Team SILAB

Team SILAB

Share

Let's empower our youth, transform our future, serve our community and make positive change together!

Photos from Team SILAB's post 04/11/2023

Nagsama-sama! Kumilos! Mag-sisilbi!

𝐌𝐀𝐑𝐀𝐌𝐈𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐑𝐆𝐘 𝐒𝐓𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙 𝐈𝐈𝐈 ❣️

Ako at ang sampu ng aking kasama sa Team SILAB ay ipinapaabot ang aming taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kabataan na sumuporta at nagtiwala sa sa amin.

Kaugnay nito, isang Gratitude Parade ang isinagawa ng Team ARKA at Team SILAB, kabilang din ang ilan sa mga boluntaryo.

Lubos ang aking pasasalamat sa bawat indibidwal na nagbahagi ng kanilang oras, panahon, at pagmamahal sa aming paglalakbay patungo sa tagumpay sa Sangguniang Kabataan Election 2023. Maraming Salamat po! 🙌


28/10/2023

Nagsama-sama! Kumilos! Mag-sisilbi!

"Leadership is not about towering over others, but about sheltering them under the canopy of inspiration and guidance."
- Michaela Evangelio

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐁𝐑𝐆𝐘 𝐒𝐓𝐀 𝐂𝐑𝐔𝐙 𝐈𝐈𝐈, 𝐇𝐀𝐍𝐃𝐀 𝐊𝐀 𝐍𝐀 𝐁𝐀? 𝐃𝐀𝐇𝐈𝐋 𝐒𝐀 𝐓𝐄𝐀𝐌 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐁 𝐈𝐊𝐀𝐖 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐃𝐀!

Makikita sa fb post sa ilalim ang aming 9 na puntos na plataporma at adbokasiya:
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=194414067025819&id=100093716790933&mibextid=Nif5oz

Makikita sa fb post sa ilalim ang ilan sa mga matagumapay na proyekto ng Team SILAB:
https://fb.watch/nYpvVjeebh/?mibextid=Nif5oz


Photos from Team SILAB's post 28/10/2023

Nagsama-sama! Kumilos! Nag-silbi!

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍, 𝐈𝐊𝐀𝐖 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐃𝐀!

Kami at sampu ng aming kasama ay lubos na nagpapasalamat sa Gabrielian Angels Pep Squad sa kanilang bolunterismo at puso para tumindig sa ngalan ng mga Kabataan!

Tunay ngang hindi alintana ang pagod, init at sikat ng araw para sa mainit na pag suporta!

Muli, maraming salamat po!

𝐓𝐈𝐍𝐃𝐈𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍!


Photos from Team SILAB's post 25/10/2023

𝙏𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼𝙈𝘼 𝙆𝘼! 𝙎𝘼 𝙋𝙍𝙊𝙂𝙍𝙀𝙎𝙄𝘽𝙊𝙉𝙂 𝙋𝘼𝙂𝘽𝘼𝘽𝘼𝙂𝙊 𝘼𝙏 𝙍𝙀𝙋𝙊𝙍𝙈𝘼𝙉𝙂 𝙈𝘼𝙔 𝙋𝙐𝙎𝙊.

Kabataan ng Brgy Sta Cruz III handa na ba kayo?

Buong pagmamalaking inihahandog sainyo ng Team SILAB ang 'Siyam (9) na puntos na Plataporma at Adbokasiya'

Kaya't basahin, siyasatin at unawain, dahil Kabataan, Ikaw ang bida!

Poster edited by Adrian Itulid


21/10/2023

Nagsasama-sama! Kumikilos! Nag-sisilbi!

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍, 𝐈𝐊𝐀𝐖 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐃𝐀!

Sa ilang buwan na pagsasagawa ng mga proyekto para sa Kabataan, hindi naging madali ang aming daang tinahak na tila butas ng karayom.

Ngunit dahil sa nagkakaisang layunin, at mithiin naging matagumpay ang mga inalatag na proyekto para sa mga kabataan ng Sta Cruz 3.

Kaya sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election, Halina't samahan ninyo kami na ipanalo ang laban na ito.

Nais namin na ihandong ang mga proyektong nararapat sa kabataan upang maging progresibo at aktibo ang buhay ng Kabataan ng Brgy Sta Cruz III.

Mapapqnood sa video sa baba ang ilan sa mga matatagumpay ng proyekto na Team SILAB:

Special Thanks to MS. SHARAIM ESMENDA for singing our campaign song "Liwanag sa Dilim", and MR. ADRIAN ITULID for voice over.


Photos from Team SILAB's post 20/10/2023

𝑻𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂𝒎𝒂 𝒌𝒂! 𝒔𝒂 𝒑𝒓𝒐𝒈𝒓𝒆𝒔𝒊𝒃𝒐𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈𝒃𝒂𝒃𝒂𝒈𝒐 𝒂𝒕 𝒓𝒆𝒑𝒐𝒓𝒎𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒚 𝒑𝒖𝒔𝒐.

Andito na ang mga kabataang handang magsilbi at tumindig hanggang sa boses ng kabataan ay marinig!

Team 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐁 "𝑺𝒂𝒎𝒂-𝒔𝒂𝒎𝒂𝒏𝒈 𝑰𝒕𝒂𝒕𝒂𝒈𝒖𝒚𝒐𝒅 𝒂𝒕 𝑳𝒂𝒍𝒂𝒃𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑨𝒌𝒕𝒊𝒃𝒐 𝒂𝒕 𝒂𝒔𝒆𝒏𝒔𝒂𝒅𝒐𝒏𝒈 𝑩𝒖𝒉𝒂𝒚 𝒏𝒈 𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏𝒈 𝑺𝒂𝒏 𝑱𝒐𝒔𝒆ñ𝒐"

SK Chairwoman: Michaela Evangelio
Sk Councilors: Adrian Itulid
Danah Abong
Joyce Vicente
Justine Flores
Angelica Presado
Roxanne Pomperada

halina't sumama sa mas mayabong na bukas na puno ng pag-asa.Iboto ang kandidatong may puso at layunin sa pag seserbisyo kaya team 𝐒𝐈𝐋𝐀𝐁 ay 𝐈𝐁𝐎𝐓𝐎!

𝒌𝒂𝒃𝒂𝒕𝒂𝒂𝒏 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒏𝒈𝒈𝒂𝒏 𝒂𝒕 𝒖𝒖𝒏𝒂𝒉𝒊𝒏 𝒌𝒂!


Photos from Team SILAB's post 27/08/2023

Nagsasama-sama! Kumikilos! Nag-sisilbi!

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍, 𝐈𝐊𝐀𝐖 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐃𝐀!

Pagbati para sa matagumpay na pamamahagi ng munting tulong na school supplies para sa mga Kabataan ng Barangay Sta Cruz III bilang bahagi ng aming Proyekto na "Sa-GIFT Eskwela".

Kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng makabuluhang gawain na ito. Higit na lalo sa nagpaabot ng tulong pang pinansyal para sa katuparan ng gawain na iro. Ito ay hindi magiging posible kung wala ang inyong pag gabay.

Maraming salamat sa patuloy sa pag-suporta sa Team SILAB!

Hanggang sa muling proyekto!


Photos from Team SILAB's post 27/08/2023

Happening now:

Patuloy padin po ang pamamahagi ng school supplies na hatid sainyo ng Team SILAB, Dito po iyan sa Marquez Residence sa King Constantine St.


Photos from Team SILAB's post 27/08/2023

Nagsasama-sama! Kumikilos! Nag-sisilbi!

Paalala para sa aming mga minamahal na ka-Baranggay, ito po ang direksyon papunta sa ating location ng pagpapamigay ng "Sa-GIFT Eskwela", munting tulong para sa mga SHS at Kolehiyo.

Maraming salamaat po.

Inaasahan po namin kayo!


27/08/2023

PARA PO SA MGA MINAMAHAL NAMING KA-BARANGAY, IPINAPABATID PO NAMIN SA INYO NA TAPOS NA PO ANG PAGPAPALISTA, AT WALA NA PONG SLOT. MARAMING SALAMAT PO.

Nagsasama-sama! Kumikilos! Nag-sisilbi!

𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍, 𝐈𝐊𝐀𝐖 𝐀𝐍𝐆 𝐁𝐈𝐃𝐀!

Tinatawagan ng atensyon ang lahat ng Kabataang 𝗦𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿 𝗛𝗶𝗴𝗵 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗮𝘁 𝗞𝗼𝗹𝗲𝗵𝗶𝘆𝗼 upang maging benepisyaryo ng aming proyekto na "Sa-GIFT Eskwela".

Layunin ng proyekto na ito ang makapag pamahagi ng mumunting tulong na school supplies para sa aming nga minamahal na Istudyanteng Ka-Barangay, at makapag hatid ng Inspirasyon at palakasin ang kakayahan ng mga kabataan na magtagumpay sa kanilang pag-aaral.

Upang mapabilang sa mga masuswerteng Kabataan, mangyari lamang po na pumunta at magpalista sa EVANGELIO RESIDENCE (Likod ng simbahan), dala ang ANUMANG KATUNAYAN na ikaw ang CURRENTLY ENROLLED. Simula 1:00 ng tanghali hanggang 5:00 ng hapon.

Ang unang limangpung (50) Kabataan lamang po na makakapag palista ang mabibigyan.

Magkita-kita po tayong lahat!

Nagsama-sama! Kumilos! Nag-silbi!


Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose del Monte?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Website

Address


Brgy Sta Cruz III, D
San Jose Del Monte
3023