01/04/2026
Isang taos-pusong pagbati mula sa Mabunga National High School sa ating mga Grade 10 Completers at sa lahat ng mag-aaral na pinarangalan mula ika-7 hanggang ika-10 baitang.
Noong March 30, 2026, sama-sama nating ipinagdiwang ang 8th Moving-Up Ceremony at 11th Recognition Rites bilang pagkilala sa bunga ng sipag, tiyaga, at tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Taglay ang temang “Pilipinong Nagsipagtapos: Handang Mamuno nang May Kakayahan at Mabuting Pagkatao,” nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa bawat isa.
Maraming salamat sa mga magulang, g**o, at sa lahat ng naging katuwang sa paghubog ng tagumpay ng ating mga mag-aaral.
Padayon sa panibagong yugto ng paglalakbay—bitbit ang pag-asa, dangal, at pangarap para sa mas maliwanag na bukas.
27/03/2026
Belated Happy Birthday, Sir MM! 🎉🎂
Thank you for being such an inspiring and dedicated science teacher. Your passion for teaching motivates and uplifts everyone around you. Wishing you good health, continued success, and many more years of inspiring students and colleagues.
Keep inspiring, Sir! 💙✨
11/03/2026
Congratulations, Jay-R Ursabia, for bringing home the Bronze Medal in Boxing – Secondary during RAAM 2026!
Your strength, discipline, and determination inside the ring have made Mabunga National High School proud. Your achievement is a true reflection of your hard work, courage, and fighting spirit.
We are proud of you, champ!
Padayon sa pag-abante, Jay-R! 🥊🏅💚💛
09/03/2026
Good luck, Jay-R Ursabia! 🥊
Ipinagmamalaki ng Mabunga National High School ang iyong dedikasyon, sipag, at tapang sa larangan ng boxing. Sa iyong paglahok sa RAAM 2026 – CALABARZON Regional Athletic Association Meet, dala mo hindi lamang ang iyong sariling pangarap kundi pati ang karangalan at suporta ng buong paaralan at komunidad ng Mabunga.
Lumaban nang buong tapang at husay!
Buong puso kaming sumusuporta sa iyo.
Padayon, Jay-R! Iuwi ang tagumpay para sa Mabunga NHS! 🥊💚💛
05/03/2026
SCHOOL-BASED DEWORMING ACTIVITY💚
Matagumpay na naisagawa ng Mabunga National High School ang School-Based Deworming Activity ngayong Marso 5, 2026 para sa ating mga mag-aaral, sa tulong at gabay ng ating District Nurse Dianne Maricar L. Galang.
Layunin nito na mapanatili ang kalusugan ng mga bata, maiwasan ang pagdami ng intestinal worms, mapabuti ang nutrisyon, at mas mapataas ang pokus at pagpasok sa klase.
Maraming salamat sa lahat ng nakibahagi at sumuporta para sa mas ligtas at mas malusog na paaralan! 💚🏫
01/03/2026
Grateful beyond words! 💚
Thank you, Hon. Christmar Maquisa Bandayril I, SK Chairman of Brgy. Mabunga San Francisco, Quezon, for your generous donation of 15 pcs. monoblock chairs, punch mitts, and boxing gloves to Mabunga National High School.
Maraming salamat po sa inyong malasakit at patuloy na pagsuporta sa kabataan ng Mabunga. 💚
28/02/2026
On February 23, 2026, Mabunga NHS welcomed school heads from neighboring secondary schools for the Post-Reading Assessment, promoting collaboration and shared insights in literacy evaluation.
12/02/2026
Happy Birthday, Ma’am 𝓙𝓸𝔂 𝓚𝓪𝓻𝓮𝓷! 🎉
Warmest greetings to our Teacher-in-Charge of Mabunga NHS. Thank you for your guidance, dedication, and leadership to our school. Wishing you good health, happiness, and more years of inspiring everyone around you. God bless you po palagi.
01/02/2026
CAREER GUIDANCE FESTIVAL 2026
Noong Lunes, Enero 30, 2026, matagumpay na isinagawa ng Mabunga National High School ang Career Guidance Festival 2026 sa pangunguna ng aming Teacher-in-Charge na si Ma’am Joy Karen P. Peñaranda—na nagpaalala na hindi man magiging smooth ang daan, makakarating pa rin tayo sa ating mga pangarap. ✨
Mas lalo itong naging makabuluhan dahil sa mga inspirasyong ibinahagi ng aming mga panauhin: Police Major Eric L Veluz, SFO1 Alvin P Aguila, at Sir Jan Arven C. Jemina.
Binigyang-diin ni PMAJ Veluz na mahalagang piliin ang trabahong tunay mong gusto; ibinahagi naman ni SFO1 Aguila na kailangan nating lumabas sa ating comfort zone; at paalala ni Sir Jemina na napakalawak ng mundo at napakaraming kursong maaaring pagpilian—choose the course that suits your strengths and weaknesses.
Para sa aming mga mag-aaral: tuloy lang, future professionals! 🌟
DepEd Tayo Quezon
DepEd Tayo San Francisco District I-Quezon Province
26/01/2026
📣 ANNOUNCEMENT | EARLY REGISTRATION S.Y. 2026–2027
Ang Mabunga National High School ay bukas na para sa Incoming Grade 7, Balik-Aral, at Transferees.
🗓️ Early Registration Period: January 31 – February 27, 2026
✅ REQUIREMENTS
A) INCOMING GRADE 7
• Photocopy of PSA Birth Certificate
• Photocopy of SF9/ Report Card
• Enrollment Form
B) BALIK-ARAL / TRANSFEREES
• Photocopy of PSA Birth Certificate
• Photocopy of SF9 / Report Card of last school year attended
• Enrollment Form
📌 Pakikumpleto ang requirements at mag-register sa itinakdang petsa. Maraming salamat po.
25/01/2026
Noong Biyernes, Enero 23, 2026, ay mainit na tinanggap ng Mabunga National High School, sa pangunguna ng ating Teacher-in-Charge na si Ma’am Joy Karen P. Peñaranda, ang bagong Public Schools District Supervisor ng San Francisco District I, Ma’am Vilma V. Dela Cruz.
Layunin ng School Monitoring na ito na masuri ang mga pasilidad ng paaralan at mapalakas ang suporta sa mga g**o upang matiyak ang lubos na pagkatuto ng ating mga mag-aaral.
DepEd Tayo San Francisco District I-Quezon Province
20/01/2026
SLAC Session | Classroom MEPA
Quarter 2
November 29, 2025
DepEd Tayo San Francisco District I-Quezon Province