02/06/2026
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐍𝐈𝐆
Ang Sangguniang Bayan ng Sampaloc, Quezon, sa pamamagitan ng 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐨𝐧 𝐓𝐫𝐚𝐝𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐲, ay magsasagawa ng isang pampublikong pagdinig kaugnay ng sumusunod na panukala:
"𝐀𝐍 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐈𝐓𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋𝐈𝐙𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐀𝐌𝐏𝐀𝐋𝐎𝐂 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐇𝐔𝐁 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐂𝐑𝐈𝐁𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐄𝐄𝐒 𝐅𝐎𝐑 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐒𝐄 𝐎𝐅 𝐈𝐓𝐒 𝐅𝐀𝐂𝐈𝐋𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒"
Ito ay gaganapin sa:
Petsa: 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟏𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬)
Oras: 𝟏:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐡𝐚𝐩𝐨𝐧
Lugar: 𝐒𝐚𝐧𝐠𝐠𝐮𝐧𝐢𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝐇𝐚𝐥𝐥, 𝟐𝐧𝐝 𝐅𝐥𝐨𝐨𝐫 (𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭 𝐖𝐢𝐧𝐠), 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐁𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧 𝐀𝐯𝐞. 𝐜𝐨𝐫. 𝐎𝐛𝐧𝐚𝐦𝐢𝐚 𝐒𝐭., 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐒𝐚𝐧 𝐑𝐨𝐪𝐮𝐞, 𝐒𝐚𝐦𝐩𝐚𝐥𝐨𝐜, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧.
Ang panukalang ito ay naglalayong magkaroon ng Sampaloc Business Hub upang suportahan ang pagnenegosyo at lokal na pag-unlad ng ekonomiya, at magtakda ng makatwirang bayarin para sa pagpapanatili ng mga pasilidad at serbisyong iniaalok nito.
Ang lahat ng may interes sa usaping ito ay inaanyayahang dumalo at ipahayag ang kanilang saloobin o pananaw sa itinakdang oras.
Ipinababatid din na magkakaroon ng Facebook Live Streaming sa araw ng pagdinig upang higit na mapalawak ang partisipasyon ng publiko at maisulong ang transparency.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan.
𝐒𝐇𝐄𝐄𝐍𝐋𝐄𝐘 𝐉𝐎𝐈𝐄 𝐂. 𝐒𝐀𝐓𝐎𝐇
Kalihim ng Sangguniang Bayan
𝐉𝐀𝐍 𝐏𝐀𝐔𝐋 𝐂. 𝐉𝐀𝐑𝐀𝐅𝐀
Tagapangulo ng Committee on Trade and Industry
𝐓𝐄𝐑𝐄𝐒𝐈𝐓𝐀 𝐃. 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐄𝐍𝐎
Pangalawang Punong Bayan, Tagapangulo
01/06/2026
𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐀𝐓𝐔𝐋𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐒! 𝐇𝐎𝐍. 𝐀𝐓𝐓𝐘. 𝐒𝐀𝐃𝐃𝐀𝐌 𝐓. 𝐎𝐁𝐍𝐀𝐌𝐈𝐀 🤩🎉🥳
The Sangguniang Bayan of Sampaloc proudly congratulates, 𝐇𝐎𝐍. 𝐀𝐓𝐓𝐘. 𝐒𝐀𝐃𝐃𝐀𝐌 𝐓. 𝐎𝐁𝐍𝐀𝐌𝐈𝐀, Municipal Councilor, for being elected as President of People's Law Enforcement Board (PLEB)
Association of Quezon and Vice-President for External of PLEB Association of Region 4A-CALABARZON.
Your dedication to public service and leadership continues to bring pride and honor to the Municipality of Sampaloc. We are confident that you will carry the voice of our people with integrity and commitment.
🎨: MN
30/05/2026
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎 | 𝐏𝐀𝐍𝐒𝐀𝐌𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐒𝐀𝐇𝐄 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐀𝐒𝐀𝐇𝐄𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐈𝐂𝐘𝐂𝐋𝐄 at “𝐍𝐎 𝐓𝐀𝐑𝐈𝐏𝐀, 𝐍𝐎 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐃𝐀”
Pinagtibay ang KAPASIYAHAN BLG. 2026-108 noong ika-25 ng Mayo, 2026, na may pamagat na “𝐊𝐀𝐏𝐀𝐒𝐈𝐘𝐀𝐇𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐆𝐓𝐈𝐁𝐀𝐘 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐊𝐃𝐀 𝐍𝐀 𝐈𝐏𝐀𝐆𝐏𝐀𝐓𝐔𝐋𝐎𝐘 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐍𝐒𝐀𝐌𝐀𝐍𝐓𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐓𝐀𝐀𝐒 𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐒𝐀𝐇𝐄 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐀𝐒𝐀𝐇𝐄𝐑𝐎𝐍𝐆 𝐓𝐑𝐈𝐂𝐘𝐂𝐋𝐄 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐌𝐏𝐀𝐋𝐎𝐂, 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐈𝐍𝐒𝐘𝐀 𝐍𝐆 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍”, na epektibo mula ika-1 ng Hunyo, 2026 hanggang ika-31 ng Hulyo, 2026, at maaaring amyendahan o baguhin ng Sangguniang Bayan depende sa iba’t ibang kadahilanan bago sumapit ang itinakdang petsa.
Ang pansamantalang pagtataas ng pamasahe ay bunsod pa rin ng mataas na presyo ng produktong petrolyo, dulot ng tensyon sa Middle East, na isinagawa nang may pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mananakay.
𝐌𝐈𝐍𝐈𝐌𝐔𝐌 𝐍𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐒𝐀𝐇𝐄
Bayan - P20.00
Elementary - P10.00
High School, Senior, PWD - P16.00
“𝐍𝐎 𝐓𝐀𝐑𝐈𝐏𝐀, 𝐍𝐎 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐃𝐀”
Ang bawat tricycle ay kinakailangang may nakapaskil na opisyal na bagong Taripa (Red) na malinaw at madaling mabasa ng mga pasahero bago pahintulutang maningil ng itinakdang pamasahe.
Ang lumang Taripa (Blue) ay epektibo lamang hanggang Mayo 31, 2026.
Ang bagong taripa ay maaari lamang makuha sa Tanggapan ng Sangguniang Bayan at may opisyal na dry seal upang matiyak ang pagiging lehitimo at maiwasan ang paggamit ng mga hindi rehistradong operator o driver.
Para sa inyong kabatiran, pang-unawa at higit na pagtalima.
29/05/2026
IN PHOTOS | 𝐈𝐍𝐍𝐎𝐕𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐋𝐄𝐀𝐑𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐕𝐈𝐒𝐈𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍 𝐒𝐄𝐂𝐑𝐄𝐓𝐀𝐑𝐈𝐄𝐒 𝐎𝐅 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍
Malugod na tinanggap ng Sangguniang Bayan ng Sampaloc, Quezon at Lokal na Pamahalaan ng Sampaloc ang 𝐋𝐈𝐊𝐀𝐒 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍, 𝐈𝐧𝐜. upang maibahagi ang praktikal na pamamaraan sa pagpapatupad ng 𝐏𝐚𝐩𝐞𝐫𝐥𝐞𝐬𝐬 𝐒𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 na isinasagawa mula pa noong 2022.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iba’t ibang bayan para sa mas mahusay na serbisyo publiko at makabagong pamamahala.
https://www.facebook.com/share/p/1bcaXJqPE9/
24/05/2026
IN PHOTOS | 44th 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍
Municipal Vice Mayor Hon. Teresita D. Villeno presided over the 4th Regular Session of the
Sangguniang Bayan held on May 13, 2026, at the Sangguniang Bayan Hall, with all Sangguniang Bayan members present.
🎨: MN
📸: MN
24/05/2026
IN PHOTOS | COMMITTEE HEARING (COMMITTEE ON ENVIRONMENT)
The Committee on Environment headed by Hon. Normandy Encina conducted a committee hearing
held on May 6, 2026, at the Sangguniang Bayan Hall,
together with the other member of the Committee on Environment.
📸: MN
🎨: MN
24/05/2026
IN PHOTOS | 43rd 𝐑𝐄𝐆𝐔𝐋𝐀𝐑 𝐒𝐄𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐀𝐍𝐆𝐆𝐔𝐍𝐈𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍
Municipal Vice Mayor Hon. Teresita D. Villeno presided over the 43rd Regular Session of the
Sangguniang Bayan held on May 4, 2026, at the Sangguniang Bayan Hall, with all Sangguniang Bayan members present.
🎨: MN
📸: MN
22/05/2026
𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐍𝐎. 𝟐𝟏𝟔-𝟐𝟎𝟐𝟔
Sponsored by: Committee on Finance and Appropriations
𝐀𝐍 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐘𝐎𝐑'𝐒 𝐏𝐄𝐑𝐌𝐈𝐓 𝐅𝐄𝐄 𝐈𝐍𝐂𝐄𝐍𝐓𝐈𝐕𝐄𝐒 𝐓𝐎 𝐐𝐔𝐀𝐋𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓-𝐓𝐈𝐌𝐄 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐑𝐄𝐆𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐍𝐓𝐒 𝐈𝐍 𝐓𝐇𝐄 𝐌𝐔𝐍𝐈𝐂𝐈𝐏𝐀𝐋𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐒𝐀𝐌𝐏𝐀𝐋𝐎𝐂, 𝐐𝐔𝐄𝐙𝐎𝐍, 𝐓𝐎 𝐏𝐑𝐎𝐌𝐎𝐓𝐄 𝐄𝐍𝐓𝐑𝐄𝐏𝐑𝐄𝐍𝐄𝐔𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏, 𝐅𝐎𝐑𝐌𝐀𝐋𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐀𝐍𝐃 𝐋𝐎𝐂𝐀𝐋 𝐄𝐂𝐎𝐍𝐎𝐌𝐈𝐂 𝐃𝐄𝐕𝐄𝐋𝐎𝐏𝐌𝐄𝐍𝐓
22/05/2026
𝐏𝐀𝐔𝐍𝐀𝐖𝐀 | Ang nakatakdang Pampublikong Pagdinig ay ipinagpaliban at muling itatakda sa bagong petsa at oras.
--
𝐏𝐀𝐁𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐌𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐊𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆𝐃𝐈𝐍𝐈𝐆
Ang Sangguniang Bayan ng Sampaloc, Quezon, sa pamamagitan ng 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐭𝐭𝐞𝐞 𝐨𝐧 𝐓𝐫𝐚𝐝𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐬𝐭𝐫𝐲, ay magsasagawa ng isang pampublikong pagdinig kaugnay ng sumusunod na panukala:
"𝐀𝐍 𝐎𝐑𝐃𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐈𝐍𝐒𝐓𝐈𝐓𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋𝐈𝐙𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐇𝐄 𝐒𝐀𝐌𝐏𝐀𝐋𝐎𝐂 𝐁𝐔𝐒𝐈𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐇𝐔𝐁 𝐀𝐍𝐃 𝐏𝐑𝐄𝐒𝐂𝐑𝐈𝐁𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐄𝐄𝐒 𝐅𝐎𝐑 𝐓𝐇𝐄 𝐔𝐒𝐄 𝐎𝐅 𝐈𝐓𝐒 𝐅𝐀𝐂𝐈𝐋𝐈𝐓𝐈𝐄𝐒 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄𝐒"
Ito ay gaganapin sa:
Petsa: 𝐇𝐮𝐧𝐲𝐨 𝟎𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐌𝐚𝐫𝐭𝐞𝐬)
Oras: 𝟏𝟎:𝟎𝟎 𝐧𝐠 𝐮𝐦𝐚𝐠𝐚