06/05/2026
Sa oras ng pagdadalamhati, mahalaga ang may masasandalan.
Ang simpleng pagpapahiram ng sasakyan para sa libing ay maliit na tulong, pero malaking ginhawa para sa pamilyang nagluluksa.
Handa po tayong umalalay sa abot ng ating makakayaādahil ang tunay na serbisyo, nararamdaman sa oras ng pangangailangan. š¤
Sa mga nais manghiram ng sasakyan para sa libing maari pong mag fill up sa link na ito https://forms.gle/RQuoaPrrXiU2qjHD8
05/05/2026
TINGNAN
Mabilis na tinugunan ng pamahalaang barangay, sa pangunguna ni Kapitana Irene Biteng , ang kahilingan para sa rasyon ng tubig ng mga residente ng Phase 4B (Block 33ā41) sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod, ito ay bahagi ng prayoridad na programa ng ating butihing Mayor Ate Rida Robes at Congressman Arthur Robes upang matiyak na agad na natutugunan ang pangangailangan ng bawat pamilya sa panahon ng kakulangan sa suplay ng tubig.
Ang regular na rasyon ng tubig ay tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Para sa mas mabilis na rasyon, maaaring magmensahe sa ating barangay page. Maraming salamat po.
šø Kapitana Irene Biteng
"Dapat Alam mo Pamilyang MinuyeƱos"
04/05/2026
TINGNAN
Opisyal nang sinimulan ang programang āBata, Bata, Bakasyon na, Tara Basa!ā ng pamahalaang barangayāisang makabuluhang inisyatibo na naglalayong ihanda ang mga batang may edad 6ā7 taong gulang sa kanilang kasanayan sa pagbasa bago ang nalalapit na pasukan.
Sa pangunguna ni Kagawad Jason Iglesia Cama, Chairman ng Committee on Education, at sa buong suporta ni Punong Barangay Irene Biteng kasama ang Sangguniang Barangay, patuloy nating pinalalakas ang pundasyon ng edukasyon para sa bawat batang MinuyeƱos.
Isang hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasanādahil sa Minuyan Proper, ang edukasyon ay tunay na pinapahalagahan.
šøBPIO Minuyan Proper
"Dapat Alam mo Pamilyang MinuyeƱos!"
04/05/2026
TINGNAN
Isinagawa ang ika-25 na Flag Raising Ceremony para sa mga kawani ng Barangay Minuyan Proper na sinimulan sa isang banal na Misa bilang pasasalamat at gabay sa patuloy na paglilingkod.
Kasabay nito, nagkaroon din ng munting selebrasyon sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga regalo para sa mga kawani na nagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan ng Abrilāisang simpleng pagpapahalaga sa kanilang dedikasyon at serbisyo sa ating komunidad.
Pinangunahan ito ng Punong Barangay Irene Biteng kasama ang Sangguniang Barangay, na patuloy na nagsusulong ng pagkakaisa at malasakit sa bawat kawani at mamamayan.
šøBPIO Minuyan Proper
"Dapat Alam mo Pamilyang MinuyeƱos!"
04/05/2026
IN PHOTOS
Isang masigla at makulay na pagdiriwang ang inihatid ng pamahalaang barangay para sa mga residente ng Phase 4B Staging Area bilang paggunita sa Kapistahan ng mahal na patron na si San Jose Manggagawa. Puno ng saya, pagkakaisa, at pasasalamat ang nasabing selebrasyon na tunay na nagbigay ng ngiti at inspirasyon sa bawat pamilyang MinuyeƱos.
Ito ay naisakatuparan sa buong suporta ng ating Punong Barangay Irene Biteng kasama ang Sangguniang Barangay, na patuloy na naglilingkod at naghahatid ng serbisyong may malasakit para sa lahat.
"Dapat Alam mo Pamilyang MinuyeƱos!"
šø BPIO Minuyan Proper
03/05/2026
Sa panahon ng lungkot, mas ramdam ang tunay na bayanihan š¤
Tayo po ay patuloy sa pagpapahiram ng sasakyan para sa mga pamilyang nangangailangan sa oras ng libing. Isang simpleng tulong, pero malaking ginhawa sa mga nagdadalamhati.
Solid ang malasakit. Hindi lang serbisyoāmay puso šÆ
Kung may nangangailangan, maaari po kayong mag fill up sa link na ito https://forms.gle/RQuoaPrrXiU2qjHD8.
02/05/2026
TINGNAN
Matagumpay na naisagawa ang Libreng Tuli kahapon Mayo 1, 2026 sa Pol CasiƱo Activity Center, kung saan mahigit 100 kabataang MinuyeƱos ang nabigyan ng libreng serbisyo sa pagtutuli. Isinagawa ito sa tulong at dedikasyon ng ating mga Nurse at Midwives ng barangay na patuloy na naglilingkod sa komunidad.
Ang programang ito ay bahagi ng taunang inisyatiba ng pamahalaang barangay sa pangunguna ni Kapitana Irene Biteng at ng ating masisipag na mga kagawad, na layong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat pamilyang MinuyeƱos.
Serbisyong may malasakit, para sa kalusugan at kinabukasan ng kabataan!
šøBPIO-Minuyan Proper
"Dapat Alam mo Pamilyang MinuyeƱos!"
01/05/2026
PRIDE OF MINUYEĆOS!
Buong pusong pagbati kay BPIO Chales Darwin Pahores sa kanyang ikalawang sunod na taon ng pagkamit ng titulong BPIO OF THE YEAR 2025 sa lungsod ng San Jose del Monte.
Isang malaking karangalan ito hindi lamang para sa kanya kundi para sa buong Barangay Minuyan Proper. Ang tagumpay na ito ay bunga ng kanyang dedikasyon, husay, at patuloy na pagbibigay ng dekalidad na impormasyon at serbisyo sa ating komunidad.
Kabilang sa kanyang mga natamong pagkilala ay:
-Best in Video Production
-Most Active BPIO
-Best Graphic Design
-Most Improved Pages
-Most Active Barangay
-Most Happy Birthday Post Award
Patunay ito na ang kanyang sipag at malasakit ay nagdudulot ng positibong pagbabago at inspirasyon sa bawat MinuyeƱo.
Muli, pagbati at saludo sa iyong patuloy na paglilingkod. Ipagpatuloy mo ang mahusay na serbisyo para sa ating barangay.
"Dapat Alam mo Pamilyang MinuyeƱos!"
30/04/2026
Maligayang pista ni San Jose Manggagawa sa bawat Pamilyang MinuyeƱo at lalong lalo na sa ating mga ka-Barangay sa Phase 4A at Phase 4B, Towerville, Minuyan Proper.
Para sa lahat ng manggagawang MinuyeƱo, saludo kami sa sipag, tiyaga, at puso niyo ā¤ļø
Hindi lang basta trabaho⦠may dignidad. š
Letās celebrate, give thanks, at sama-sama sa pag-angat!
29/04/2026
IKA-59 NA REGULAR SESSION NG BARANGAY MINUYAN PROPER
Matagumpay na naisagawa ang ika-58th regular session ng Sangguniang Barangay ng Minuyan Proper kung saan tinalakay ang mahahalagang panukala at mga ordinansa para sa ikauunlad ng ating komunidad.
Pinangunahan ito ni Kapitana Irene Biteng bilang presiding officer, kasama ang mga miyembro ng konseho, sa patuloy na pagsusulong ng maayos, ligtas, at progresibong barangay.
Ginanap sa Barangay Annex A Hall, Phase 4A Towerville, Minuyan Proper April 27, 2026.
"Dapat Alam mo Pamilyang MinuyeƱos!"
27/04/2026
TINGNAN
April 25, 2026 | Nagsagawa ng Clean-Up Drive ang Pamahalaang Barangay sa pangunguna ni Kapitana Irene Biteng kasama ang mga kawani ng barangay at ibaāt ibang civil society organizations bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kalinisan, kaayusan, at pangangalaga sa kapaligiran sa ating komunidad.
Ang gawaing ito ay pakikiisa sa programang āBASURA NO WAYā ni Mayor Ate Rida Robes gayundin sa DILG Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation Program, na naglalayong mapanatili ang malinis at ligtas na kapaligiran para sa lahat.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at bayanihan, patuloy na ipinapakita ng ating barangay ang dedikasyon sa pagpapanatili ng disiplina, kalinisan, at malasakit para sa mas maayos at maunlad na pamayanan.
"Dapat Alam mo Pamilyang MinuyeƱos!"