Barangay San Rafael I - CSJDM, Bulacan

Barangay San Rafael I - CSJDM, Bulacan

Share

Official page of Barangay San Rafael I, City of San Jose del Monte, Bulacan

02/06/2026

BASAHIN

Double win para sa mga San Joseño! Bigo ang Primewater na pigilan ang City Government ng San Jose del Monte sa mga gagawing hakbang upang maisaayos ang sitwasyon ng tubig sa Lungsod matapos paboran ng dalawang magkaibang korte ang interes ng publiko na ipinaglalaban ni Mayor Ate Rida Robes. Nauna nang ibinasura ng Regional Trial Court - Bulacan ang isinampang Temporary Restraining Order (TRO) petition ng PrimeWater laban sa pansamantalang pangangasiwa ng City Government ng San Jose del Monte sa operasyon ng tubig. Ngayon naman, nagdesisyon din ang RTC - Las Piñas pabor din sa LGU.

Ayon sa mga desisyon ng mga korte sa Bulacan at Las Piñas, higit na mahalaga ang pagtugon sa krisis sa suplay ng tubig na nararanasan ng libu-libong San Joseño kaysa sa Joint Venture Agreement ng Primewater at ng San Jose del Monte Water District.


02/06/2026

Pasukan na! Handa ka na ba?

Sa pagbubukas ng School Year 2026-2027, tatlong term na lang ang magiging Sistema ng school calendar sa basic education. Ayon yan sa DepEd Order No. 009 s. 2026.

Ano kaya ang kaibahan nito sa dati at ano ang mga magiging epekto nito sa mga mag-aaral at ating mga g**o? Yan ang Dapat Alam Mo, San Joseño!







Photos from Barangay San Rafael I - CSJDM, Bulacan's post 31/05/2026

𝗕𝗘𝗔𝗣 𝗤𝗨𝗔𝗟𝗜𝗙𝗬𝗜𝗡𝗚 𝗘𝗫𝗔𝗠 | 𝗠𝗮𝘆 𝟯𝟬, 𝟮𝟬𝟮𝟲 📝

ICYMI: Ginanap kahapon, May 30, 2026, ang ating 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐄𝐃𝐔𝐂𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍𝐀𝐋 𝐀𝐒𝐒𝐈𝐒𝐓𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌 𝐐𝐔𝐀𝐋𝐈𝐅𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐗𝐀𝐌𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 para sa Senior High School Students ng S.Y. 2025-2026. Isinasagawa natin ito bilang bahagi ng ating pagsisikap na matiyak na ang tulong ay mapupunta sa mga karapat-dapat at nangangailangang mag-aaral.

Maraming salamat sa lahat ng mga aplikanteng nakiisa at naglaan ng oras upang makilahok sa pagsusulit. 🧡

‼️ Para sa mga hindi nakadalo, makipag-ugnayan sa ating FB page o di kaya ay magtungo sa ating tanggapan upang makapagtakda ng araw para sa special examination.




30/05/2026

𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐏𝐎𝐍 | 𝐉𝐮𝐧𝐞 𝟎𝟒, 𝟐𝟎𝟐𝟔 🐶🐱

Magandang araw, mga kabarangay!

Magkakaroon ng 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗢𝗡 para sa ating mga alagang aso't pusa mula sa San Rafael I to V at Sta. Cruz I to V, sa pangunguna ng ating City Veterinary Office, kaisa ng UNITED SAN RAFAEL at ang mga PARAVET ng mga nabanggit na barangay. Ito ay bilang bahagi ng programa ng ating lungsod para sa kalusugan ng ating mga alagang aso't pusa.

Ito ay gaganapin sa:

📌 𝗕𝗿𝗴𝘆. 𝗦𝗮𝗻 𝗥𝗮𝗳𝗮𝗲𝗹 𝗜𝗜𝗜 𝗖𝗼𝘃𝗲𝗿𝗲𝗱 𝗖𝗼𝘂𝗿𝘁
🗓️ 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟬𝟰, 𝟮𝟬𝟮𝟲
🕗 𝟬𝟴:𝟬𝟬 𝗼𝗻𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀

‼️ 𝙈𝙜𝙖 𝙋𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖:

✅ Valid ID ng may-ari ng alagang aso/pusa
✅ Magdala ng ballpen, Dorco Blade, Spay & Neuter Stub
✅ Rehistrado ang mga alagang A*O dala ang REGISTRATION FORM
✅ Dalhin ang VACCINE CARD ng alagang PUSA
✅ Nasa 1 hanggang 3 taong gulang ang alagang aso/pusa
✅ Naka-fasting ng 8 oras ang alagang aso/pusa
❌ BAWAL ang BUNTIS o NAGPAPASUSONG A*O/PUSA
❌ BAWAL sa MAY SAKIT o MATAMLAY na A*O/PUSA

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan sa PARAVET ng ating barangay na si Gng. Anayrin Fragata.

𝑴𝒂𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒓𝒆𝒔𝒑𝒐𝒏𝒔𝒂𝒃𝒍𝒆𝒏𝒈 𝒇𝒖𝒓𝒑𝒂𝒓𝒆𝒏𝒕! 🧡




Photos from Barangay San Rafael I - CSJDM, Bulacan's post 30/05/2026

kita-kits mamaya! 😉

Photos from Barangay San Rafael I - CSJDM, Bulacan's post 28/05/2026

𝐁𝐄𝐀𝐏 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐐𝐔𝐀𝐋𝐈𝐅𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐄𝐗𝐀𝐌 📝

Narito na ang listahan ng mga Senior High School para sa SY 2025-2026 na nakapasa sa ating screening at sasailalim sa pagsusulit para sa atin Barangay Educational Assistance Program Year 3. Ito ay matapos masuri ang mga ipinasang aplikasyon mula noong April 15, 2026 hanggang May 15, 2026.

Magsadya sa ating 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐇𝐀𝐋𝐋 (𝐔𝐏𝐏𝐄𝐑) sa darating na Sabado, 𝐌𝐀𝐘 𝟑𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔 sa inyong nakatakdang oras -- 9:30 am para sa Batch 1 at 11:00 am para sa Batch 2.

❗️Tandaan lamang ang mga sumusunod na alituntunin para sa inyong pagsusulit:

☑️Magpunta sa Barangay Hall (upper) 15 minutes bago ang inyong nakatakdang pagsusulit.
☑️Magsuot ng puting (white) t-shirt.
☑️Isuot ang inyong mga school ID para sa SY 2025-2026.
☑️BAWAL ang calculator.
☑️Coverage ng Exam:
- Science
- Mathematics
- English
- Filipino
- General Information
☑️BAWAL ang CELLPHONE. Itago at i-silent ang inyong mga cellphone sa oras ng pagsusulit.
☑️Madali lang po ang exam. Huwag kabahan. 🧡
☑️NO CHEATING.

Para sa karagdagang katanungan o paglilinaw, magmessage lamang sa ating page.

See you! 😉



20/05/2026

🎉𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐑𝟏!🎉

Isang taos pusong pagbati sa ating kabarangay na si Jaime S. Ranoco, Jr. na matagumpay na nakapasa sa LICENSURE EXAMINATION FOR PROFESSIONAL TEACHERS nitong nagdaang Marso 2026!

Ang iyong dedikasyon at tagumpay ay tunay na kahanga-hanga at nawa'y magsilbi kang inspirasyon sa ating buong komunidad.

Ipinagmamalaki ka ng ating barangay! Padayon! 🧡


19/05/2026

Mula sa tinaguriang Rice Granary of the Philippines, ang lalawigan ng Nueva Ecija, sinilip at inaral ng Pamahalaang Lungsod ng San Jose Del Monte ang isa sa mga itinuturing na matagumpay na modelo sa pamamahala ng suplay ng tubig - ang Pamana Water Corporation.

Personal na inalam ng Technical Working Group ng City Government kung paano napapanatili ng naturang water service provider at Guimba Water District ang maayos at tuloy-tuloy na serbisyo sa libu-libong kabahayan. Kasunod yan ng pag-take over ng lokal na pamahalaan sa operasyon ng water district at PrimeWater sa lungsod.

Ang kanilang pamanang serbisyo sa mga Novo Ecijano, alamin sa report ni Bryan Ocampo.








14/05/2026

🎉𝐂𝐨𝐧𝐠𝐫𝐚𝐭𝐮𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐬, 𝐁𝐚𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐒𝐑𝟏!🎉

Isang taos pusong pagbati sa ating kabarangay na si CATHLYN C. MENDEZ na matagumpay na nakapasa sa LICENSURE EXAMINATION FOR PROFESSIONAL TEACHERS nitong nagdaang Marso 2026!

Ang iyong dedikasyon at tagumpay ay tunay na kahanga-hanga at nawa'y magsilbi kang inspirasyon sa ating buong komunidad.

Ipinagmamalaki ka ng ating barangay! Padayon! 🧡


Want your business to be the top-listed Government Service in San Jose del Monte?

Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address

San Rafael I
San Jose Del Monte
3023