08/08/2026
SITUATION UPDATE βοΈ
Patuloy na mino-monitor ng Binangonan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang sitwasyon sa buong bayan dahil sa patuloy na epekto ng Southwest Monsoon (Habagat).
As of 9:44 PM, August 8, nasa Blue Alert Level ang Binangonan, habang nakataas naman ang Orange Rainfall Warning.
π΅ ANO ANG BLUE ALERT?
May banta o posibilidad ng panganib na nangangailangan ng mas mahigpit na pagbabantay at kahandaan. Sa antas na ito, patuloy na mino-monitor ang sitwasyon at inaabisuhan ang mga response team na maging handa para sa posibleng pagtaas ng alert level.
π ANO ANG ORANGE RAINFALL WARNING?
Malakas ang pag-ulan at may mataas na posibilidad ng pagbaha, lalo na sa mga flood-prone at mabababang lugar.
π¨ MGA NAIULAT NA INSIDENTE:
β’ Flash flood sa Brgy. Calumpang, partikular sa harap ng Ellaville Resort at CafΓ© De Tour.
β’ Fire incident sa Sta. Ursula St., Brgy. Libis. Agad na rumesponde ang BFP at MDRRMO. Dalawang fire truck mula sa BFP at isang fire truck mula sa MDRRMO ang ipinadala sa lugar. Naideklara ng BFP na fire out na ang insidente bandang 7:20 PM.
β’ Sa Lirio Compound, Sitio Sto. NiΓ±o, Brgy. Bilibiran, tinatayang 15β20 pamilya ang naiulat na naapektuhan at kinailangang ilikas. Nakaantabay ang PNP, BFP, at MDRRMO upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
β’ Sa Brgy. Kalawaan, may mga evacuee na pansamantalang nananatili sa San Juan Chapel.
β’ May isang pamilya mula sa Brgy. Pag-Asa na kasalukuyang nananatili sa evacuation center.
β’ Sa Brgy. Layunan, tinatayang 60 pamilya ang naapektuhan ng flash flood sa Lazi Creek. Nasa Yellow Flood Warning level ang Lazi Creek, at nagsagawa ng assessment ang BDRRMC Layunan sa mga residenteng nakatira malapit sa creek sa Sitio Looban, J. Luna St.
Patuloy na nakaantabay 24/7 ang Emergency Operations Center (EOC) at MDRRMO personnel. Mino-monitor din ang mga land-based at water-based rescue vehicles, habang nakaantabay ang mga volunteers at force multipliers para sa anumang pangangailangan.
Pinapaalalahanan ang lahat na manatiling alerto at iwasang bumiyahe o lumapit sa mga lugar na binabaha o itinuturing na delikado. Kung inabisuhan ng mga awtoridad na lumikas, kumilos agad at sundin ang evacuation instructions. Huwag nang hintaying lumala ang sitwasyon bago umalis.
π EMERGENCY HOTLINES:
MDRRMO β Rescue Service
π² 0965 623 8674
Health Service
π² 0950 717 1241
Binangonan Police Station
π² 0963 473 3347
Bureau of Fire Protection (Fire Emergency)
π 8652-5796 / 0966 957 7505 / 0924 571 9504
Philippine Coast Guard
π 0953 809 1351 (Talim West) / 0950 550 9418 / (02) 8813 6889
Barangay Hotlines
π https://www.facebook.com/share/p/1ExiVzQSUr/
MDRRMO Binangonan Official Page
π https://www.facebook.com/share/1J8KmdEYoy/
π Source: MDRRMO Binangonan
π Situation Update as of 9:44 PM | August 8, 2026
π