Kalahi-cidss PCRP San Jose, Romblon

Kalahi-cidss PCRP San Jose, Romblon This is not the official page of KALAHI-CIDSS Program and LGU of San Jose

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Municipal Orientation para sa Philippine Community Resilience Project (PCRP) sa...
04/06/2026

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Municipal Orientation para sa Philippine Community Resilience Project (PCRP) sa Session Hall ng Pamahalaang Bayan ng San Jose, Romblon. Ang aktibidad ay pinangunahan sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) KALAHI-CIDSS at dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan, mga kinatawan ng iba't ibang sector, at mga miyembro ng Municipal Resilience Team (MResT).

Malugod na tinanggap ni Mayor Ronnie D. Samson ang programa at ipinahayag ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyektong magpapalakas sa kakayahan ng mga komunidad na makaangkop at maging matatag sa harap ng mga hamon ng climate change.

Nagsilbi ring Resource Person si Engr. Dean Carl J. Gueco mula sa Regional Program Management Office (RPMO), na nagbigay ng komprehensibong talakayan hinggil sa mga layunin, proseso, at mahahalagang bahagi ng implementasyon ng Philippine Community Resilience Project sa munisipalidad.

Ang Philippine Community Resilience Project (PCRP), na kilala rin bilang “Panahon ng Pagkilos,” ay isang programa ng DSWD KALAHI-CIDSS na naglalayong palakasin ang katatagan ng mga komunidad laban sa mga epekto ng climate change at mga panganib na dulot ng kalamidad. Sa ilalim ng programa, nakatakdang makatanggap ang bayan ng San Jose ng hanggang ₱70 milyong pondo na ipatutupad sa loob ng tatlong taon upang suportahan ang mga prayoridad na proyektong pang-imprastruktura at iba pang mga inisyatibang nakatuon sa climate resilience.

Nakahanay ang mga proyektong ito sa National Adaptation Plan, Local Climate Change Action Plan, at Comprehensive Development Plan ng munisipalidad upang matiyak na ang mga pamumuhunan ay tumutugon sa mga pangangailangan ng komunidad at may pangmatagalang epekto sa pag-unlad ng bayan.

Kabilang ang San Jose sa mga napiling benepisyaryong munisipalidad sa MIMAROPA para sa implementasyon ng PCRP. Bilang isa sa mga lugar na madalas maapektuhan ng pagbaha at iba pang panganib na may kaugnayan sa pagbabago ng klima, kinilala ang munisipalidad bilang karapat-dapat na makatanggap ng suporta sa ilalim ng programa.

Sa nasabing oryentasyon, pormal ding ipinakilala ang mga miyembro ng Area Coordinating Team (ACT), Municipal Coordinating Team (MCT), at Municipal Resilience Team (MResT), kasama ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad sa pagpapatupad ng proyekto. Tinalakay rin ang mga susunod na gawain at mga nakatakdang aktibidad sa iba't ibang barangay ng munisipalidad.

Bilang pagpapakita ng kanilang pagkakaisa at buong suporta sa programa, lumagda ang lahat ng kalahok sa isang manifesto of support para sa matagumpay na pagpapatupad ng Philippine Community Resilience Project sa bayan ng San Jose.

Hunyo 4, 2026




Address

San Jose
Romblon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kalahi-cidss PCRP San Jose, Romblon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share