19/08/2026
”BAWAT BARANGAY MAKIKINABANG”
Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Barangay Limon Sur na mapabuti ang mga serbisyong administratibo at matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan, ang Barangay ay nagsagawa ng pagbili ng mga kinakailangang kagamitan para sa opisina.
ADMINISTRATIVE AND OFFICE EQUIPMENT
• Isang (1) Set Projector
• Isang (1) Lenovo Laptop
• Isang (1) Epson Printer
BAGONG PILIPINAS PRESIDENTIAL SCHOLAR “Bawat Barangay Makikinabang.”
Ang Barangay Limon Sur ay nagsagawa ng pamamahagi ng halagang Isang Daang Libong Piso (₱100,000.00) na tulong mula sa programa ng Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (PBBM) para sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa barangay.
Ang bawat napiling estudyante ay nakatanggap ng ₱20,000.00, bilang tulong pinansyal para sa kanilang mga pangangailangang pang-edukasyon.
Ang mga napiling benepisyaryo ay ang mga sumusunod:
Bilang Pangalan ng Estudyante Halaga
1. John Carl Tubi ₱20,000.00
2. April Joy G. Castillo ₱20,000.00
3. Lea Joy E. Flores ₱20,000.00
4. Ella A. Guyo ₱20,000.00
5. Chiennie F. Pastor ₱20,000.00
Kabuuan 5 Estudyante ₱100,000.00
Ang nasabing financial assistance ay naglalayong makatulong sa mga estudyante sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral tulad ng mga school supplies, pamasahe, projects, miscellaneous expenses at iba pang kinakailangang gastusin para sa kanilang edukasyon.