24/10/2026
𝟯𝟭 𝗗𝗔𝗬𝗦 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗: 𝗞𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗔, 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗨𝗕𝗔𝗡! 🧡💙
Natapos na ang 31 araw ng paggawa, at natanggap na ng ating 1,000 benepisyaryo ang buo nilang sahod mula sa Department of Labor and Employment (DOLE)! Isang makabuluhang pagtatapos sa programang nagbigay hindi lamang ng pansamantalang hanapbuhay, kundi pagkakataon ding makapaglingkod at makapag-ambag sa ating bayan.
Bilang paghahanda sa bagong mukha ng TUPAD sa ilalim ng pitong (𝟳) 𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗙𝗹𝗮𝗴𝘀𝗵𝗶𝗽 𝗜𝗻𝗻𝗼𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗻𝗶 𝗣𝗮𝗻𝗴𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀 𝗝𝗿., patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Mauban ang mas makabuluhang pagpapatupad ng programa, kung saan ang trabaho ay nagiging daan din sa serbisyong pangkomunidad.
Sa tulong ng ₱18,600,000 na pondo mula sa DOLE, matagumpay na naisakatuparan ang 31-Day TUPAD Program ng Bayan ng Mauban, na nagtapos sa payout noong Oktubre 19, 2026, sa Mauban Gymnasium.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Ninong Erwin Pastrana, katuwang ang Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Alween Sardea at ni Konsehal Nathan Calucin, Committee Chair on Labor and Employment, at sa pangunguna ng PESO Mauban sa pamumuno ni Ms. Maricon Kaye Pastrana Arenas, PESO Manager, isinulong ang isang mas makabuluhang pamamaraan ng pagpapatupad ng TUPAD upang pagsabayin ang kabuhayan at serbisyo para sa komunidad.
Sa pamamagitan ng Interdepartmental Convergence Program, pinagbuklod ang mga tanggapan ng Public Employment Service Office (PESO), Municipal Health Office (MHO), Municipal Engineering Office (MEO), at Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) upang maging bahagi ang ating mga TUPAD beneficiaries sa mga programang may direktang pakinabang sa bayan, tulad ng Oplan Kontra Dengue 2026 at Sagip Sapa Program, gayundin ang iba pang gawaing pangkalinisan at pangangalaga sa kapaligiran.
Kinikilala rin ng PESO Mauban ang mahalagang suporta at paggabay ng DOLE Secretary Francis “Tol” Tolentino, DOLE CALABARZON Regional Director Atty. Nepomuceno Leaño, at DOLE Quezon Provincial Director Cristina Barayang sa pagsusulong ng mga programang nagbubukas ng oportunidad sa trabaho at kabuhayan para sa ating mga kababayan.
Sa bawat araw ng paggawa, may pamilyang natulungan. Sa bawat gawaing naisakatuparan, may komunidad na napaglingkuran.
Dahil sa Mauban, ang tunay na tagumpay ng TUPAD ay hindi lamang sa sahod na natanggap, kundi sa serbisyong naiambag at kabutihang naiwan para sa ating bayan.
31 DAYS TUPAD.
Trabaho para sa Kababayan. Serbisyo para sa Mauban.