Pag-asa at dagdag kabuhayan para sa ating mga kababaihan at magsasaka!
Limampung (50) benepisyaryo mula sa marginalized sector ang tumanggap ng tig ₱5,000 cash assistance bilang suporta sa kanilang livelihood project tungo sa mas maunlad na kinabukasan.
Mayor Erick M. Wagan
Serbisyong Higit pa sa Inaasahan! ONE San Antonio!
18/05/2026
Sa patuloy na pagsasagawa ng Ugnayan sa Barangay, naiparating natin nang mas mabilis, maayos, at direkta ang mga programa at serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan—mula sa serbisyong panlipunan, pangkalusugan, agrikultura, at iba pang kaugnay na programa—upang mas mapadali at maging mas maginhawa para sa ating mga kabarangay, sa kabila ng mga krisis na ating kinakaharap.
Nagkaloob din ng kaunting food packs para sa mga kabarangay na naging kabahagi at katuwang sa nasabing gawain bilang tanda ng pasasalamat at patuloy na pag-alalay ng lokal na pamahalaan.
Sa inyong pag-iisang dibdib, nawa’y magsilbi itong simula ng masaya at matatag na pagsasama.
Hangad ko na ang bawat araw ninyo bilang mag-asawa ay mapuno ng pagmamahal, paggalang, at pagpapala.
Congratulations Mr. Reden and Mrs. Jil Carandang
27/04/2026
Tulay na nag-uugnay, pag-unlad na nagbubuklod.
Bukas na ang Niing-Bulihan Bridge, para sa mas ligtas at maunlad na kinabukasan ng ating mga kababayan!
Tulong-tulong po tayo para sa mas progresibong San Antonio!
26/04/2026
Sa gitna ng naranasang pagtaas ng presyo ng gasolina na labis na nakaaapekto sa kabuhayan ng ating mga mamamayan, lalo na sa ating mga tricycle drivers, buong pusong ipinamahagi ng Pamahalaang Bayan ng San Antonio ang Fuel Subsidy mula sa Pamahalaang nasyunal sa pamamagitan ng mga kawani mula sa SWAD LUCENA bilang agarang tulong at suporta sa kanilang araw-araw na pamamasada.
May kabuuang 242 tricycle drivers sa bayan ng San Antonio ang naging benepisyaryo ng naturang programa na naglalayong maibsan kahit papaano ang bigat na dulot ng krisis sa presyo ng produktong petrolyo.
Batid ng ating lokal na pamahalaan ang hirap at sakripisyong pinapasan ng ating mga tsuper upang maitaguyod ang kanilang pamilya sa kabila ng hamon na kinahaharap ng bansa. Kaya naman sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Erick M. Wagan, patuloy na naghahatid ng mga programang may malasakit at tunay na pakinabang para sa mamamayan.
Sa panahon ng pagsubok, nananatiling kaagapay ng bawat manggagawang San Antoniohin ang ating pamahalaang bayan.
04-06-2026
Post–Holy Week kumustahan with our dedicated Barangay Captains 🙏✨
Salamat sa inyong patuloy na serbisyo at malasakit sa ating komunidad. Sama-sama tayong babangon at magpapatuloy para sa mas maayos, mas ligtas, at mas maunlad na bayan.
05/04/2026
Ngayong Easter Sunday, ipagdiwang natin ang pag-asa, bagong simula, at pagmamahalan.
Nawa’y mapuno ng saya at biyaya ang bawat pamilya. Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagiging mabuti at pagtutulungan bilang isang komunidad.
Mula sa Pamahalaang Bayan ng San Antonio, Maligayang Easter Sunday sa inyong lahat! 💙
Click here to claim your Sponsored Listing.
Location
Category
Website
Address
San Antonio
4324
