10/10/2026
📢 PUBLIC ADVISORY | RUN FOR THE WEST PHILIPPINE SEA
Ang Pamahalaang Lokal ng San Antonio, Zambales ay magsasagawa ng “Run for the West Philippine Sea” Fun Run bilang pagpapakita ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at suporta sa West Philippine Sea.
📅 Petsa: Oktubre 11, 2026 (Linggo)
⏰ Oras: 5:00 AM – 8:00 AM
📍 Ruta: NETC Gate 1, Brgy. West Dirita ➡️ Maligaya, Brgy. Burgos
Bilang bahagi ng nasabing aktibidad, inaasahan ang pagbagal ng daloy ng trapiko at pansamantalang pagkaantala sa mga kalsadang dadaanan ng mga kalahok. Pinapayuhan ang lahat ng motorista na magmaneho nang maingat, maglaan ng karagdagang oras sa biyahe, at sumunod sa mga tagubilin ng mga lokal na traffic enforcer.
Humihingi po kami ng pang-unawa at pakikiisa ng ating mga kababayan sa anumang abalang maaaring idulot ng aktibidad na ito. Ang inyong kooperasyon ay mahalaga upang matiyak ang kaligtasan at maayos na daloy ng programa.
Sama-sama nating ipakita ang ating pagkakaisa at pagmamahal sa ating bansa sa pamamagitan ng makabuluhang gawaing ito.
ISANG BAYAN, ISANG LAYUNIN, ISANG NAGKAKAISANG SAN ANTONIO!
🇵🇭 United San Antonio!
Serbisyong Antipolo para sa nagkakaisang mamamayan ng San Antonio, Zambales.