06/04/2026
Project U.N.L.A.D. is Ready for Take-Off!
Under the directive of Mayor Orlan Calayag, the LGU core team and system developers successfully conducted the inception meeting for Project U.N.L.A.D., a bold and transformative initiative in social protection.
From vision to reality, we are now one step closer to launching a pioneering program designed to empower and uplift our transitioning households through innovative, data-driven, and people-centered solutions.
This is more than a project; it is a commitment to ensure that no family is left behind as they move towards self-sufficiency and sustainable development.
Soon, we will witness the beginning of a new chapter in local governance, one that sets the standard for responsive, inclusive, and future-ready social protection.
Stay tuned. The journey to U.N.L.A.D. begins now.
25/02/2026
πππππππππ πππππ ππππππππππ ππππππ ππππ ππππ ππππ ππππππππ (ππππ) πππ πππ πππππππ
Pormal nang itinurn-over ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa Lokal na Pamahalaan ng Dolores sa pamumuno ng ating butihing Mayor Orlan A. Calayag, ang naging resulta ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS).
Pinangasiwaan ang nasabing turnover ng Philippine Statistics Authority - Quezon sa pangunguna ni OIC Ms. Normita Pagkatipunan, kasama si Ms. Margarita Cada. Dumalo at sinaksihan ito ng ilang department heads gaya nina MPDC Ms. Sheryl Cabrera, MDRRMO Ms. April Reyes Cruz, MSWDO Ms. Cipriana A. Montierro, LCRO Ms. Lizette Buenaseda at si MLGOO Ms. Sheila Del Mundo.
Ang CBMS ay isang mahalagang kasangkapan sa paglikha ng mga programang tunay na tumutugon sa pangangailangan ng komunidad. Sa pamamagitan ng wasto at napapanahong datos, mas nagiging episyente ang pagpaplano, mas natutukoy ang mga prayoridad, at higit na napapabuti ang paghahatid ng serbisyo para sa bawat mamamayan.
Kaalinsabay nito, isinagawa rin ang MOA signing o ang Data Sharing Agreement upang lalo pang mapaigting ang implementasyon ng CBMS dito sa ating bayan. Sa naturang seremonya, ipinresenta rin ang mga pangunahing resulta ng 2024 CBMS, kung saan tampok ang mahahalagang estadistika at impormasyon hinggil sa kalagayan ng kabuhayan, kalusugan, edukasyon, at iba pang aspeto ng pamumuhay ng mga Doloresin.
Ang mga resultang nakalap ay magsisilbing matibay na batayan ng Lokal na Pamahalaan sa pagbuo ng mga polisiya, programa, at interbensyon upang higit pang mapaUNLAD ang bayan ng Dolores at ng bawat pamilyang Doloresin.
24/02/2026
πππππ πππππππ
2024 Community-Based Monitoring System (CBMS) Data Turnover Ceremony of Dolores, Quezon.
Read more through here:
https://rsso04a.psa.gov.ph/content/2024-community-based-monitoring-system-cbms-data-turnover-ceremony-dolores-quezon
21/11/2025
An LGU-led aftercare and economic reintegration initiative designed not only as a structured post-exit and transition support for 4Ps beneficiaries, but as a platform to challenge harmful stereotypes, elevate the voices of families who have worked hard to improve their lives, and promote more accurate and respectful narrative about 4Ps. It introduces an automated integrated system that offers a human-centric, data-informed, and locally driven model for sustainable poverty reduction, anchored on four components: 1) Operational LGU-led Monitoring and Tracking System, 2) Automated Comprehensive Referral System for Aftercare Programs and Services, 3.) Business Incubation and Revival facility (CapHub), and 4.) Institutionalization.
22/08/2025
PUBLIC ADVISORY
On the Construction of CELL SITE TOWER
May natanggap po tayong hinaing kaugnay sa nakatakdang pagtatayo ng isang telecom tower sa Brgy. Sta. Lucia, Dolores, Quezon. Nais po naming ipabatid ang mga sumusunod:
π Ang Independent Tower Company na may hawak ng proyekto ay rehistrado sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
π Ang pagtatayo ng Passive Telecommunications Tower Infrastructure (PTTI) na cell site tower ay saklaw ng Joint Memorandum Circular (JMC) No. 01, Series of 2021 na pinirmahan ng ARTA, DICT, DILG, DHSUD, DPWH, CAAP, NTC, DOH, at FDA.
π Layunin ng JMC na pabilisin at pasimplehin ang proseso ng pagkuha ng permit para sa mga pasilidad na ito upang mapabuti ang internet connectivity, komunikasyon, at disaster response sa buong bansa.
π Safety Assurance:
β’ Ang PTTI structures ay non-radiating (hindi sila naglalabas ng radio frequency energy) at itinayo base sa mahigpit na engineering, health, at safety standards.
β’ Ang telecommunications equipment na ikinakabit sa mga tower ay sumusunod sa national at international safety regulations na itinakda ng DOH at FDA.
β’ Ang bawat site ay dumadaan sa masusing pagsusuri bago aprubahan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Tinitiyak ng ating LGU na susunod sa lahat ng regulasyon at safety protocols ang pagpapatayo ng naturang pasilidad. Ang proyektong ito ay bahagi ng ating adhikain na maghatid ng mas mabilis na koneksyon, mas maraming oportunidad sa ekonomiya, at mas maayos na emergency communication system para sa lahat.
π Para sa karagdagang katanungan o paglilinaw, maaari pong makipag-ugnayan sa:
Zoning Office / Municipal Engineering Office
Tel. No.: 042 565 6515
Email: [email protected]
π€ Magtulungan po tayo para sa ligtas, konektado, at mas ma-UNLAD na komunidad.
09/07/2025
π£ BABALA SA PUBLIKO
β οΈ ILLEGAL NA PAGBEBENTA NG LOTE SA MGA SUBDIVISION NA WALANG DEVELOPMENT PERMIT β οΈ
Ang Pamahalaang Lokal ng Dolores, sa pamamagitan ng Tanggapan ng Pambayang Pagpaplano at Pagpapaunlad / Zoning Office, ay nagbibigay babala sa publiko ukol sa pagbebenta ng mga lote sa subdivision na walang kaukulang Development Permit (DP).
Ipinapaalala po sa lahat na MARIING IPINAGBABAWAL ang pagbebenta o pagpapakalsada ng mga lote upang gawing subdivision na walang kaukulang Development Permit mula sa pamahalaang lokal at iba pang ahensya ng gobyerno. Ito ay paglabag sa Presidential Decree No. 957 o Subdivision and Condominium Buyersβ Protective Decree.
May natanggap din po kaming ulat ng mga hindi lisensyadong ahente o indibidwal at developer na nagbebenta at nagpo-promote ng mga lote sa social media at sa ibaβt ibang komunidad.
π Sa mga developer at ahenteng nagbebenta ng mga ganitong lote:
Ito po ay isang malinaw na paglabag sa batas at maaari kayong papanagutin.
π Sa publiko at mga mamimili:
Huwag po basta-basta bumili ng lupa sa mga subdivision na walang sapat na dokumento.
Ang pagbili ng lote sa ganitong kalagayan ay may malaking panganib tulad ng kakulangan sa pasilidad, legal na suliranin, at maaaring mawalan ng bisa ang inyong biniling lupa.
Nababahala po ang LGU sa pagdami ng mga Facebook post, sharers, at ahente na nag-aalok ng mga lote sa bayan ng Dolores kahit hindi aprubado ang development plan.
Ito po ay maaaring magdulot ng mga usapin sa lokal na pamahalaan o reklamo at sisi mula sa publiko.
PAALALA:
Bago bumili ng lote, siguraduhing may Development Permit ang proyekto. Makipag-ugnayan sa opisina ng Municipal Planning and Development Coordinator / Zoning Officer o sa Municipal Engineering Office para sa verification.
π’ Hinihikayat din ang publiko na i-report sa aming tanggapan ang mga ahente o developer na sangkot sa ganitong uri ng pagbebenta.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at malawak na pang-unawa.
Para sa mga tanong o ulat, makipag-ugnayan sa:
π 042 565 6515
π§ [email protected]
16/08/2024
Doloresin, ito na ang ating pagkakataon para iparamdam at ibigay ang buong pusong suporta sa ating Dolores Street Dancers na magrerepresenta sa Bayan Ng Dolores sa Niyugyugan Festival Sayaw Sa Niyog Dance Showdown Competition. Gaganapin ito bukas Agosto 17, na magsisimula ng alas kwatro (4:00 PM) para sa Grand Parade sa Quezon Avenue patungong Alcala Sports Complex ganap na alas syete (7:00) ng gabi para sa Sayaw Sa Niyog Dance Showdown Competition.
Inaanyayahan ang lahat na gamitin ang ating official hashtag na upang ipakita ang ating suporta bilang mga nagkakaisang Doloresin. Sa pamamagitan ng paggamit ng hashtag na ito, maipapahayag natin ang ating pagmamalaki at pagkakaisa sa ating bayan, lalo na sa ating pagsisikap na makamit ang IKALIMANG KAMPEONATO.
Tara naβt magsama-samang manood at saksihan ang kapanapanabik na laban ng ating Dolores Street Dancers na ipamamalas ang galing sa pag-indayog dala-dala ang kultura at tradisyon ng ating bayan sa buong lalawigan ng Quezon