22/09/2026
Isang mahalagang pagpupulong ang isinagawa ng Tiaong Municipal Tourism Council kahapon, Setyembre 21, 2026, sa Conference Room ng Tiaong Multipurpose Hall.
Personal na dumalo sa pagpupulong si Mayor Vincent RJ Mea, kasama sina Konsehala Maja Escueta at Konsehal Rex Bautista, Mayora Mabet Mea, mga department heads at kawani ng pamahalaan na miyembro ng council, Tourism Officer Renz Landicho, at ang President ng Tiaong Municipal Tourism Council na si Mr. Augusto “Ugu” Bigyan.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pag-apruba ng Annual Investment Plan (AIP) at Annual Budget para sa taong 2027, gayundin ang mga natatanging programa, proyekto, at aktibidad na isasagawa sa huling quarter ng 2026.
Naglahad din si Mayor RJ ng mga programa at plano para sa patuloy na pagpapaunlad at pagpapalakas ng turismo sa Tiaong, kasabay ng layuning makalikha ng mas maraming oportunidad at kabuhayan para sa ating mga kababayan.