30/05/2026
RHU San Antonio HEPU
San Antonio Rural Health Unit Health Education and Promotion UNIT
30/05/2026
25/05/2026
21/05/2026
Mayo 19-21, 2026
Sumailalim sa tatlong araw na pagsasanay ang ating Municipal Nutrition Council patungkol sa Nutrition in Emergencies. Dito ay tinalakay ang iba’t ibang uri ng interbensyon na maaring isagawa bilang pagtugon sa sakuna. Nagkaroon din ng simulation exercise upang masukat ang ating mga natutunan sa nasabing pagsasanay.
Pinangunahan nina Ms. Theresa A. Rivas, RND, MPH na nagmula sa National Nutrition Council-CaLaBaRZon at Ms. Krisha Mae V. Cajucom, RND na nagmula naman sa PMNP-RPMO CaLaBaRZon na nagsilbing mga Resource Speaker sa pagsasanay na ito.
Katuwang ang Philippine Multisectoral Nutrition Project at UNICEF at sa palagiang suporta ng ating butihing punong bayan, Mayor Erick M. Wagan, naisakatuparan ang programang ito na tiyak na magpapataas ng kaalaman ng mga miyembro ng ating Municipal Nutrition Council upang matugunan ang mga suliraning may kinalaman sa nutrisyon ng ating mga kababayan.
12/05/2026
May 5-6, 2026
Nagsagawa ang Tanggapan ng Pambayang Pangkalusugan ng Idol Ko si Tatay Training na dinaluhan ng 50 na mga magigiting at matitikas na haligi ng tahanan mula sa Brgy. Buliran, Sampaguita, Poblacion, Corazon at Loob.
Layon ng pagsasanay na ito na madagdagan ang kaalaman ng mga tatay sa pangangalaga ng kanyang pamilya. Binigyan diin din dito ang kahalagahan ng suportang dapat ay naibibigay nila sa panahon ng pagdadalang tao hanggang sa makapanganak ang kanilang mga asawa.
Katuwang ang Philippine Multisectoral Nutrition Project at UNICEF at sa suporta ng ating butihing punong bayan, Mayor Erick M. Wagan, naisakatuparan ang isa na namang makabuluhan programang ito na tiyak na makatutulong sa kumunidad upang mapataas ang antas ng Nutrition sa bayan ng San Antonio.
26/04/2026
04/25/2026 @ 3:41 pm
Rowenalyn Mangundayao from Brgy. San Jose delivered a healthy Baby Girl at Gleceria L. Wagan Maternity Clinic (San Jose Lying In) assissted by our RHU health personnel Dr. Ma. Wilma C. Laroza, Donabel G. Gajiran, RN, Arlyn M. Umali, RM, and Lorena Mendoza.
