Municipal Information Office - San Ildefonso, Bulacan

Municipal Information Office - San Ildefonso, Bulacan

Share

Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Information Office - San Ildefonso, Bulacan, Government Website, 2nd Floor, New Municipal Hall, DoΓ±a Remedios Trinidad Highway, Anyatam, San Ildefonso.

Aims to serve as the primary information arm that bridges communication between the MGSIB and its constituents to effectively address public concerns and promote public awareness and understanding

Photos from Mayor Gazo Galvez's post 22/01/2026

IN PHOTOS

2026 π“π€π“π€πŠ ππ”π‹π€πŠ πƒπŽπŠπ˜π” 𝐅𝐄𝐒𝐓 πŸ’›πŸ’œ

"Hindi po uusad ang bukas kung hindi po natin kikilalanin ang kahapon... dahil ang kasaysayan ng San Ildefonso ay hindi lamang nakaraan β€” ito ay sandigan ng sambayanan, yaman ng ating bayan, at kwento ng bawat mamamayan." - Mayor Gazo Galvez

Sa pamamagitan ng malikhaing mga dokumentaryo, muling binigyang-buhay ng ating mga kabataang mag-aaral ang mahahalagang kwento ng ating bayan. Lubos po ang aking pagbati at pasasalamat sa Office of the Municipal Information Officer sa pangunguna ni G. Fernando A. Dionision, Jr., Office of the Municipal Tourism Officer sa pangangasiwa ni Bb. Denniesse Hernandez, mga paaralan, g**o, mag-aaral, at mga naging bisita nating hurado na buong-pusong nakiisa at naghatid ng husay, talino, at pagmamahal sa ating bayan.

CHAMPION - Bulak: Ang Poblacion Noong Unang Panahon (Poblacion)
2nd Place - JUANderful (San Juan)
3rd Place - Pilapil: Ugat ng Pinagmulan, Daan ng Kabuhayan (Makapilapil)
4th Place - Ugat ng Pinagmulan (Gabihan)
5th Place - Sa Bawat Binhi at Hibla (Upig)

SPECIAL AWARDS:
Best Docu Poster - Sa Bawat Binhi at Hibla
Best Docu Presenter - JUANderful
Best Script - Bulak: Ang Poblacion Noong Unang Panahon
Best in Cinematography - Pilapil: Ugat ng Pinagmulan, Daan ng Kabuhayan
Best in Sound Scoring - Akle: Ating Kinasasaligan, Linduyan ng Ekolohiya
Best in Technical Editing - Ugat: Ang Pagyabong ng Matimbubong

Congratulations po! Abangan ang kani-kanilang mga likha sa opisyal na daluyan ng komunikasyon ng Pambayang Tanggapan ng Impormasyon: https://www.facebook.com/share/1CjnZmg9oK/?mibextid=wwXIfr

Viva San Ildefonso de Toledo!





Photos from BULACAN History and Heritage's post 14/01/2026
Photos from Municipal Information Office - San Ildefonso, Bulacan's post 13/01/2026

TINGNAN

Narito ang mga dokumentaryong opisyal na kalahok sa unang edisyon ng TATAK BULAK DOKYU FEST.

Para sa edisyong ito na may temang β€œKasaysayan at Kulturang Pamana sa Bayan”, itatanghal ng bawat kalahok na pampubliko at pribadong paaralan ang kasaysayan, pamumuhay at kultura ng kanilang mga barangay.

Bahagi ito ng layunin ng Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso, sa pangunguna ng Punong Bayan Fernando S. Galvez Jr., na gawing kabahagi ang mga kabataan sa pagtataguyod at pangangalaga ng mayamang kultura at kasaysayan ng ating bayan.

Ang Tatak Bulak Dokyu Fest ay bahagi ng mga programang tampok sa taunang selebrasyon ng Bulak Festival, kaalinsabay ng selebrasyon ng Dakilang Kapistahan ng ating Mahal na Pintakasing San Ildefonso de Toledo. Ang nasabing programa ay pinangungunahan ng Municipal Information Office at Municipal Tourism Office.

Samantala, nakatakdang ganapin sa January 14, 2026 ang ebalwasyon ng mga opisyal na kalahok at sa January 21, 2026 naman ang awarding of winners na isasagawa sa New Municipal Hall, Barangay Anyatam, San Ildefonso, Bulacan.



Want your business to be the top-listed Government Service in San Ildefonso?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Location

Website

Address

2nd Floor, New Municipal Hall, DoΓ±a Remedios Trinidad Highway, Anyatam
San Ildefonso
3010

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm