25/12/2025
Merry Christmas everyone! 🎄🩵
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Office of Atty. Fidel Nograles, Public & Government Service, Eastwood Greenview Rnr Wet And Dry Market Angels Kitchenette, Block 1 Lot 2, Phase 6, San Isidro, Rodriguez.
25/12/2025
Merry Christmas everyone! 🎄🩵
Ang ating pananaw lamang na magkaroon ng malaking ospital sa ating bayan noon ay handa ng magbigay ng serbisyo publiko para sa mamayan ng Montalban ngayon!
Lubos na pasasalamat po sa 𝐃𝐞𝐩𝐚𝐫𝐭𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐥𝐭𝐡 (𝐃𝐎𝐇) at sa nag inisyatiba at nag akda ng proyekto former Rizal, 4th District Representative 𝐀𝐭𝐭𝐲. 𝐅𝐢𝐝𝐞𝐥 𝐍𝐨𝐠𝐫𝐚𝐥𝐞𝐬.
𝙃𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙢𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙗𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜𝙜𝙞𝙩 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙢𝙤 𝙥𝙖 𝙙𝙞𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙪𝙠𝙞𝙩.
𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐏𝐎! 🙏🏻
22/06/2025
𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗧𝗼𝗼𝗹𝗸𝗶𝘁𝘀 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝗶𝘀𝘆𝗮𝘁𝗶𝗯𝗮 𝗻𝗶 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻 𝗙𝗶𝗱𝗲𝗹 𝗡𝗼𝗴𝗿𝗮𝗹𝗲𝘀, 𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗘𝗦𝗗𝗔
Matagumpay na naipamahagi ang mga Toolkits sa mga 𝙏𝙀𝙎𝘿𝘼 𝙎𝘾𝙃𝙊𝙇𝘼𝙍𝙎 ng Montalban, mga kagamitang magsisilbing panimulang puhunan sa kanilang pangkabuhayan at magiging tulay tungo sa mas masagana at maayos na kinabukasan.
Ang programang ito ay bunga ng taos-pusong serbisyo ni 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻 𝗙𝗶𝗱𝗲𝗹 𝗡𝗼𝗴𝗿𝗮𝗹𝗲𝘀, na sa kabila ng lahat, ay patuloy na tumutupad sa kanyang pangako sa mamamayan. Isang patunay ng malasakit at pagnanais na bigyang kakayahan ang bawat Pilipino na magsimula at magtagumpay sa sariling pagsisikap.
Ang mga ganitong inisyatiba ay hindi lamang tungkol sa pamimigay ng kagamitan, kundi pagbibigay ng pag-asa. Sa bawat natanggap na toolkit ay may kasamang mensahe: "Hindi ka nag-iisa sa laban ng buhay."
Patuloy ang serbisyo. Patuloy ang malasakit.
𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭, 𝐂𝐨𝐧𝐠. 𝐅𝐢𝐝𝐞𝐥, 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐭𝐮𝐭𝐨𝐤 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐲 𝐬𝐚𝐲𝐬𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐡𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧.
“𝑨𝒏𝒈 𝒊𝒚𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒊𝒏𝒂𝒈𝒌𝒂𝒍𝒐𝒐𝒃 𝒂𝒕 𝒊𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒏𝒂𝒏𝒂𝒕𝒊𝒍𝒊 𝒔𝒂 𝒑𝒖𝒔𝒐 𝒏𝒈 𝒃𝒂𝒘𝒂𝒕 𝑴𝒐𝒏𝒕𝒂𝒍𝒃𝒆ñ𝒐”
16/05/2025
Isang taos-pusong pasasalamat po sa inyong lahat.
Hindi man po tayo pinalad sa halalan, buong puso po nating tinatanggap ang pasya ng ating mga kababayan. Maraming salamat sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin sa loob ng dalawang termino bilang inyong Kinatawan sa Kongreso.
Ang inyong suporta ang nagsilbing inspirasyon ko sa araw-araw na pagseserbisyo mula sa mga proyektong pangkabuhayan, edukasyon, kalusugan, at higit sa lahat, sa pagtataguyod ng kapakanan ng mamamayan ng Montalban at buong ika-apat na distrito ng Rizal.
Hindi po rito nagtatapos ang ating pagkakaisa dahil hindi kailanman natatapos ang tunay na serbisyo. Ako po ay mananatiling kaagapay ninyo. Handa pa ring tumulong, makinig, at kumilos para sa ikabubuti ng nakararami.
Maraming salamat po, at nawa’y manatili ang ating pagkakaisa para sa isang mas maunlad at makatarungang kinabukasan.
12/05/2025
𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐀𝐑𝐀𝐖 𝐍𝐆 𝐄𝐋𝐄𝐊𝐒𝐘𝐎𝐍
𝐌𝐀𝐇𝐈𝐆𝐏𝐈𝐓 𝐍𝐀 𝐈𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐁𝐀𝐁𝐀𝐖𝐀𝐋 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐊𝐔𝐇𝐀 𝐍𝐆 𝐋𝐈𝐓𝐑𝐀𝐓𝐎 sa loob ng presinto, lalo na ng inyong balota.
Kung makakita ng kumuha ng litrato ng balota, agad itong ireport sa g**o (BEI) o opisyal na poll watcher.
𝐏𝐔𝐌𝐈𝐋𝐈 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐌𝐀, 𝐁𝐔𝐌𝐎𝐓𝐎 𝐀𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐊𝐎𝐍𝐒𝐄𝐍𝐒𝐘𝐀
Walang makakaalam kung sino ang ibinoto mo.
Malaya kang pumili ng kandidatong tunay na naglilingkod at may malasakit.
Bawat boto ay mahalaga — 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐥𝐚𝐛𝐚𝐧 𝐧𝐚𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐥𝐢𝐧𝐢𝐬, 𝐦𝐚𝐚𝐲𝐨𝐬, 𝐚𝐭 𝐦𝐚𝐩𝐚𝐲𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐥𝐚𝐥𝐚𝐧!
11/05/2025
Sa Lunes, May 12, 2025, na ang 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗛𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻! Narito ang oras at lugar ng botohan:
⏰ 5:00AM - 7:00AM - 𝗘𝗮𝗿𝗹𝘆 𝗩𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝗿𝘀 eksklusibo sa mga Senior Citizen, Persons with Disability (PWD) at Buntis na botante. Maaari pa rin silang bumoto hanggang 7:00PM.
⏰ 7:00AM - 7:00PM - 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗩𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝗿𝘀 para sa lahat.
𝗘𝘅𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀 𝗟𝗮𝗻𝗲 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗣𝗼𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲𝘀 - Para sa mga Senior Citizen, PWD, Indigenous People (IP), Buntis, at Escorted Persons Deprived of Liberty na botante.
𝗣𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - Matatagpuan sa ground floor ng Regular Voting Center para sa mga Senior Citizen, PWD at Buntis na botante.
𝗦𝗮𝘁𝗲𝗹𝗹𝗶𝘁𝗲-𝗣𝗿𝗶𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗣𝗼𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - Matatagpuan sa Assisted Living Facility para sa mga Senior Citizen at PWD.
𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗩𝗼𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿 - Mga itinatag na voting centers na malapit o nasa loob ng komunidad ng mga Indigenous Peoples kung saan maaari silang bumoto.
𝗣𝗗𝗟 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗣𝗼𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗹𝗮𝗰𝗲 - Matatagpuan sa loob ng mga detention center o jail facility para sa mga Persons Deprived of Liberty.
Alamin kung saan ka boboto gamit ang Precinct Finder: https://precinctfinder.comelec.gov.ph/
Para sa karagdagang impormasyon, magtungo sa official website: https://comelec.gov.ph/?r=2025NLE
11/05/2025
God Bless Montalban!
11/05/2025
Ipagdasal po natin ang tunay na pag-unlad at kapayapaan ng ating bayan. Ang ating sagradong boto ang susi sa pagtupad ng ating pangarap.
Manalig at magtiwala tayo sa kabutihan ng Diyos.
God is with us.