patuloy na koordinasyon at paghahanda para sa mga programang naglalayong palakasin ang partisipasyon, kakayahan, at responsibilidad ng kabataan sa Lalawigan ng Quezon.

Sa nasabing pagpupulong, tinalakay at pinag-usapan ang mga sumusunod na mahahalagang agenda:

🌊 1. 𝐂𝐨𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐂𝐨𝐚𝐬𝐭𝐚𝐥 𝐂𝐥𝐞𝐚𝐧𝐮𝐩
Binigyang-diin ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalinisan ng ating mga baybayin, bilang bahagi ng sama-samang pagkilos para sa isang malinis, ligtas, at mas sustenableng Quezon.

🎬 2. 𝐒𝐦𝐚𝐫𝐭 𝐂𝐥𝐢𝐜𝐤𝐬, 𝐂𝐫𝐞𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐅𝐥𝐢𝐜𝐤𝐬 𝟐𝟎𝟐𝟔
Tinalakay ang paghahanda para sa Youth Digital Literacy Training & Short Film Making Contest, na nakatakdang ganapin sa October 30, 2026. Layunin ng programang ito na mapaunlad ang digital literacy, creativity, storytelling skills, at responsableng paggamit ng teknolohiya ng kabataan.

Bilang SK Provincial Federation President, patuloy nating isusulong ang mga programang nagbibigay ng makabuluhang oportunidad sa ating kabataan—hindi lamang upang sila ay maging aktibong kalahok sa mga gawain ng pamahalaan, kundi upang maging katuwang sa pagbuo ng mas makabuluhan, makabago, at responsableng pamayanan.

Kabataan ng Quezon, patuloy tayong kumilos, lumikha, at manguna para sa isang mas magandang kinabukasan!

Taos-puso ang aking pagbati at pasasalamat sa 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐜𝐛𝐚𝐧, sa pangunguna ng masip...
14/09/2026

Taos-puso ang aking pagbati at pasasalamat sa 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐅𝐞𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐋𝐮𝐜𝐛𝐚𝐧, sa pangunguna ng masipag, dedikado, at iginagalang na 𝑷𝑷𝑺𝑲 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕 𝑯𝒐𝒏. 𝑹𝒐𝒎𝒔𝒄𝒆𝒍𝒍 𝑺𝒖𝒂𝒓𝒆𝒛, para sa matagumpay na pagdaraos ng 𝗟𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗔𝗱𝗱𝗿𝗲𝘀𝘀 (𝗦𝗢𝗬𝗔).

Ang mga gawaing ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamunuan ng SK Federation na mabigyan ng makabuluhang espasyo ang mga kabataan upang maipahayag ang kanilang mga saloobin, kakayahan, adhikain, at mga pananaw para sa kinabukasan ng kanilang bayan.

Bilang 𝐒𝐊 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐅𝐞𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐄𝐱-𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐨 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫 𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐧𝐥𝐚𝐥𝐚𝐰𝐢𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧, ikinararangal kong makita ang mga kabataang Lucbanin na aktibong nakikilahok at ang mga lider-kabataan na buong puso at pananagutan ang kanilang ginagampanang tungkulin.

Muli, maraming salamat at taos-pusong pagbati, PPSK President Hon. Romschell Suarez, sa buong Sangguniang Kabataan Federation ng Lucban, at sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang inyong mga programa upang higit pang mapalakas ang kabataan bilang katuwang sa pamamahala, pag-unlad, at pagbabago ng ating mga pamayanan.

Patuloy nating isulong ang isang kabataang aktibo, responsable, at may malasakit sa kapwa at sa bayan.

𝐾𝑎𝑏𝑎𝑡𝑎𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑡𝑢𝑤𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔ℎ𝑢𝑏𝑜𝑔 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑠 𝑚𝑎𝑢𝑛𝑙𝑎𝑑 𝑛𝑎 𝑘𝑖𝑛𝑎𝑏𝑢𝑘𝑎𝑠𝑎𝑛 𝑛𝑔 𝑄𝑢𝑒𝑧𝑜𝑛!




12/09/2026
Isinagawa ang isang Committee Meeting on Youth and Sports Development upang talakayin at pag-aralan ang isinusulong na o...
09/09/2026

Isinagawa ang isang Committee Meeting on Youth and Sports Development upang talakayin at pag-aralan ang isinusulong na ordinansa para sa kapakanan, suporta, at pagpapaunlad ng ating mga Atletang Quezonian.

Katuwang natin sa pagsusulong ng mahalagang panukalang ito sina Bokal ng Ikatlong Distrito, Hon. John Joseph “JJ” Aquivido, at Hon. Meg Uy Esguerra, kasama ang Quezon Provincial Legal Office (QPLO), upang matiyak na ang panukalang ordinansa ay naaayon sa umiiral na mga batas, polisiya, at legal na pamantayan.

Layunin ng ordinansang ito na maglatag ng mas malinaw at konkretong suporta para sa ating mga Atletang Quezonian, kabilang ang kanilang pagsasanay, pakikilahok sa mga kompetisyon, kagamitan, at iba pang kinakailangang programa at benepisyo.

Bilang kinatawan ng kabataan sa Sangguniang Panlalawigan, patuloy nating isusulong ang mga polisiya at programang magbibigay ng mas malawak na oportunidad, proteksyon, at suporta sa ating mga kabataang atleta.

Sapagkat ang bawat tagumpay ng Atletang Quezonian ay karangalan ng buong Lalawigan ng Quezon. 🏅






Isinagawa ngayong araw ang 61𝒔𝒕 𝑹𝒆𝒈𝒖𝒍𝒂𝒓 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒏𝒈 20𝒕𝒉 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒍𝒂𝒍𝒂𝒘𝒊𝒈𝒂𝒏 𝒐𝒇 𝑸𝒖𝒆𝒛𝒐𝒏, kung saan muling binigyang-d...
07/09/2026

Isinagawa ngayong araw ang 61𝒔𝒕 𝑹𝒆𝒈𝒖𝒍𝒂𝒓 𝑺𝒆𝒔𝒔𝒊𝒐𝒏 𝒏𝒈 20𝒕𝒉 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑷𝒂𝒏𝒍𝒂𝒍𝒂𝒘𝒊𝒈𝒂𝒏 𝒐𝒇 𝑸𝒖𝒆𝒛𝒐𝒏, kung saan muling binigyang-diin ang patuloy na pagsusulong ng mga programa, polisiya, at hakbangin para sa kapakanan at pag-unlad ng ating lalawigan.

Sa nasabing sesyon, nagkaroon ang inyong lingkod, 𝐇𝐨𝐧. 𝐉𝐚𝐜𝐤𝐞𝐥𝐲𝐧 𝐃. 𝐃𝐞𝐥𝐢𝐦𝐨𝐬, 𝐒𝐊 𝐏𝐫𝐨𝐯𝐢𝐧𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐅𝐞𝐝𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭 𝐚𝐭 𝐄𝐱-𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐢𝐨 𝐁𝐨𝐚𝐫𝐝 𝐌𝐞𝐦𝐛𝐞𝐫, ng pagkakataong magbigay ng isang Privilege Speech kaugnay ng panukalang resolusyon na pinamagatang:

“𝐀 𝐑𝐄𝐒𝐎𝐋𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐄𝐍𝐂𝐎𝐔𝐑𝐀𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐋𝐋 𝐏𝐀𝐌𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐍𝐋𝐔𝐍𝐆𝐒𝐎𝐃 𝐍𝐀 𝐏𝐄𝐃𝐄𝐑𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐕𝐈𝐍𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍 𝐓𝐎 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑𝐋𝐘 𝐂𝐎𝐍𝐃𝐔𝐂𝐓 𝐂𝐎𝐀𝐒𝐓𝐀𝐋 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍𝐔𝐏 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄𝐒 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐄𝐂𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒 𝐈𝐍 𝐎𝐁𝐒𝐄𝐑𝐕𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐈𝐍𝐓𝐄𝐑𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐂𝐎𝐀𝐒𝐓𝐀𝐋 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍𝐔𝐏 𝐀𝐍𝐃 𝐓𝐎 𝐔𝐍𝐃𝐄𝐑𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐒𝐔𝐂𝐇 𝐎𝐓𝐇𝐄𝐑 𝐄𝐍𝐕𝐈𝐑𝐎𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓𝐀𝐋 𝐏𝐑𝐎𝐓𝐄𝐂𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒 𝐀𝐒 𝐌𝐀𝐘 𝐁𝐄 𝐀𝐏𝐏𝐑𝐎𝐏𝐑𝐈𝐀𝐓𝐄 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄𝐈𝐑 𝐑𝐄𝐒𝐏𝐄𝐂𝐓𝐈𝐕𝐄 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒.”

Sa aking pahayag, binigyang-diin ko ang mahalagang papel ng kabataan hindi lamang bilang mga benepisyaryo ng mga programa ng pamahalaan, kundi bilang aktibong katuwang at tagapagtaguyod ng pangangalaga sa ating kalikasan.

“𝑨𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝑷𝒓𝒆𝒔𝒊𝒅𝒆𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝑷𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒊𝒂𝒍 𝑭𝒆𝒅𝒆𝒓𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒐𝒇 𝑸𝒖𝒆𝒛𝒐𝒏, 𝑰 𝒃𝒆𝒍𝒊𝒆𝒗𝒆 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒘𝒆 𝒎𝒖𝒔𝒕 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒊𝒏𝒖𝒆 𝒕𝒐 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒅𝒆 𝒐𝒖𝒓 𝒚𝒐𝒖𝒏𝒈 𝒑𝒆𝒐𝒑𝒍𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒎𝒆𝒂𝒏𝒊𝒏𝒈𝒇𝒖𝒍 𝒐𝒑𝒑𝒐𝒓𝒕𝒖𝒏𝒊𝒕𝒊𝒆𝒔 𝒕𝒐 𝒑𝒂𝒓𝒕𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒕𝒆 𝒊𝒏 𝒂𝒅𝒅𝒓𝒆𝒔𝒔𝒊𝒏𝒈 𝒊𝒔𝒔𝒖𝒆𝒔 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒂𝒇𝒇𝒆𝒄𝒕 𝒐𝒖𝒓 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒏𝒄𝒆. 𝑩𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝒆𝒏𝒗𝒊𝒓𝒐𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝒑𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒔 𝒏𝒐𝒕 𝒎𝒆𝒓𝒆𝒍𝒚 𝒂𝒏 𝒂𝒅𝒗𝒐𝒄𝒂𝒄𝒚 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒚𝒐𝒖𝒕𝒉. 𝑰𝒕 𝒊𝒔 𝒑𝒂𝒓𝒕 𝒐𝒇 𝒐𝒖𝒓 𝒎𝒂𝒏𝒅𝒂𝒕𝒆.

𝑼𝒏𝒅𝒆𝒓 𝑹𝒆𝒑𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄 𝑨𝒄𝒕 𝑵𝒐. 10742, 𝒐𝒓 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒂𝒏𝒈𝒈𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝑹𝒆𝒇𝒐𝒓𝒎 𝑨𝒄𝒕 𝒐𝒇 2015, 𝒂𝒔 𝒂𝒎𝒆𝒏𝒅𝒆𝒅 𝒃𝒚 𝑹𝒆𝒑𝒖𝒃𝒍𝒊𝒄 𝑨𝒄𝒕 𝑵𝒐. 11768, 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒕𝒂𝒕𝒆 𝒓𝒆𝒄𝒐𝒈𝒏𝒊𝒛𝒆𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒗𝒊𝒕𝒂𝒍 𝒓𝒐𝒍𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒚𝒐𝒖𝒕𝒉 𝒊𝒏 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏-𝒃𝒖𝒊𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒂𝒏𝒅 𝒑𝒓𝒐𝒎𝒐𝒕𝒆𝒔 𝒕𝒉𝒆𝒊𝒓 𝒎𝒆𝒂𝒏𝒊𝒏𝒈𝒇𝒖𝒍 𝒑𝒂𝒓𝒕𝒊𝒄𝒊𝒑𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒊𝒏 𝒈𝒐𝒗𝒆𝒓𝒏𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒄𝒊𝒗𝒊𝒄 𝒂𝒇𝒇𝒂𝒊𝒓𝒔.

𝑭𝒖𝒓𝒕𝒉𝒆𝒓, 𝒖𝒏𝒅𝒆𝒓 𝒕𝒉𝒆 2023 𝑹𝒆𝒗𝒊𝒔𝒆𝒅 𝑰𝒎𝒑𝒍𝒆𝒎𝒆𝒏𝒕𝒊𝒏𝒈 𝑹𝒖𝒍𝒆𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝑹𝒆𝒈𝒖𝒍𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏𝒔 𝒐𝒇 𝑹𝑨 10742, 𝒂𝒔 𝒂𝒎𝒆𝒏𝒅𝒆𝒅, 𝒆𝒏𝒗𝒊𝒓𝒐𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕, 𝒄𝒍𝒊𝒎𝒂𝒕𝒆 𝒄𝒉𝒂𝒏𝒈𝒆 𝒂𝒅𝒂𝒑𝒕𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏, 𝒅𝒊𝒔𝒂𝒔𝒕𝒆𝒓 𝒓𝒊𝒔𝒌 𝒓𝒆𝒅𝒖𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒏𝒅 𝒓𝒆𝒔𝒊𝒍𝒊𝒆𝒏𝒄𝒚 𝒂𝒓𝒆 𝒂𝒎𝒐𝒏𝒈 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒓𝒊𝒐𝒓𝒊𝒕𝒚 𝒂𝒓𝒆𝒂𝒔 𝒐𝒇 𝒚𝒐𝒖𝒕𝒉 𝒅𝒆𝒗𝒆𝒍𝒐𝒑𝒎𝒆𝒏𝒕. 𝑻𝒉𝒆 𝑹𝒆𝒗𝒊𝒔𝒆𝒅 𝑰𝑹𝑹 𝒍𝒊𝒌𝒆𝒘𝒊𝒔𝒆 𝒑𝒓𝒐𝒗𝒊𝒅𝒆𝒔 𝒇𝒐𝒓 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒂𝒎𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒑𝒓𝒐𝒋𝒆𝒄𝒕𝒔 𝒕𝒉𝒂𝒕 𝒑𝒍𝒂𝒄𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝒚𝒐𝒖𝒕𝒉 𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒐𝒓𝒆𝒇𝒓𝒐𝒏𝒕 𝒐𝒇 𝒄𝒍𝒊𝒎𝒂𝒕𝒆 𝒂𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏, 𝒆𝒏𝒗𝒊𝒓𝒐𝒏𝒎𝒆𝒏𝒕𝒂𝒍 𝒑𝒓𝒐𝒕𝒆𝒄𝒕𝒊𝒐𝒏, 𝒂𝒏𝒅 𝒄𝒐𝒏𝒔𝒆𝒓𝒗𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒆𝒇𝒇𝒐𝒓𝒕𝒔.”

Ang panukalang resolusyong ito ay naglalayong hikayatin ang lahat ng Pambayan at Panlungsod na Pederasyon ng mga Sangguniang Kabataan sa Lalawigan ng Quezon na regular na magsagawa ng Coastal Cleanup Drives sa kani-kanilang mga lokalidad bilang pakikiisa sa International Coastal Cleanup, gayundin ang pagsasagawa ng iba pang angkop na gawaing naglalayong protektahan at pangalagaan ang ating kapaligiran.

Bilang isang lalawigang napapaligiran ng likas na yamang tubig at mayaman sa mga baybayin, ilog, at iba pang yamang pangkalikasan, mahalagang maging bahagi ang kabataan sa pagpapanatili ng kalinisan at pangangalaga sa ating kapaligiran.

Naniniwala ako na ang kabataan ay hindi lamang pag-asa ng bayan—tayo rin ay katuwang sa pagkilos para sa bayan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga SK Federation sa buong Quezon, maipapakita natin na ang youth leadership ay hindi lamang nasusukat sa mga programang ating isinasagawa, kundi maging sa ating malasakit sa kalikasan at sa kinabukasang ating ipamamana sa susunod na henerasyon.

Patuloy nating gamitin ang boses ng kabataan upang manguna, kumilos, at maging bahagi ng solusyon.

Para sa Kabataan. Para sa Kalikasan. Para sa Quezon. 🌱🌊






Ngayong araw ay nagkaroon tayo ng isang produktibong pagpupulong kasama ang Provincial Youth Development Office (PYDO) s...
04/09/2026

Ngayong araw ay nagkaroon tayo ng isang produktibong pagpupulong kasama ang Provincial Youth Development Office (PYDO) sa pangunguna ni Ms. Jennie O. Garcia, upang talakayin ang mga mahahalagang programa at inisyatiba para sa kabataan ng Lalawigan ng Quezon.

Kabilang sa mga tinalakay ang Smart Clicks, Creative Flicks 2026, Youth Digital Literacy Training, at Short Film Making Contest—mga programang naglalayong palawakin ang kaalaman, pagkamalikhain, digital skills, at aktibong partisipasyon ng ating mga kabataan.

Bilang mga youth leaders, mahalagang patuloy nating suportahan ang mga programang nagbibigay ng makabuluhang oportunidad sa kabataan upang maipakita ang kanilang talento, ideya, at kakayahan sa makabagong panahon.

Para sa kabataang Quezonian—mas digitally literate, mas creative, at mas empowered! 🇵🇭💙

MATAGUMPAY NA PAGDIRIWANG NG QUEZON LINGGO NG KABATAAN 2026 💙✨Matagumpay na naisagawa ang Quezon Linggo ng Kabataan 2026...
02/09/2026

MATAGUMPAY NA PAGDIRIWANG NG QUEZON LINGGO NG KABATAAN 2026 💙✨

Matagumpay na naisagawa ang Quezon Linggo ng Kabataan 2026 noong Agosto 23–26, 2026, isang makabuluhang pagdiriwang na nagbigay-diin sa kakayahan, talento, pamumuno, at aktibong partisipasyon ng kabataan sa lalawigan ng Quezon.

Naging makulay at makabuluhan ang apat na araw na pagdiriwang sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at aktibidad, kabilang ang:

🔹 Election of New Junior Youth Officials 2026 – isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng pagkakataon sa kabataan na maranasan at matutunan ang responsibilidad ng pamumuno at paglilingkod-bayan.

🔹 Search for Most Outstanding PPSK President and Local Youth Development Officer of Quezon Province 2026 – pagkilala sa mga natatanging youth leaders at youth development practitioners na nagpakita ng mahusay na pamumuno, dedikasyon, at makabuluhang serbisyo para sa kabataan.

🔹 QUEZON PASIKLABAN 2026 – isang makulay na pagtatanghal ng talento at pagkamalikhain ng kabataang Quezonian, na tampok ang:
• Spoken Word Poetry
• Youth with Disabilities Got Talent
• Singing Contest – Solo Category
• Dance Battle
Battle of the Band

Ang mga aktibidad na ito ay hindi lamang nagsilbing entablado para sa talento ng kabataan, kundi naging daan din upang maitaguyod ang inclusivity, confidence, creativity, leadership, at pagkakaisa ng mga kabataang Quezonian.

Bilang Sangguniang Kabataan Provincial Federation President at Ex-Officio Board Member, lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng kabataan, SK Officials, Local Youth Development Officers, mga katuwang na tanggapan, judges, performers, participants, organizers, volunteers, at lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang na ito.

Ang tagumpay ng Quezon Linggo ng Kabataan 2026 ay patunay na ang kabataan ay hindi lamang mga benepisyaryo ng mga programa ng pamahalaan—sila ay aktibong katuwang, lider, at tagapagtaguyod ng positibong pagbabago sa ating komunidad.

Patuloy nating bigyang-lakas, boses, at pagkakataon ang bawat kabataang Quezonian. Sama-sama nating itaguyod ang isang henerasyong may malasakit, kakayahan, at tapang na manguna tungo sa mas maunlad na Lalawigan ng Quezon.

Mabuhay ang Kabataang Quezonian! 💙
Mabuhay ang Quezon Linggo ng Kabataan 2026!








Ika-59th Regular na Sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng QuezonIsinagawa ngayong araw ang Ika-59th Regular na Sesyon ng...
24/08/2026

Ika-59th Regular na Sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon

Isinagawa ngayong araw ang Ika-59th Regular na Sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon, bilang bahagi ng patuloy na pagtupad sa tungkulin ng Sanggunian sa pagsusulong ng kapakanan, kaunlaran, at interes ng bawat Quezonian.

Sa nasabing sesyon, binigyang-daan din natin ang pormal na panunumpa sa tungkulin ng mga bagong Quezon Junior Youth Officials 2026—isang mahalagang hakbang sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na maranasan, matutuhan, at maunawaan ang mga proseso at responsibilidad sa pamamahala.

Nawa’y magsilbing inspirasyon at paghahanda ang kanilang karanasan upang sila ay maging responsable, aktibo, at makabuluhang kabataang lider na handang maglingkod sa kanilang kapwa at komunidad.

Bilang inyong SK Provincial Federation President at Ex-Officio Board Member, patuloy akong magiging katuwang sa pagbibigay ng espasyo, oportunidad, at boses sa mga kabataan ng ating lalawigan.

Ang kabataan ay hindi lamang mga lider ng bukas—sila ay katuwang sa paghubog ng Quezon ngayon. 💙💚







Address

San Francisco
Quezon Province
4315

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bokal Jackelyn D. Delimos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bokal Jackelyn D. Delimos:

Shortcuts

Share

Category