08/09/2026
“𝗪𝗶𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗶𝗻𝘂𝗲, 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂 𝗷𝗼𝗶𝗻, 𝗼𝗿 𝘀𝘁𝗼𝗽?”
— 𝘼𝙩𝙚 𝙎𝙝𝙞𝙣𝙚
Hindi lahat ng laban ay nakikita, at hindi lahat ng biktima ay kayang magsalita. Sa bawat insidenteng nasasaksihan, may tanong na hindi dapat iwasan: Mananatili ba tayo sa gilid, makikiayon, o kikilos para sa tama?
September 8, 2026, nagsama-sama ang mga mag-aaral ng Grade 11 at Grade 12, para sa Anti-Bullying and Criminal Responsibility Seminar na ginanap sa 3rd Floor, ACAD 3 Room, Senior High School, sa pangunguna ng Gender and Development (GAD) at sa facilitation ni Ma’am Maria Concepcion A.
Pormal na binuksan ang programa sa Opening Prayer na pinangunahan ni Sophia Cabuga, na sinundan ng Opening Remarks ni Ma’am Con. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbuo ng isang paaralang ligtas, may respeto, at handang tumindig laban sa bullying.
Matapos nito, nagbigay naman si Ma’am Lily ng isang Inspirational Message, na nagsilbing paalala sa mga mag-aaral na ang pagiging mabuting bahagi ng komunidad ay hindi lamang nasusukat sa sariling kilos, kundi pati sa paraan ng pagtugon natin kapag may ibang nangangailangan ng tulong.
Sa pagpapatuloy ng programa, pinangunahan ni Sgt. Jonnalyn Bartolume ang talakayan tungkol sa anti-bullying, kung saan tinalakay ang iba’t ibang anyo nito, physical, verbal, cyber, psychological, at social bullying, kasabay ng pagbibigay-diin sa karapatan ng bawat mag-aaral at sa kahalagahan ng wastong pagrereport sa mga insidente.
Sinundan ito ng talakayan ni Ate Shine, isang nurse at police officer na nagsasaliksik at nagtataguyod ng children and women’s rights since 2015. Tinalakay niya ang criminal responsibility, child protection, at ang kahalagahan ng pag-unawa sa pananagutan at karapatan ng bawat isa.
Hindi lamang pakikinig ang naging bahagi ng seminar. Sa Q&A portion, aktibong nakibahagi sina Sophia Cabuga, Andrea Gimeno, Maxene Conchada, Rendel Mañalac, Paul Jay Bustillo, at Santino Pajotea, na nagbigay-daan sa mas malalim na pagtalakay sa mga katanungan at sitwasyong maaaring harapin ng kabataan.
Sa gitna ng talakayan, iniwan ni Ate Shine ang isang tanong na nagsilbing hamon sa bawat nakikinig
“Will you continue, will you join, or stop?”
Dahil hindi lahat ng biktima ay kayang magsalita. Kaya ang mga nakakakita ay may mahalagang papel, hindi upang makialam nang padalos-dalos, kundi upang maging mapagmatyag, kumilos nang may discernment, panatilihin ang confidentiality, at gamitin ang tamang paraan ng pagrereport.
Sa pangunguna naman ni Sir Edmar Panuelos bilang Master of Ceremonies, naging maayos ang daloy ng programa mula simula hanggang wakas. Isinara ang makabuluhang pagtitipon sa pamamagitan ng Closing Remarks ni Ma’am Julie D. Rizon, School Assistant Principal, na nagsilbing huling paalala sa mga mag-aaral na ang kaligtasan at respeto ay responsibilidad ng buong komunidad.
𝙃𝙪𝙬𝙖𝙜 𝙨𝙖 𝙜𝙞𝙡𝙞𝙙 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙣𝙞𝙣𝙞𝙣𝙙𝙞𝙜𝙖𝙣, 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙡𝙞, 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙗𝙤𝙨𝙚𝙨 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙩𝙬𝙞𝙧𝙖𝙣.
✒️ : Paul Jay Bustillo | SSLG Public Information Officer
📷 : Marnelle Jane Manzon
🎨 : Andrealyn Gimeno | SSLG President