Barangay San Guillermo Official

Barangay San Guillermo Official Barangay San Guillermo, Morong, Rizal

07/10/2026

📢 PHILSYS NATIONAL ID REGISTRATION & VERIFICATION

Meron po ulit tayong PhilSys National ID Registration at Verification ngayong Sabado, October 10, 2026, sa Barangay Health Center.

🕗 8:00 AM – 2:00 PM

Kung hindi pa nakakapagparehistro o kailangang magpa-verify ng National ID, samantalahin na po ang pagkakataon!

📍 Barangay Health Center
Kitakits po, mga ka-Barangay! ❤️

🏐🔥 DAY 1 & DAY 2 | FAMILY DAY ng SGCDC! 🔥🏐3-0 NA! Grabe ang Hataw ng ating mga mommy na player.! 💪😎Game na game ang atin...
07/10/2026

🏐🔥 DAY 1 & DAY 2 | FAMILY DAY ng SGCDC! 🔥🏐

3-0 NA! Grabe ang Hataw ng ating mga mommy na player.! 💪😎
Game na game ang ating mga nanay sa volleyball, kasama ang ating mga chikiting, sa pangunguna ni Ma’am Rosalie Ramos! ❤️🏐

Salamat sa lahat ng mommies na sumabak, nakipagsabayan, at nakisaya! 🥳👏

Hataw, saya, at mommy power! 💥🏐💪

06/10/2026

📢PAGLILINAW PO SA ATING MGA KA-BARANGAY

Para lamang po sa tamang impormasyon: ang aming naunang post tungkol sa road repair project ay ginawa bilang paalala sa mga motorista at kabarangay na daraan sa nasabing lugar.

Nais lang po naming linawin na ang naturang proyekto ay hindi proyekto ng Barangay San Guillermo, kundi sakop ng Barangay San Jose.

Kung mayroon po kayong katanungan o nais na paglilinaw tungkol sa nasabing proyekto, maaari po kayong direktang makipag-ugnayan sa Barangay San Jose.

Ang layunin po ng post na ito ay magbigay ng tamang impormasyon at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan. Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. 🙏

📢 PAALALA, MGA KA-BARANGAY!🚧 CLOSED ROAD po ang daan papuntang Balante dahil kasalukuyang inaayos ang kalsada.Pakiusap p...
05/10/2026

📢 PAALALA, MGA KA-BARANGAY!

🚧 CLOSED ROAD po ang daan papuntang Balante dahil kasalukuyang inaayos ang kalsada.

Pakiusap po na iwasan muna ang lugar at gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang abala.

🙏 Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa!

🧹 WEEKLY CLEAN-UP DRIVEIsinagawa ngayong araw ang ating Weekly Clean-Up Drive sa pangunguna nina Kagawad Pedro Ganancios...
03/10/2026

🧹 WEEKLY CLEAN-UP DRIVE

Isinagawa ngayong araw ang ating Weekly Clean-Up Drive sa pangunguna nina Kagawad Pedro Ganancios Danday Jr. at Kagawad Liza Noquilla Calderon kasama ang ating mga masisipag na BHW at CSO volunteers.

Sama-sama para sa malinis, maayos at ligtas na Barangay! 💚

Tulong-tulong, walang iwanan! 💪

📢 HABOL NA, KA-BARANGAY! 🇵🇭NATIONAL ID REGISTRATION & VERIFICATION📅 Ngayong Araw | Oct. 3⏰ Hanggang 2:00 PM lamang!📍Bara...
03/10/2026

📢 HABOL NA, KA-BARANGAY! 🇵🇭

NATIONAL ID REGISTRATION & VERIFICATION
📅 Ngayong Araw | Oct. 3
⏰ Hanggang 2:00 PM lamang!
📍Barangay Health Center

Kung wala ka pang National ID o kailangan ng verification, punta na at magpa-register!

Huwag nang palampasin ang pagkakataon!

Isang napakasakit at hindi inaasahang balita.​Puno ng gulat at pighati ang buong barangay at ang bayan ng Morong sa bigl...
02/10/2026

Isang napakasakit at hindi inaasahang balita.

​Puno ng gulat at pighati ang buong barangay at ang bayan ng Morong sa biglaang pagpanaw ng ating Mutya ng Pilipinas - Morong candidate, Marielle Valler. Parang Kahapon lamang ay puno ka ng pangarap, sigla, at ganda na nagbigay ng pag-asa at pride sa ating komunidad. Hindi namin akalaing ito na ang huling beses na makikita namin ang iyong ngiti.

​Salamat sa liwanag at inspirasyon na ibinahagi mo sa amin, Marielle. Mananatili kang Mutya sa aming mga puso.

​Taos-pusong pakikiramay sa kanyang pamilya. Kasama niyo kami sa panalangin at pagdadalamhati sa napakabigat na pagsubok na ito.

Rest in peace, Marielle. 🕊️💔

What: Second Tranche of UPLIFT Assistance for Category 2 BeneficiariesWhen: Oct 5, 2026  @ 8:00 AMWHERE: LGU GYM ( besid...
02/10/2026

What:
Second Tranche of UPLIFT Assistance for Category 2 Beneficiaries

When: Oct 5, 2026 @ 8:00 AM

WHERE: LGU GYM ( beside MVERT)

Requirements:

1. Physical National ID Card of the client listed at the payroll (if wala pa pong physical National ID card, yung EPHILID, National ID generated from egov ay allowed (wag po ilaminate ang national ID)- with visible face po ng client

2. photo copy of the national ID back and front with 3 specimen sign

3. If wala pa pong national ID pero nakapag apply na padala po nung transaction slip mula sa PSA at Isang government issued id na nasa baba with photocopy:
1. Passport
2. Pag-ibig loyalty id
3. Driver’s Licenses
4. Philippine Postal ID
5. PRC ID
6. UMID
7. SSS ID
8. Philhealth ID
9. Senior Citizen ID
10. Voter’s ID
11. Tin ID
12. PWD ID

Note- if wala pa pong transaction slip ok lang po, pero if meron po padala po.
- yung mga wala pa po ewallets or bank accounts ay maencourage po na magregister na din po bago ang payout.
- tandaan din po yung ewallet accounts or bank accounts during payout po

Note: Kung sino po ang nagclaim noong first tranche for UPLIFT under Category 2, as indicated po sa payroll ay sya lang po ang allowed to claim on October 5, 2026 (no change claimant po) maliban po sa naging claimant nakaraan na namatay na.

Pagkadeceased na po ang beneficiary need po ang following
1. kailangan ang authorized representative ay nasa family rooster ng deceased, of legal age and with national id card

2. COE, GIS and death certificate
Tanging beneficiaries na nabigyan nakaraan during Tranche 1 ang iaccommodate po sa ating 2nd tranche.

Para po sa listahan ng mga beneficiaries sa una na siya din pong kasama sa pangalawang tranch ay maaari pong icheck ang listahan sa tanggapan ng bawat barangay.

Maraming salamat sa inyong sipag, tiyaga, pagod, at puyat para maipakita ang galing ng ating Barangay. Hindi man natin n...
30/09/2026

Maraming salamat sa inyong sipag, tiyaga, pagod, at puyat para maipakita ang galing ng ating Barangay. Hindi man natin nakuha ang resulta na inaasam natin, ipinakita ninyo ang talento ng SG.

Malaking pasasalamat din sa ating choreographer, coaches, at lahat ng naging bahagi ng paghahanda. Dahil sa inyong oras, talento, at pagtutulungan, nairaos natin ang laban nang buong dangal.

Proud kami sa inyong lahat! ❤️🔥

CLEAN-UP ACTIVITY | INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP & WORLD CLEANUP DAY 2026 🌱🧹Ngayong araw, nagsagawa ang mga kawani ng a...
29/09/2026

CLEAN-UP ACTIVITY | INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP & WORLD CLEANUP DAY 2026 🌱🧹

Ngayong araw, nagsagawa ang mga kawani ng ating Barangay kasama ang ating mga masisipag na residente, ng clean-up activities sa iba’t ibang bahagi ng barangay, partikular sa mga creek, sapa at daluyan ng tubig, bilang suporta at pakikiisa sa 2026 International Coastal Cleanup and World Cleanup Day.

Sa sama-samang pagkilos, napapanatili nating malinis ang ating kapaligiran, nababawasan ang mga basurang napupunta sa ating mga daluyan ng tubig, at nakatutulong sa pag-iwas sa pagbabara at pagbaha.

Maraming salamat sa lahat ng naglaan ng oras at pagod para sa kalinisan ng ating Barangay! 💚🌿

Sama-sama para sa malinis, ligtas at maayos na barangay!

Address

Bernardino Street Sitio Tabing-Ilog, San Guillermo, Morong
Rizal
1960

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay San Guillermo Official posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share